Date Published: October 6, 2021
HASHTON
When I walk back to Lenrick and the others' place I sit down beside them.
"Nasaan si Rose?" Henry asked.
"I ask her to have some rest because she's too weak due to using her Soul Magic," I said.
"Gano'n ba? Sige, kailangan niya ngang magpahinga na muna. Pero kailangan nating mag-isip ng paraan para tumagal siya sa isang laban," Lenrick commented.
"Oh, yeah... I met Serenity last night," I told them. Tumingin silang lahat sa direksyon ko.
"She told me something about Rose's past. The reason why she doesn't want to trust anyone," I added.
"Bakit daw?" Ashveil ask.
"It's because she fell in love with a witch hunter and that witch hunter betrayed her at the end," I said.
"Ano? Nagmahal siya ng isang witch hunter at trinaydor siya? Wow. Kaya naman pala takot na takot siya eh," saad ni Henry.
"I have no idea what that witch hunter has done to her but, I want to do something for her to trust us," I said.
"Gawan natin ng paraan 'yan at kausapin natin si Huds para makakuha ng ina pang paraan para diyan," Ashveil suggested then, we all went back to the dorm.
~ TWO DAYS AFTER ~
ROSELINDA
Dalawang araw na ang nakakalipas simula no'ng nangyari ang hindi natapos na practice battle namin ni Hashton. Gusto ko na sanang tapusin 'yun kung hindi lang talaga ako nag-aalangan.
Pagkarating ko sa loob ng classroom ay may nakita akong mga nagkukumpulang estudyante sa isang gilid. Nagtaka ako sa kanila pero hindi ko na pinansin 'yun.
Naglakad ako palapit kay Lenrick at tumabi sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nagbabasa siya ng libro. Hindi niya 'ko napansin o naramdaman man lang dahil sa nagbabasa siya.
"Good morning." Napatingin siya sa direksyon ko at ngumiti. Sinara niya 'yung librong binabasa niya.
"Good morning din," nakangiting bati niya sa 'kin at napatingin ulit sa mga nagkukumpulang estudyante sa isang gilid.
"Anong mayro'n ngayon doon?" takang tanong ko agad sa kaniya. Napatingin din siya sa itinuro ko at inilagay niya yung index finger niya sa noo niya na para bang nag-iisip.
"Hmmm... Kung tama 'yung naalala ko, nandito ngayon 'yung top student na mula sa klase ng Elite Class." Elite Class? Galing sa ibang class?
"Hindi pa ba nasasabi sa 'yo ni Hudson ang tungkol diyan?" Napa-isip ako at napabuntong hininga. Nakalimutan ko na ang tungkol doon.
"Nakalimutan ko na. Pinaliwanag na sa 'kin 'yon ni Mr. Hudson no'ng unang araw ko dito," sagot ko at natawa siya.
"Ang apat na klase na 'yun ay Elite for habilidades raras, Majesty for appoyo, Supreme for fuerza at Council for estrategia. Nakadepende sa kakayahan o abilidad ng isang estudyante kung saan siya mapupuntang klase," dugtong niya pa.
'Hmmm... Nasa Supreme Class kaming dalawa. Lahat ba ng klase ay may mga meaning kung bakit doon nailalagay 'yung mga estudyanteng nakakapasok dito?' takang tanong ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...