Date Published: July 7, 2021
ROSELINDA
Pagkapasok ko sa loob ng dorm ay agad akong sinalubong ni Miho na mukhang nag-aalala.
"Linda, p'wede ba kitang maka-usap saglit?" Tumango ako at naglakad kami papunta sa kwarto ko.
Pina-upo ko siya sa sofa at pumasok ako sa loob ng kusina saka naghanda ng mga makakain at tsaa.
Pagkatapos ihanda ang lahat ay inilapa ko na 'yong sa isang maliit na lamesa na nasa harap ng sofa at tumabi sa kaniya.
"Ano 'yong gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ko.
"Tungkol kanina..." Huminga siya ng malalim bago magpatuloy.
"Pumasok ako dito sa loob ng kwarto mo dahil hindi kita nakitang lumabas kanina kaya nag-alala ako."
"Pero pagpakapasok ko sa loob ay may nakita akong halimaw na kulay itim at may pulang mga mata." Bigla akong napa-isip sa sinabi niya.
Naalala ko 'yong nangyari kaninang umaga at agad akong napasapo ng mukha dahil doon.
"Sa totoo lang ay nananaginip ako kaninang umaga." Paninimula sa kaniya.
"Napaginipan ko ang tungkol sa isang halimaw. Simula pagkabata, simula no'ng namatay ang mga kapatid ko ay hinahabol na ko ng halimaw na 'yon." Paliwanag ko.
"The more I use Soul magic, the more na mas nalalapit ako sa Dark Magic. At kapag hindi ko na napigilan pa ay kalaban niyo na ako, Miho." Dugtong ko.
Huminga ako ng malalim at yumuko. Hindi ko masabi sa kaniya ang lahat dahil natatakot ako na baka katakutan niya ako.
"Alam ba nila Hashton?" Umiling ako.
"Konti lang ang alam nila tungkol doon. Ayokong sabihin sa kanila dahil alam kong matatakot lang sila." Sagot ko.
"And besides, wala na rin namang pag-asa na mailigtas ako mula doon." Dugtong ko pa.
"Pero Linda..." Tinignan ko siya ng ditekta sa mata kaya napatigil siya. Huminga siya ng malalim at tumayo na.
"Salamat sa pagkwento sa 'kin. Kita tayo bukas." Tumango ako at lumabas na siya mula sa kwarto ko.
"Master, sa tingin mo ba ay hahayaan namin na hindi ka mailigtas mula sa doon?" Tanong ni Acane at hindi na ko sumagot.
"Alam mo namang hindi naming hahayaan na mawala ka, master. Tandaan mo 'yan." Determinadong saad niya pa at umalis na.
•*•*•*•*•*
Nakain ako ngayon sa veranda ng kwarto ko nang narinig kong may kumatok sa pintuan kaya napalingon ako at nakita ko si Hashton.
"A-ano ba ginagawa mo dito? G-girls dorm 'to ah." Sabi ko at umupo sa kama. Nilapag ko 'yong hawak kong platos sa lamesa at tumayo.
"May practice tayo. May naihanda na 'kong practice plan para sa 'yo." Practice na naman? Ang bilis naman niyang mag-isip ng plano.
"Bilisan mo. Hihintayin kita sa labas ng dorm niyo." Naglakad na siya paalis. Kaya wala na 'kong nagawa kundi ang mag bihis at lumabas na ng dorm.
•*•*•*•*•*
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Viễn tưởng"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...