Date Published: August 25, 2021
ROSELINDA
Nagising ako ng bandang ala-syete ng umaga at nakita kong nalipad na si Cutie sa ere at tumigil sa harap ko. Pinet ko siya sa ulo niya at nagustuhan naman niya 'yun.
"Good morning, Cutie," bati ko at bumangon na ko mula sa kama at naligo na.
•*•*•*•*•*
Naglakad na 'ko palabas ng dorm at kasama ko sila Cutie at Miho. Sabay kasi kami ngayong papasok sa academy dahil wala daw siyang kasabay.
Wala na naman si Acane ngayon at hindi rin siya umuwi kagabi. May nangyari kaya sa mga soro sa kagubatan kaya lagi siyang wala ngayon?
"Linda, ikaw ba 'yung kumanta kagabi?" Napatingin ako kay Miho at tumango. Narinig niya pala yung kanta kagabi. Gising pa pala siya ng mga oras na 'yun.
"Ang ganda ng boses mo kapag nakanta, Linda." Ngumiti ako sa kaniya dahil sa pagbati niya. Sa lahat ng mga nakarinig sa 'kin ay siya lang 'yong nagsabi sa 'kin niyan.
"Isa ako sa royal family na Crossevell. Isa akong witch kaya dapat may maganda akong magandang boses," sabi ko pa. Nakita kong natawa siya sa sinabi ko at napatigil ako mula sa pagla-lakad nang nakita ko si Hashton sa harap namin.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad at hinawakan niya ko sa braso ko at hinila. Sinubukan kong tumakas pero hindi ko magawa dahil sa sobrang higpit ng pagkaka-hawak niya sa 'kin.
Ano bang mayro'n ngayon at ganito siya? May ginawa ba kong mali na naman o kaya may bagsak akong quiz?
"H-Hoy! Hashton! Bitiwan mo si Linda!" Hinabol kami ni Miho at humarang sa harap ni Hashton kaya napatigil kaming dalawa sa paglalakad.
"You bad!" sigaw naman ni Cutie at sinubukan niyang tanggalin yung kamay ni Hashton na nakahawak sa braso ko.
"Hashton, ano bang problema? Saan mo ba ako dadalhin?" Binitiwan na niya 'yung braso ko at napahawak naman ako doon dahil pakiramdam ko nawalan na ng dugo 'yung braso ko.
Pasalamat lang talaga siya at hindi ko siya kayang saktan dahil sa nararamdaman ko para sa kaniya kundi, may kinalagyan 'to sa 'kin.
"Kailangan ng head-wizard ang tulong mo. Nandito ako para dalhin ka sa kaniya. Dahil partner mo 'ko, ako ang magda-dala sa 'yo sa kaniya." Anong mayro'n? Ano 'yung tulong na kailangan ng head-wizard sa 'kin?
Ano naman ang magagawa kong tulong para sa isang katulad niya? Magsa-salita na sana ako nang naglakad na palayo si Hashton kaya wala na kong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.
Kahit kailan talaga ay ang sungit niya. Nagsu-sungit na naman siya sa 'kin ngayon. Kapag ako nainis dito, babawiin ko 'tong nararamdaman ko para sa kaniya.
Sumunod din sa 'min sila Cutie at Miho. Niyakap ako ni Miho sa braso ko habang nasunod pa rin kay Hashton. Pumatong naman si Cutie sa ulo ko at hinayaan ko na lang siya.
•*•*•*•*•*
Nandito kami ngayon sa harap ng office. Kumatok ng dalawang beses si Hashton at pumasok na kami sa loob. Nakita ko agad sila Lenrick at ang iba pa.
"Sumama pala 'yung kaibigan ni Rose. Walang tiwala sa 'yo, Hash!" As usual, trip na naman ni Henry si Hashton at as usual din, nakatanggap ng masamang tingin si Henry sa kaniya.
"Head-wizard, pasensya na po kung hindi ko agad sinabi sa 'yo ang tungkol doon." Yumuko ako ng onti sa harap ng Head-wizard.
"Okay lang. Naiintindihan ko kung bakit hindi mo agad sinabi sa 'min." Napatingin ako sa kaniya at napangiti ng malungkot.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasi"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...