Chapter 10.

27 1 0
                                    

Date Published: June 2, 2021

Bago pa makalapit si Arcy ay may pumulupot na mga itim na rosas sa buong katawan ni Rose na para bang prino-protektahan ito.

"Itim na rosas? Rosenica?" saad ni Arcy hanggang sa napalibutan na ng todo si Rose ng mga itim na rosas.

Maya-maya lang ay may lumabas na isang ilusyon ng babae sa harap nilang lahat at agad itong nakilala ni Arcy.

"Rosenica..." Nilapitan ni Arcy ang babae at hahawakan na niya sana ito nang tumagos ang kaniyang kamay sa katawan ng babae.

"Hindi sapat ang kapangyarihan ko para mahawakan mo ko, Arcy." saad ng babae at napalingon sa mga itim na rosas.

"Anong mayro'n? Sino siya?" tanong ni Henry at halatang naguguluhan ang iba sa mga nangyayari ngayon.

"Nandito ako para sabihin na may umaaligid sa buong lugar ng academy, gubat at bayan." Paninimula ng babae.

"Kailangan niyong mag-ingat dahil marami sila dito ngayon at humahanap ng tamang oras para sumugod." Pagkasabi ng babae doon ay nawala na siya.

Nawala na ang mga itim na rosas na nakapalibot sa katawan ni Rose kaya naman sinalo siya ni Arcy bago pa ito bumagsak sa sahig.

"Ayos lang ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Hashton at tumango si Arcy.

"Magiging ayos lang siya. Dalhin niyo na lang siya sa clinic para makapagpahinga siya." Binuhat na ni Hashton si Rose at lumabas na mula sa opisina.

Pagkalabas ni Hashton ay bumuntong hininga si Arcy dahil sa mga nalaman niya kanina.

"Ayon sa mga nangyayari dito, may nangyari na po bang masyadong malalang pangyayari?" Tanong ng isa pang guardian mage.

"May mga umaatakeng taong lobo dito at may sumisira ng mga barrier." Sagot ni Ashveil.

"May mga nasasaktang estudyante na rin dito dahil sa mga taong lobo na 'yon." - Hudson.

"Sa lahat ng mga nangyayari ngayon ay si Rose ang umaayos dito." Paliwanag naman ni Henry.

Napatingin ang lahat nang may nagbukas ng pintuan at nakita nila si Blood na pumasok sa loob.

"Anong meron Blood? May nangyari ba?" Tanong ni Head-wizard at umiling naman si Blood.

"Sa totoo lang po ay sinabi po ni Asterré sa 'kin na may nakita siyang itim na kuneho sa gubat." Sabi ni Blood.

"Itim na kuneho? Familiar ng mga knight mage." Komento ni Arcy at napa-iling na lang.

"Nasa bandang kanlurang bahagi 'yon ng gubat at hindi nakita ni  Asterré kung nandoon ang master nito o wala dahil sa mga nakapalibot ng dark smoke."

"Anong meron sa itim na kuneho?" Tanong ni Lenrick sa lahat.

"'Yon ang familiar ng mga knight mage pero ayon sa pinaka-pinuno ng Crossevell ay wala silang pinapadalang knight mage dito." Paliwanag ni Arcy.

"Ibig sabihin n'on ay may mga traydor o kaya nagpapanggap lang." Konklusyon ni Professor Mychuka.

"Tulad ng sinabi ng nakausap ni Rose noon sa clinic." Sabi naman ni Henry at bumuntong hininga.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon