Destined Partners: Wizards' Academy.

337 5 0
                                    

Date Published: June 12, 2020

PROLOGUE.

Lumabas ako mula sa bahay at pumunta sa kapit-bahay. Kumatok ako ng ilang beses mula sa pintuan at agad namang bumukas 'yon.

"Kuya Bry, nandiyan si Dana? Handa na ako para sa practice namin." Nakangiting saad ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya kaya nagtaka ako.

"Nasabi na niya ba sa 'yo na babalik na siya sa Magique? Mamayang gabi na siya babalik do'n." Nawala ang ngiti ko dahil sa binalita niya.

"Hindi niya sinabi sa 'kin. Bawal ba siyang maka-usap kahit saglit lang?" Sinenyasan niya 'kong pumasok sa loob kaya naman pumasok na ako.

Nakita kong punong-puno ng mga libro ang salang bahagi ng bahay at kumuha ako ng isa. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa loob ng bahay nila.

Umupo ako sa sofa at binasa 'yong librong hawak ko. Nagulat ako nang biglang may lumabas na mga imahe mula doon.

"Ayan ang kwento ng Magique. Simula sa simula hanggang ngayon. Nandito kami dahil ayaw namin ng gulo pero..." - Kuya Bryan.

"Pero...?"

"Kailangan ng mundo namin si Dana, siya lang ang pwedeng magligtas sa mundo ng Magique." Kaya siya babalik doon.

"Naiintindihan ko na. Akala ko makakasama ko pa siya sa academy ngayong pasukan." Komento ko naman at napabuntong hininga.

"Ynna?" Napatingin ako sa direksyon ng tumawag sa 'kin at nakita ko si Dana. Tumayo ako at binalik 'yong libro kung saan ko 'yon kinuha.

"Last day ng lesson natin bago ka bumalik sa Magique." Nakangiting saad ko at tumango-tango siya. Kumuha siya ng dalawang wand at naglakad na kami palabas mula sa bahay nila.

•••• END OF PROLOGUE. ••••

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon