Chapter 53.

17 1 0
                                    

Date Published: April 6, 2022

ROSELINDA

Naglalakad ako papuntang academy at kasama ko si Acane. Sa totoo lang talaga ay kakauwi niya pa lang kaya naman kanina ko pa siya gustong magpahina pero ayaw niya.

"Sigurado ka bang ayos ka lang talaga, Acane? P'wede ka namang magpahinga muna dahil kakauwi mo pa lang," sabi ko.

"Ayos lang ako master. Hindi kita p'wedeng pabayaan na lang," sagot niya.

"Usapan lang naman ang mayro'n tayo. Hindi naman talaga kita familiar. Kaya hindi mo na kailangang pilitin ang sarili mo, sagot ko.

"Tinuring na kitang master ko. Matagal na rin namang walang bisa ang usapan na 'yon dahil napagpasyahan ko na talagang maging familiar mo." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Kung ayan ang gusto mo, sige. Pero magpahinga ka kung gusto mo," sagot ko naman sa kaniya at tumango siya.

"Tungkol sa assassin na nakita mo, pinadala nga ba sila ng mga witch hunters para sirain ang academy?" Tumango ako.

"Ayon sa lalaking 'yon, 'yun nga ang pakay nilang gawin. Hula ko, nandito din ang mga witch hunter para gawin 'yon," sagot ko.

"Gusto din nila ang Demonaire na nasa katawan ko. Hindi ko alam kung para saan pero para ata sirain ang academy," dugtong ko pa.

"Kailangan na nga nilang malaman ang totoo. Sasabihan mo agad sila, 'di ba?" Tumango ako sa kaniya at pumasok na kami sa academy.

Naglakad kami sa hallway at naramdaman ko na parang may mali. Napatigil kami ni Acane mula sa paglalakad.

"Nararamdaman mo ba 'yun, Acane?" Agad siyang nag-iba ng anyo at hinanda na ang sarili niya. Naglakad kami ng dahan-dahan at tumingin sa paligid.

"Ang pakiramdam na 'to, knight mage," komento niya. Pagkaliko namin sa kaliwa ay agad akong gumamit ng barrier nang may umatake sa 'kin.

Nakita ko si Ricasheign at agad ko siyang sinipa sa tiyan.

"Praeligo!" sigaw ko at may lumabas na tali at tinali siya. Napahiga siya sa sahig dahil nawalan siya ng balanse dahil sa pagkakatali ko sa kaniya.

"Rose!" Napatingin ako sa kay Hashton at kasama niya sila Lenrick.

"Nawala na rin 'yung nararamdaman natin kanina, master," bulong ni Serenity.

"Anong nangyari dito?" tanong nila at napatingin kay Ricasheign.

"Sa tingin ko, hindi siya ang dahilan kung bakit natin naramdaman 'yon, master." Sabi ni Serenity at tumango ako.

"Oblittero." Nawala na 'yung tali na nakatali sa kaniya. Tumayo na siya at kinuha ang scythe niya.

"May nakita ka ba kanina kaya mo ako inatake?" tanong ko.

"May kinakalaban akong knight mage kanina. Ang sabi niya ay papatayin niya ang Head-wizard kaya nang tumakbo siya papunta dito ay hinabol ko siya," paliwanag niya.

"I see. Kumikilos na sila." Naglakad ako papunta sa opisina para lang makasiguro na ligtas ang Head-wizard.

"Anong mayro'n, Rose?" Sumunod silang lahat sa 'kin.

"Pagkapasok namin dito ay nakaramdam kami ng iba dito," paninimula ko.

"Parang may nakapasok na knight mage dito at 'yon na ang nangyari," dugtong ko pa.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon