Date Published: March 23, 2022
~ NEXT DAY ~
ROSELINDA
Nasa gubat ako at nangongolekta ng mga halamang gamot kasama ni Sheign. Gumagawa ako ng mga gamot para makalimutan muna si Hashton.
Simula kasi no'ng umalis ako sa academy ay lagi ko na siyang iniisip pero sana naman ay hindi siya magalit at sana ay maintindihan niya.
Minsan ay madalas kong naiisip na masyado ko na siyang inaabuso dahil sa kabaitan niya na pinapakita sa 'kin. Nakakahiya dahil sa mga ginagawa ko sa kaniya ngayon.
"Ma, kulang pa po ba 'yan?" Nawala lahat ng mga iniisip ko nang nagsalita si Sheign sa tabi ko. Tinignan ko 'yung basket.
"Ayos na 'to. Uwi na tayo." Naglakad na kami pabalik sa bahay. Pagkarating namin doon ay naabutan namin si Hashton na nakatayo sa harap.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Assignment." Kinuha ko 'yung inabot niya at binigay kay Sheign 'yung basket.
Tumakbo na siya papasok ng bahay. Umupo ako sa upuan na nasa tapat ng bahay namin at tumabi naman siya sa 'kin.
"Sa klase ni Professor Mychuka, pinagalitan niya kaming lahat dahil sa isang failed spell na ginawa ni Len," pagkwento niya.
"Wala ka eh, wala nag-cover up kahit na may konting kalokohan ka din." Napangiti ako ng onti at hindi ko pinakita sa kaniya 'yon.
"Sabi sa inyo mag-practice kayo eh," sagot ko naman.
"Nami-miss ka ng buong klase. Wala silang walking encyclopedia ngayon eh." Napa-iling na lang ako.
"Sorry kung iniwan kita kahapon nang walang pasabi. Pasensya na kung inaabuso kita lagi. Lagi na lang ikaw ang umiintindi." Umiling siya.
"It's fine. I understand," sagot naman niya. Hinawakan niya 'yong kamay ko at hinalikan 'yon.
"Gusto mo bang matuto ulit kung paano gumawa ng gamot? O may lesson ba kayo na medyo hindi mo naintindihan?" Tumayo na ako nang tumango siya.
Pinapasok ko siya sa loob ng bahay at dinala sa isang kwarto. Doon 'yung laboratoryo ko.
"Magpaalam ka muna kay Head-wizard bago ka pumunta dito sa susunod." Tumango siya at tinuruan ko na siya.
•*•*•*•*•*
"Ynna, kailangan ko ng tulong mo." Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita at nakita ko si manong.
"Ohhh... Hindi ko alam na may boyfriend ka pala na galing sa academy," sabi niya nang nakita niya si Hashton.
"Ay, nako po! Manong, 'wag mo naman po akong asarin tungkol diyan. Estudyante ko po siya," pagpigil ko sa kaniya.
Pina-upo ko siya sa upuan.
"Ano po 'yung masakit sa 'yo?" Tinuro niya 'yung lalamunan niya.
"Medyo masakit siya at hindi rin ako makalakad ng maayos. Sumasakit ang tuhod ko." Hinawakan ko 'yung tuhod niya.
"Manong, 'wag po muna kayong magpapagod. Trabaho po kasi kayo ng trabaho eh. Hindi pa po kayo nagpapahinga," sita ko sabay bigay ng isang gamot sa kaniya.
"Inumin niyo po pagkatapos niyong kumain mamaya. Para po 'to sa lalamunan niyo. Para sa tuhod naman, i-exercise niyo lang po siya ng dahan-dahan," sabi ko.
"'Wag din po kayo masyadong magpapagod pero kung hindi po talaga siya nawala, ipahid niyo lang po 'to pagkatapos maligo." Binigay ko sa kaniya 'yung isang maliit na lalagyanan at may laman na mga dahon.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...