Darren as GunterGunter's POV
Ang sarap ng aking pagtulog at sa panaginip ko ay yakap-yakap ko ang isang bear at sobrang cute niya. Nagtataka lang ako kung bakit wala akong suot na damit habang nakaakap ako sa kaniya. Mukhang mas masarao sa pakiramdam ang ganito at ramdam na ramdam ko ang kaniyang balahibo na dumadampi sa aking balat. Enjoy na enjoy ako habang nakasubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib dahil mas ramdam ko ang init mula roon. Unti-unting gumagaan ang aking pakiramdam habang siya ay aking yakap-yakap. Nagulat na lang ako nang bigla niyang laruin ang aking nipple, sinasaway ko siya dahil nakikiliti ako pero hindi ko matanggihan ang pagngiti niya sa akin na sobrang cute kaya hinayaan ko na lang siya sa kaniyang gusto.
Bigla na lang akong nagising dahil sa sobrang panlalagkit ng aking katawan. Pagmulat ng aking mata ay buong akala ko ay kasama ko parin ang bear na kayakap ko kanina pero hindi na bear ang nakayakap asa akin ngayon kundi isang unggoy. Yung pawis naming dalawa ay naghahalo na sa pagkakadikit ng aming mga katawan kaya naman tinutulak ko siya palayo sa akin. Kahit na medyo bumuti na ang aking pakiramdam ay hindi ko siya maitulak nang malakas palayo sa akin. Hindi nagtagal at nagising siya. Tinanong ko siya kung bakit ganito ang ayos naming dalawa pero puro kalokohan na naman ang pinagsasabi niya. Pareho sila ng pinsan niyang si Eisen, mga siraulo. Kanina pa ako nauuhaw kaya iniwan ko siya sa loob ng kwarto at hinayang magsalita ng kung ano-ano.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog dahil ramdam ko ang sobrang pagkagutom na para bang kaya kong kumain ng limang plato ng kanin na may pitong putahe. Sinilip ko ang niluto ni Ate Pritz pero hindi ko nagustuhan dahil mas gusto kong kumain ng maalat at maanghang ngayon. Pagsilip ko sa loob ng ref ay saktong may nakita akong shin ramyun na noodles. Kukunin ko na sana ito nang magulat ako nang biglang sumulpot ang unggoy pero hindi ko pinahalata ang pagkagulat ko. Bat ba kasi bigla bigla na lang tong sumusulpot kung saan? Pinipilit niya akong magsuot ng tsinelas na para bang ang bata ko. Sobrang kulit niya at ang daldal pa kaya sinuot ko na lang. Wala akong lakas na makipagtalo sa kaniya kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Ang akala ko ay hahayaan na niya akong mapag-isa dito sa loob sa ng kusina pero bigla na lang niya akong niyakap kasabay ang pagbalot ng kumot sa aking katawan.
"Anong ginagawa mo?" naiinis kong tanong. Wala talaga ako sa mood ngayon makipag-asaran sa kaniya kaya ambilis kong mainis sa mga trip niya. Bigla na lang niyang tinaas ang aking bangs at nilapit ang kaniyang noo sa aking noo. Hindi ko alam kung bakit pa niya kailangang gawin ang ganitong paraan pero sa tingin ko ay inaalam lang niya kung mainit pa ba ko o hindi. Nagulat na lang ako nang mapansin kong nakatingin na siya sa aking mga labi. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Alam ko sa sarili ko na gusto niyang halikan ang aking mga labi at dapat ko siyang pigilan pero para bang may parte ng aking pagkatao na mas nanaig na hayaan si Lance sa gusto niyang gawin.
"Ang baho ng hininga mo!" bigla niyang sabi nang halos maglapit na ang aming labi. Sa inis ko ay kaagad ko syang binatukan. Siraulo siya tong lumapit sa akin tapos siya pa ang magrereklamo.
BINABASA MO ANG
The Curse of Fuentes Kiss (BL)
Romance"Siraulo lang ang maniniwala sa sumpa na yun. Malabong magkagusto ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na babae pa rin ang gusto ko. Pero bakit siya na lang lagi ang nasa isipan ko?" -Gunter Kaya bang baguhin ng isang halik ang lahat? Status: Co...