Date Published: February 9, 2022
ROSELINDA
Nakatitig pa rin ako sa buwan nang napatingin ako kay Hashton na nakatitig sa 'kin ng seryoso. Ang mga tingin na binibigay niya sa 'kin ngayon ay ang dahilan kung bakit mas nahuhulog ako sa kaniya.
"Tara na. Bago ka pa mahuli," pag-aya ko at tumayo na. Nagsimula na kaming maglakad dalawa pabalik ng academy nang magkahawak ang kamay.
Hindi pa kami nakakalayo nang nakita kong lumabas si Master Ryle na may kasama pang isang lalaki na kamukha niya.
"Ahh... Ynna, nandito ka pala ngayon. Binisita si Kyline?" Tumango ako sa kaniya. Hinila ko si Hashton palapit sa pwesto nila Master Ryle.
"Inuwi po si Sheign saka binisita na din po si mama," sagot ko naman at napatingin sa lalaking kasama niya.
"Ako si Kyle. Kapatid ni Ryle," pagpapakilala naman ni Master Kyle sa sarili niya at nginitian ko siya.
"Ynna po at siya si Hashton," sagot ko naman.
"Galing din po kayo sa Magique, 'di ba?" Tumango siya sa 'kin.
"Kumusta po si Dana? Hindi po ba siya pwedeng bumisita dito kahit saglit lang?" tanong ko at napatingin si Master Ryle kay Master Kyle.
"Lagi akong na sa Magique. Sa nakikita ko ay hindi siya makakabisita dito kahit na gusto niya dahil maraming problema doon ngayon," sagot ni Master Kyle.
"Mas lalo na't muntikan nang masira ang selyo niya galing kay kuya dahil kay Soul," dugtong niya pa. Sakto naman na lumabas si Blood mula sa bahay.
"Delikado si Dana kapag wala ang selyo na 'yon sa kaniya. Kayang-kaya niyang sirain ang buong Magique at ayokong mangyari 'yon," sabi naman ni Master Ryle.
Naalala ko na may nilagay din akong selyo sa kaniya noon dahil alam kong malakas ang kapangyarihan ni Dana. May posibilidad kaya na nasira din ang nilagay ko sa kaniya?
Gusto ko sanang tanungin kaso, hindi ko alam kung paano dahil hindi ko alam kung alam niya ba ang tungkol doon.
"Nagalit siya nang tinarget ng kalaban nila si kuya kaya muntikan nang masira 'yong selyo," sabi naman ni Blood habang inaayos ang bag na bitbit niya.
"Ano pala ginagawa mo dito, Hash? Hindi ka ba papagalitan doon? Okay ka na ba?" tanong ni Blood nang nakita niya si Hash. Tumawa naman si Master Ryle.
"Sige na. Magsibalik na kayo bago pa kayo pagalitan. Ingat." Sabay-sabay na kaming tatlo na bumalik sa academy bago pa mas lumalim ang gabi.
~ IN THE ACADEMY ~
Nang nakita na namin ang entrance ng academy ay agad naming nakita sila Mr. Hudson at ang iba pa pwera lang kay Lenrick doon na para bang may hinihintay.
Nang nakalapit na kami sa kanila ay agad nitong sinamaan ng tingin si Hashton kaya napatingin din ako sa kaniya.
"Ano ba ang sinabi ko sa 'yo?" Nagulat ako nang sumigaw si Mr. Hudson. Agad naman siyang pinakalma ni Miho.
"Ang sabi ko magpahinga ka sa dorm pero tumakas ka pa rin!"
"Hindi ka pa nga masyadong okay pero nagpapagod ka na agad! Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" sigaw pa ni Mr. Hudson.
"M-Mr. Hudson, sinamahan lang naman ako ni Hashton na iuwi si Sheign kanina. Naniniguro lang naman siya na makaka-uwi ng ligtas si Sheign eh," sabi ko naman.
"Bumalik na kayo sa mga dorm niyo ngayon din!" Agad kaming naglakad paalis para bumalik na sa mga dorm namin.
THIRD PERSON
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...