Date Published: April 30, 2021
ROSELINDA
"Hindi talaga totoo 'yung sinabi mo kanina, Rose? Naniwala na ako at natakot sa 'yo eh." Komento ni Lenrick.
"Hindi kayo nakikinig sa lesson niyo, 'no? Tsk. Tsk. Makinig nga kayo sa susunod." Sagot ko naman at natawa si Ashveil.
"Never naman talagang nakinig sa lesson si Len. Laging nalipad ang utak niyan eh." Natawa din ako ng konti dahil sa sinabi ni Ashveil.
"Lagi pang failed ang spells niyan. Talagang sinasadiya." Iling-iling pang dugtong ni Ashveil kaya naman at napa-iling na lang din ako.
"Nako, nako. Lenrick talaga eh." Nakita kong napakamot siya ng batok niya dahil sa pinagtulungan na namin siyang dalawa ni Ashveil.
"Nandito na tayo." Napatingin ako sa harap at nakita ko 'yung partner ko na naka-upo sa isang bench at nagba-basa ng libro.
"He's Hashton Mikluveign, he's the younger brother of Hudson. Kaya kung may ginawa siya sa 'yo, sumbong mo lang sa kuya niya." Tumango-tango ako kay Lenrick.
"Una na kami ah? May gagawin pa kami eh. Bukas na lang ulit." Kumaway ako sa kanilang dalawa at naglakad na sila paalis.
Lumapit na ko kay Hashton at napatingin siya sa 'kin at tumayo na siya. Nilapag niya 'yung librong binabasa niya sa bench.
"I can see that your familiar is still here. Hindi naman siya nangangagat, 'di ba?" Umiling ako sa kaniya.
"Mabait 'yan, 'wag lang galitin." Sagot ko naman.
"Acane, pwede kang gumala muna dito. Tawagin na lang kita 'pag tapos na kami." Tumango at naglakad na paalis si Acane.
"Let's start. Nakita ko naman na malakas ka kaya naman ang practice natin ay mga lesson natin sa araw na 'to. Dahil tungkol sa familiar ang lesson ay 'yon ang practice natin." Paliwanag niya.
"Kaso nga lang, ang problema ay wala akong alagang familiar." Napabuntong hininga siya. Napangiti ako nang may naisip akong paraan.
"Tara. Sunod ka sa 'kin." Hinawakan ko siya sa kamay niya at dinala ko siya sa gubat na parte ng academy.
DRAGO
Naglalakad ako papuntang academy para sa iba pang mga bagahe ni Rosy. Ako lang ang pwedeng magdala nito sa kaniya dahil sa may ginagawang iba si master Kyline.
Nang nakarating na ako sa academy ay agad akong pumunta sa dorm para ibigay itong bagahe na 'to nang may nakita akong isang itim na kuneho.
Nakaramdam ako ng kaba at dahan-dahang sumunod sa itim na kuneho na 'yon. Ang mga knight mage lang naman ang may itim na kuneho bilang isang familiar.
Nang nakarating na ko sa pinuntahan ng itim na kuneho na 'yon ay agad akong nagtago sa isang puno at pinanood ang ginagawa nito.
May dalawang knight mage na nakatayo malapit sa isang bahay at parang may pinag-uusapan sila. Buti na lang ay malakas ang panrinig ko.
"Sigurado ka bang ligtas 'to? Baka may makakita sa 'tin dito?" Saad ng isang lalaki. Ano kaya ang plano nila?
Ang knight mage ay ang mga tao na nagbabantay sa royal family na Crossevell. Impossibleng binabantayan nila si Rosy dahil ayaw niya ng binabantayan siya.
"Kailangan nating sirain ang barrier na nasa academy para makapasok tayo!" Sigaw naman ng isa. May narinig akong isang ingay na para bang may nag-crack na salamin.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...