Chapter 23.

22 1 0
                                    

Date Published: September 1, 2021

ROSELINDA

"Hindi namin inaasahan na nandito pala si Linda." Hindi ko pinansin si Dilan. Wala akong pake sa kaniya - sa kanilang lahat. Sumandal ako sa pader at tumingin na lang sa bintana.

"Kaya naman pala may nagamit ng Black Magic dito dahil nandito pala si Linda. Siya lang naman ang p'wedeng pag-bintangan dito eh." Sinamaan ko ng tingin 'yung nagsalita at napa-upo siya sa sahig.

"Linda! Tama na! 'Wag mong gamitin sa kaniya yung kapangyarihan ng mga mata mo!" Tumingin na lang ulit ako sa bintana at nanahimik na lang.

"'Wag niyong pagbintangan si Ynna. Nandito ako kaya bantay sarado ko 'yan. And besides, mas mahina ang Dark Magic na ginagamit dito sa academy kaysa kay Ynna," saad ni kuya Arcy.

"Kaya hindi si Ynna ang may kakagawan nito dahil kung siya, dapat matagal nang nawala ang academy na 'to sa mapa noon pa lang," dugtong niya pa.

"Bakit po ba kayo nagpa-pasok ng isang witch dito, Head-wizard? Alam niyo namang delikado silang lahat." Bakit ba lahat na lang sila ay ganiyan ang sinasabi?

"Tumigil na nga kayo!" Ma-otoridad na saad ni kuya Arcy sa mga guardian mage.

"Hindi lahat ng mga witch ay masasama. Hindi lahat ng mga nasa Ministry of Magic ay mababait at tapat sa mga misyon nila. Hindi lahat ng mga white wizards ay mababait. Lahat tayo ay tao lang. Hindi lahat ng aasahan mo tulad ng mga inaasahan mo," malamig kong saad habang nakatingin pa rin sa bintana.

"Paano kayo nakakasiguro na walang nagamit ng black magic mula sa Ministry? Paano kayo nakakasiguro na walang nagamit ng black magic mula sa inyong mga guardians?" tanong ko pa sa kanila at walang nakasagot.

"May point din siya. Tama din 'yung mga sinabi niya na hindi makikita sa panlabas na anyo ng isang witch o wizard kung mabait ba sila o hindi," pagsang-ayon naman ni Henry. Napahinga ng ako malalim at naglakad na palabas ng office.

Bubuksan ko na sana 'yung pintuan nang hinawakan ako ni Garciel sa kamay at napatingin ako sa direksyon niya. Tinabig ko 'yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko at inapakan siya sa paa niya.

"Aray!" daing niya at tumingin ako sa direksyon ng Head-wizard at tumango siya. Ngumiti ako ng malamig at binuksan ko 'yung pintuan at nag lakad paalis.

•*•*•*•*•*

Nakapatong 'yung baba ko sa kamay habang nakatingin pa rin sa bintana. Hindi ko kayang makinig sa lesson ni Professor Bryan dahil sa mga nangyari kanina.

'Bakit ba ko naapektuhan sa mga sinabi nila kanina?

Bakit ba hindi ko kayang tanggalin ang dugong nasa katawan ko?

Bakit ba...?

Bakit...?

Matagal ko nang gustong tanggalin 'to...'

"Bakit ba hindi nila kayang maintindihan na hindi pare-parehas ang lahat?" Napatigil ako bigla nang naramdaman kong maraming mga mata ang nakatingin sa 'kin.

At tama nga 'yung hinala ko. Lahat nga ng mga nandito ay nakatingin sa direksyon ko. Napatakip ko sa bibig ko 'yung mga kamay ko at tumayo at tumakbo na palabas ng room.

Tumakbo ako papuntang gubat at doon na lang nag labas ng sama ng loob.

HASHTON

"Let's continue the discussion. Hayaan na lang muna natin siyang mapag-isa," Professor Byran said to the whole class.

I wish Rose is okay and not really bothered about what happened a while ago in the office. Damn those guys.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon