Date Published: January 5, 2022
ROSELINDA
"Ang kabayaran ay ang bagay na mahalaga sa 'yo, Hashton," mahinang sagot sa ko kaniya at nang tinignan ko 'yung ekspresyon ng mukha niya ay nakita kong blanko ito. Hindi ko alam kung ano 'yung nasa isip ngayon.
"Mahalaga sa 'kin? P'wede bang pag-isipan ko muna 'yung tungkol diyan?" Ngumiti ako ng onti sa kaniya at tumango bilang sagot.
"Pag-isipan mong mabuti bago ka magdesisyon para hindi ka magsisi sa huli. P'wede ka namang magpahinga habang iniisip ang tungkol diyan eh," sagot ko.
"Wala na naman sa peligro ang buhay niya ngayon, 'di ba?" Tumango ako kay Mr. Hudson bilang sagot.
"Ang kailangan niya lang gawin ay magpahinga, kumain ng mga masustansyang pagkain saka, inumin 'to." Inabot ko 'yong hinanda kong gamot para kay Hashton.
"Para saan 'to?" tanong ni Mr. Hudson at tinanggap ang gamot na inabot ko sa kaniya.
"Iha-halo mo 'yan sa inumin niya at iinumin. Para bumalik ang dati niyang lakas kahit paunti-unti lang."
"Sige, naiintindihan ko. Ako na ang magpapa-inom sa kaniya nito. Salamat, Miss Crossevell." Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Una na 'ko bago pa 'ko mahuli dito ng landlord niyo," sabi ko at pumunta sa veranda at doon bumaba para makabalik na sa girls' dorm.
~ NEXT DAY ~
Nagising ako ng ala-siyete ng umaga at naabutan ko pang natutulog si Miho sa kama niya. Dahil sa lagi niya kong binabantayan ay naglagay na ko ng isang kama para sa kaniya, para dito na siya matulog.
Agad namang pumunta sa kama ko sila Cutie at Acane. Pinet ko silang dalawa sa ulo nila at ngumiti ng onti.
"Maaga akong nagising. Gusto niyo bang mag-ikot muna sa labas? Pangpalipas oras lang," pag-aaya ko sa kanila at tumayo na ko mula sa kama at nagbihis na.
•*•*•*•*•*
Nagla-lakad kami ngayon sa labas ng dorm papunta sa garden ng academy nang biglang lumakas 'yung hangin. Napangiti ako ng todo dahil doon.
"Master, kantahan mo kami." Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi ni Acane at tumango. Pumatong naman sa ulo ko si Cutie.
~Et in toto corde et in tenebris lumen quod incidit
Mundus plenus lumine impleta est, ut ita dicamus, utopia mundi Et tenebrae eam accipere mundum, sed ut salvetur mundus per lucem novae generation ~Habang nagla-lakad kami ay nagsimula na kong kumanta. Sa bawat pagkanta ko ay mas lalong nalakas 'yung hangin. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing nakanta ako sa labas ay bigla na lang nalakas 'yung hangin.
~ Et conversus est cor tenebras in lucem Quod salvus erit per aliquid quod habet lucem ac maiores in ~
Pagpa-patuloy ko pa sa pagkanta. Nang lumiko kami sa kanan ay nakarating na kami sa garden. Umupo ako sa bench at tumabi naman sa 'kin si Acane.
~ Et in toto corde et in tenebris lumen quod incidit
Mundus plenus lumine impleta est, ut ita dicamus, utopia mundi Et tenebrae eam accipere mundum, sed ut salvetur mundus per lucem novae generationEt conversus est cor tenebras in lucem Quod salvus erit per aliquid quod habet lucem ac maiores in
Lux in mundum veni, perpetua pax nostra iungere sine metu et dolore
Lumen in cordibus aliorum eamus tuendos eps perdere tenebris cordis eorum
Salutem ex tenebris lumen quondam puer nobis accidit
Lux in mundum felicitatem aeternam concede nobis arridet reliquis ~
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...