Date Published: April 28, 2021
ROSELINDA
'A-anong ibig sabihin nito?'
Umiilaw ang logo ng academy na nasa uniform ko at gano'n din 'yung logo na nasa uniform ng isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Mr. Hudson.
"No way! Kuya, ayokong magkaroon ng partner na tulad niya!" Nagulat ako nang biglang sumigaw 'yong lalaki at lumapit kay Mr. Hudson.
Pero tinawag niya bang 'kuya' si Mr. Hudson? Ibig sabihin n'on ay magkapatid sila, kaya naman magkamukha sila eh.
"Okay lang 'yan, Hash! At least, may kasama ka na lagi sa pag-practice mo." Natawang saad naman ng isang lalaki na may blond na buhok at may piercing sa tenga nito.
"Hindi ko kailangan ng makakasama para sa pag-practice! I'm fine on my own." Mas masungit pala siya kaysa kay Mr. Hudson.
"You know that I can't do anything about that, Hash. Wala akong magagawa dahil 'yan ang desisyon ng logo ng academy." Sagot ni Mr. Hudson. Wala talaga akong naintindihan sa pinag-uusapan namin ngayon.
"M-Mr. Hudson, ano po bang mayro'n? Ano 'yung partner at para saan po siya?" Takang tanong ko naman at lumapit siya sa 'kin.
"Ang partner ay ang makakasama mo hanggang sa pag-graduate. 'Pag bagsak ang isa, bagsak din ang isa kaya kailangan niyong magtulungan." Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"P-p'wede po bang tanggalin ang epekto ng partnership? Ayoko pong may mapahamak o bumagsak nang dahil sa 'kin." Sabi ko naman sa kaniya.
"Hindi siya pwedeng tanggalin, Miss Crossevell. Kaya pasensya na. Ang tanging magagawa niyo na lang ay magtulungan." Nawalan na ko ng pag-asa dahil sa nangyari ngayon.
"Ayokong may bumagsak nang dahil sa 'kin. Ayokong maging pabigat sa iba." Bulong ko at napabuntong hininga.
"Akala ko nakikipag-kaibigan na ang lahat kay Miss Crossevell pero nag-aaway lang pala kayo dito dahil sa partner system." Napalingon kaming lahat sa nagsalita at nakita namin si Head-wizard.
Agad akong lumapit sa pwesto niya at sinabing, "Pwede po bang tanggalin ang partnership sa kaniya? Ayoko po ng partner dahil ayokong maging pabigat kahit kanino." Sabi ko pero umiling siya.
"Pasensya na pero hindi siya pwedeng bawiin, Miss Crossevell. Maswerte pa nga kayo dahil sa nagkaroon kayo ng partner bago kayo grumaduate." Hinaplos niya ko sa ulo.
"Hintayin niyo na lang hanggang sa grumaduate kayo. Saka alam kong naging mag-partner kayo dahil may kailangan kayong matutunan mula sa isa't isa." Nakangiting saad niya pa at wala na akong nagawa kahit ano.
"Sige na. Umupo na kayong dalawa sa upuan at mag-uumpisa na tayong lahat sa klase natin." Umupo na ko sa isang bakanteng upuan at nakinig na kay Head-wizard.
•*•*•*•*•*
"Alam niyo bang pwede niyong gawing familiar ang isang hindi pangkaraniwang hayop at magical beasts/creatures tulad ng mga carbuncles, fox at iba pa?" Saad ni Head-wizard sa harap.
"Ang mga ganitong uri ng familiar ay masyadong mahirap kontrolin kahit na isa kang malakas na wizard. Hinihigop kasi nila ang karamihan ng lakas mo sa isang laban kaya delikado din sila."
"Kaya ang mga pangkaraniwang familliar na nakikita niyo dito sa academy ay mga agila, aso, winged cats at iba pa." At tumingin siya sa 'kin. Anong ibig sabihin ng tingin niyang 'yan?
"Miss Crossevell, gusto kong ipakita mo sa buong klase ang mga pangkaraniwang familliar ng mga mangkukulam." Tumayo na ako pumwesto sa gitna.
Huminga muna ako ng malalim at tinapat ko sa bandang dibdib ko at kaliwang braso ko at pinatong ko doon ang kanang siko ko.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...