Dylan as Gunter
Lance's POV
Nakakatawang isipin na para bang nagagawa ko ang mga bagay-bagay sa unang pagkakataon kapag kasama ko si Gon. Ang pakikipagdate sa kaniya ng palihim na akala mo strikto ang kaniyang mga magulang. Ang makaramdam ng kilig sa tuwing tatawagin niya akong babe. Ang hawakan ang kaniyang kamay nang patago. Mga simpleng tinginan na kaming dalawa lang ang lubos na nakakainitindi. Ang simpleng pagdampi ng aming mga labi na nauuwi sa matinding halikan. Syempre hindi mawawala ang mga nakaw na sandali na kung saan nagagawa naming magtalik. Napapamura pa rin ako na para bang first time ko palaging makipag-sex sa kaniya dahil ang bilis kong makaramdam na lalabasan na ako. Hirap na hirap akong pigilan ang sarili ko kapag siya ang kasama ko.
Ngayon ay sobrang saya ko na kasama ko siya sa buong maghapon sa bahay. Halos pagkain, paglaro at pagtatalik lang inatupag namin na para bang walang mga kapaguran. Masaya akong malaman na hindi na siya nasasaktan sa tuwing papasukin ko siya at madalas siya pa tong nag-aaya na masundan ng ilang round na hindi ko naman inuurungan dahil alam kong matatagalan pa bago masundan ang masasayang sandali na to para sa aming dalawa. Mamayang gabi lang ay kakailanganin na niyang umuwi sa kanila kaya naman sinulit ko talaga ang bawat sandaling magkasama kami.
Hindi ko pinigilan ang aking sarili na iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Kahit na minsan ay naiinis na siya sa pagiging clingy ko ay pinagpapatuloy ko pa rin ang paglalambing sa kaniya. Bago pa man siya makaalis ay humiling pa ako ng isang halik. Kung tutuusin ay kakatapos lang namin magmake-out matapos niyang makapag-ayos ng kaniyang mga gamit at ngayon ay humihirit pa rin ako. Syempre hinding hindi ako magsasawa sa kaniya kahit na siguro sa aming pagtanda ay magiging ganito pa rin ako sa kaniya. Sa pagitan ng aming paghahalikan ay ang biglang pagbukas ng aking pintuan na inakala kong nakalock.
"Oh Geez... I'm sorry!" mabilis na sambit ni Kuya Eisen. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat dahil sa kaniyang nasaksihan. Mabilis niyang sinara ang pinto bago pa man kami makapagsalita. Natawa na lang ako dahil sa inasal niya. Nagulat na lang ako ng bigla akong itulak ni Gunter palayo sa kaniya.
"Ohh bakit?" tanong ko nang makita kong nakakunot ang kaniyang noo.
"Anong bakit? Nalaman na niya ang tungkol sa atin at may pruweba na siya dahil kitang kita niya mismo ang ginawa natin. Papano na lang kung magsumbong siya sa daddy mo?" hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang natakot dahil sa pagkakaalam ko ay alam niyang may alam si Kuya sa relasyon naming dalawa. Lumapit ako sa kaniya at kaagad siyang niyakap.
"Kung yun ang inaalala mo ay huwag ka nang mag-alala. Akong bahala sa kaniya dahil sinisigurado kong hindi na siya magigising mula sa kaniyang pagtulog mamayang gabi" bulong ko sa kaniya at sa sandaling marinig niya ang mga salitang iyon ay kaagad niya akong hinawakan sa magkabilang braso upang makita sa aking mukha kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Pa-patayin mo ang pinsan mo?" nauutal niyang sabi. Pinilit kong maging seryoso habang tumatango pero hindi ko mapigilang matawa dahil sa hitsura niya. Isang malakas na suntok ang natamo ko sa kanang braso ko nang mapagtanto niyang niloloko ko siya.
"Puro ka kagaguhan!" naiinis niyang sabi at kinuha ang mga gamit niya para umalis. Pero mabilis ko siyang napigilan sa pamamagitan nang pagyakap sa kaniya nang mahigpit. Ilang beses siyang nagpumiglas pero hindi ko siya pinakawalan hanggang sa siya na mismo ang bumigay dahil sa pagod. Sa sandaling maramdaman kong huminahon na siya ay dahan-dahan ko siyang hinarap sa akin. Kaagad kong napansin ang mga namumuong pawis sa kaniyang noo dahil sa pagpupumiglas niya. Ginamit ko ang dulo ng aking tshirt para punasan ang pawis niya sa mukha. Nagawa ko ito dahil sa malalaki ang aking mga damit lalong lalo na aking mga pambahay. Mas komportable kasi akong nakasuot ng boxer shorts o kaya under wear lang ang pang-ibaba kapag nasa bahay lang ako. Kaso mukhang kailangan ko na ring masanay na walang salawal kapag kasama ko si Gon dahil sa kaniya ay lagi akong napapalaban.
"Wag kang mag-alala dahil hinding hindi magsusumbong yun dahil kakampi ko yun" sabi ko sa kaniya matapos kong punasan ang kaniyang pawis. Kulang na nga lang ay ipasok ko siya sa loob ng aking damit dahil sa laki nito. Gustong gusto ko ngang gawin yun kaso hindi ko ginawa dahil baka hindi na makauwi si Gon kapag ginawa ko yun. Iniisip ko pa lang na papasok siya sa loob ng tshirt ko ay nalilibugan na kaagad ako.
"Paano ka naman nakakasiguro?" tanong niya na pumukaw sa aking isipan na panandaliang nilipad dahil sa mga kakaibang bagay na pumapasok sa aking isipan. Hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi at saka ngumiti bago tumugon sa kaniyang tanong.
"Dahil may alam na siya sa relasyon natin dahil inamin ko na ito sa kaniya. Kung may balak man siyang magsumbong ay dati niya pa dapat ito ginawa pero nanatili siyang tahimik dahil alam niya kung gaano kahirap ang sitwasyon ng ating relasyon dahil siya mismo ay naranasan na ang relasyong meron tayo" nang masabi ko ang mga salitang iyon ay naging mahinahon na rin siya.
"Atsaka tutulungan natin siyang magkaboyfriend para hindi siya mainggit sa ating dalawa" dugtong ko at sabay kindat sa kaniya na kaagad naman niyang ikinatawa.
Matapos naming maglambingan ay dumating narin ang sandali na kailangan na naming magpaalam sa isa't isa. Ilang beses ko siyang kinumbinse na ako na lang ang maghahatid sa kaniya pauwi sa kanila pero wala siyang tiwala sa akin na iuuwi ko siya sa kanila. Kilalang kilala na niya talaga ako dahil ganun nga ang balak ko kapag hinayaan niya akong maghatid sa kaniya. Kung nagkataon na ganun nga ang nangyari ay iikot ko lang siya ng byahe pero babalik din kami agad sa bahay o kaya idederecho ko na siya sa hotel. Pero dahil sa hindi ko siya mapilit kaya pinahatid ko na lang siya sa aming driver dahil mas tiwala akong makakauwi siya ng ligtas kaysa sumakay siya ng taxi.
Nang makaalis ang sasakyan ay kaagad akong nagtungo sa kusina para makahanap ng makakain. Kanina pa talaga ako nagugutom dahil sa tindi ng pinaggagawa namin ni Gunter sa maghapon. Inaaya ko pa nga siyang kumain bago umalis kaso sasabayan daw niya ang kaniyang ate sa pagkain ng hapunan. Kaya ngayon ay mag-isa akong kumain habang nakikipagpalitan ng mga text messages sa kaniya. Maging sa text messages ay hindi nawawala ang pagiging clingy ko dahil madalas kong naitatanong sa kaniya kung nasaan na sila banda upang masiguro na maiuuwi siya nang ligtas.
Nang ako ay mabusog ay kaagad akong nagtungo sa aking kwarto para makapagpahinga. Bago pa man ako makabalik sa aking kwarto ay madadaanan ko muna ang kwarto ni Kuya Eisen. Minabuti kong puntahan ang kaniyang kwarto para kausapin siya tungkol sa nasaksihan niya kanina. Ngunit sa aking pagkatok sa kaniyang pinto ay wala akong sagot na naririnig kahit na ilang beses na akong kumakatok. Hindi na ako nangulit pa at nagdesisyon na bumalik na lamng sa aking kwarto upang makapagpahinga. Marahil ay natutulog na siya ngayon kaya minabuti ko na lang na huwag siyang abalahin. Mabilis kong natanggap ang message ni Gunter nang makauwi na siya sa kanilang bahay. Nagpaalam siya na hindi niya muna ako makakausap dahil may kailangan siyang gawin sa bahay nila. "I love you" ang naging tugon ko sa kaniyang message at kaagad nahiga sa ibabaw ng aking kama.
Sa loob ng halos dalawang araw ay napupuno ng ingay naming dalawa ang aking kwarto. Nakagawa kami ng masasayang alaala dito sa aking ibabaw ng aking kama, sa banyo at maging sa gaming room ko. Tila nagliwanag ang walang kabuhay-buhay kong kwarto sa panandaliang pamamalagi ni Gunter dito. Mula sa hindi mabilang na asaran, tawanan at sakitan hanggang sa matitinding pagpapaligaya sa isa't isa. Ngayon ay nanumbalik na naman ang dating kulay ng aking kwarto nang umuwi si Gunter. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga bago tumagilid sa pagkakahiga. Dalawang beses kong pinindot ang power button ng aking cellphone para mapunta ito sa lock screen. Kakapalit ko lang ng wallpaper ko kanina na mukha ni Gunter ang nakalagay. Nagawa ko kasing kunan ng picture ang pagtulog niya sa ibabaw ng dibdib ko matapos niyang mapagod sa ilang rounds na pinagsaluhan namin. Nakafocus lang sa mukha niya ang pagkuha ko ng picture pero makikita pa rin ang aking dibdib kung saan siya nakahiga habang mahimbing ang kaniyang pagtulog. Kapansin-pansin din sa larawan ang medyo magulong ayos ng kaniyang buhok pero nanatili pa rin ang mukha niya na parang anghel habang natutulog sa ibabaw ng aking dibdib. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko ang larawan niya. Nanatili akong nakatitig dito hanggang sa makaramdam ako ng antok.
Kinabukasan ay nagising ako sa paulit-ulit na pagtunog ng aking alarm. Bago kasi bitawan kahapon ni Gunter ang aking cellphone ay nilagyan niya muna ito nang maraming alarm para masiguro niyang magising ako ng maaga ngunit sa bawat pagtunog nito ay kaagad kong pinipindot ang switch para matigil ito. Kahit na hindi ko tingnan ang orasan ay alam kong maaga pa kasi madami siyang nilagay na alarm kaya bumalik ako sa pagtulog dahil kampante akong hindi pa ako mahuhuli sa klase. Ilang sandali pa ang lumipas nang marinig kong muli ang pagtunog ng aking cellphone. Sa pagkakataong ito ay hindi na ito tunog ng aking alarm kundi tumutunog ito dahil may tumatawag mula sa aking cellphone. Kahit na naniningkit pa ang aking mga mata dahil kakadilat pa lang nito mula sa mahabang pagtulog ay nagawa ko pa ring maaninag sa screen kung sino ang tumatawag. Hindi ko mapigilang mapangiti bago ko sagutin ang pagtawag nito.
"Good morning babe" mabilis kong sambit nang masagot ko ang tawag niya. Medyo paos pa ang aking boses dahil sa panunuyo ng aking lalamunan na nagpahalata lalo na kakagising ko lang.
"Asan ka na? Huwag mong sabihing kakagising mo lang?" galit niyang tanong pero tinawanan ko lamang siya.
"Ito na nga ohh babangon na. Ikaw ba nasan ka na? Gusto mo daanan kita sa inyo para sabay tayong pumasok?" tanong ko habang sinusuyo siya sa malambing kong boses.
"Wala ka nang aabutan sa bahay dahil naglalakad na ako papasok sa school. 7:40 na Lance at babangon ka pa lang?" nang mabanggit niya yun ay kaagad akong tumingin sa oras at halos mapatalon ako mula sa kinahihigaan ko dahil hindi nga siya nagbibiro. Nanakbo kaagad ako sa banyo pero hindi ko na nagawang maligo dahil tanging paghilamos ng mukha at pagsipilyo na lang ang aking nagawa. Paglabas ko ng banyo ay saka ko lang napagtanto na hindi pala ako nakapagpaalam kay Gunter bago ako magtungo sa banyo. Kagaya ng inaasahan ko ay naibaba na niya ang tawag nang muli kong kunin ang aking cellphone. Dali-dali akong nag-spray ng pabango sa aking katawan bago ako nagsuot ng aking uniform. Sa pagsuot ko ng aking uniform ay muli akong nag-spray ng pabango upang makasiguro na mabango pa rin ako kahit na hindi ako naligo. Isa pang spray ang ginawa ko sa aking buhok at kaunting ayos sa sarili bago ako lumabas ng aking kwarto. Tiwala pa rin naman ako na mamahalin ako ni Gunter kahit ilang araw akong hindi maligo.
Halos paliparin ko ang aking sasakyan para lang makaabot sa klase. Alas-otso na pero tinatahak ko pa rin ang daan patungo sa klase. Inabot ako ng sampung minuto bago ko marating ang school. Muntik na ngang magasgasan ang sasakyan ko dahil sa madalian kong pagpark. Tumakbo na rin ako para lang may maabutan ako kahit papano. Hindi ako natatakot sa adviser namin dahil kung siya lang ay malamang naglalakad lang ako ngayon. Mas natatakot akong mapagsabihan ni Gunter na para bang asawa ko siya kung pagsabihan ako. Pero kahit papano ay natutuwa ako dahil nakikita ko na ang magiging future namin kapag pinili naming magsama.
Sakto ang pagdating ko dahil kakatawag lang ng aking pangalan kaya sa bungad pa lang ng pinto ay nakasigaw kaagad ako ng 'present'. Bigla namang nagtawanan ang aming mga kaklase at yung iba ay pumapalakpak pa dahil sa biglaan kong pagpasok. Dalawang tao lang ang hindi nasiyahan sa biglang pagsulpot ko yun ay ang adviser namin na walang magawa sa biglaang pagsulpot ko sa klase niya at si Gunter na naiinis naman sa pagiging late ko. Hindi rin nakatakas sa aking mga kaklase ang malakas na amoy ng aking pabango nang dumaan ako sa gitna.
"Mukhang may pinapabanguhan ahh" sambit ng loko-loko kong kaklase na tinanguan ko lang habang nakangiti. Kaagad naman akong naupo sa tabi ni Gunter na kasalukuyang nakatakip ng ilong.
Patuloy na nagtatawag ng mga pangalan ang aming guro at si Gon ay hindi magawang lumingon sa akin at nanatiling nakatakip sa kaniyang ilong.
"Hindi mo ba ako kakausapin?" bulong ko sa kaniyang tenga.
"Hindi ka naligo no?" tanong niya sa akin habang iniiwas niya pa rin ang kaniyang pagtingin.
"Love mo pa rin naman ako di ba?" nakangisi kong tugon.
"Ang sakit sa ilong ng pabango mo!" tugon niya at nagawa niya pang buhatin ang kaniyang upuan palayo sa akin. Nagtinginan tuloy ang mga kaklase namin sa aming dalawa pati na rin ang aming guro. Syempre hindi ko siya hinayaang layuan ako kaya naman binuhat ko rin ang aking upuan papalapit sa kaniya. Sa sandaling malapit ako sa kaniya ay siya namang pagbuhat niyang muli sa kaniyang upuan palayo sa akin. Naging paulit-ulit ang ganong pangyayari sa amin na nagagawa naming kantiyawan ng aming mga kaklase dahil narating na namin ang gitna ng silid.
"Mr. Fuentes and Mr. Dela Paz. Malayo pa ang Christmas party natin para dyan sa larong trip to Jerusalem nyo" pagsuway sa amin ng aming guro na ikinatawa ng buong klase.
Walang nagawa si Gunter kundi ang bumalik sa kaniyang puwesto at ganun din ang ginawa ko. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil alam ko na nanalo ako mula sa pagmamatigas niya. Nagsimula ang klase na hindi ako nililingon ni Gunter at nanatiling nakatakip siya sa kaniyang mukha. Ilang beses ko siyang kinukulit ngunit hindi niya binibigyang pansin. Sa kalagitnaan ng klase ay biglang nagpaalam si Gunter na pupunta siya ng clinic dahil nahihilo raw siya. Nagsabi ako sa guro namin na sasamahan ko siya pero tumangging magpasama si Gunter. Kahit na hindi niya ako pinahintulutan ay sinundan ko pa rin siya palabas ng klase na ang paalam ko ay iihi lang. Bago pa man siya makalayo sa aming classroom ay bigla na lang itong nagsuka sa isang basurahan. Nang makita ko siya sa ganong ayos kaagad akong nanakbo para alalayan siya.
"Sasamahan na kita sa clinic" sabi ko nang tumigil siya sa pagsusuka ngunit hinawi niya ang kamay ko.
"Nahihilo ako sa pabango baka masukahan lang kita" tugon niya habang hinang hina na kumilos. Hindi ko alam na ganun pala katapang ang pabango na ginamit ko. Regalo sa akin to Euphy na galing pang Europe at ngayon ko pa lang siya nagamit. Hindi siguro siya sanay sa ganitong uri ng pabango kaya nahilo siya sa amoy nito. Gusto kong maghubad sa sandaling iyon upang mawala ang matinding amoy na nagmumula sa aking uniform ngunit naalala ko na pati pala ang katawan ko ay nalagyan ko ng pabango. Dali-dali ko siyang binuhat sa aking likuran upang mapadali ang pagtungo namin sa clinic.
"Tiisin mo muna yung amoy ko dahil dadalhin kita sa clinic ngayon" matindi ang nararamdaman niyang panghihina matapos siyang sumuka ng marami kaya hindi na niya nagawang manlaban sa pagbuhat ko sa kaniya.
Dali-dali ko siyang dinala sa clinic na hindi naman kalayuan sa building namin. Kaagad siyang inasikaso ng attending physician. Habang inaasikaso siya ng physician at nurse ay pinayuhan na nila akong bumalik sa aking klase dahil kinakailangang makapaghinga ni Gunter. Sinunod ko naman ang kanilang naging payo at nagtungo ako pabalik sa klase. Hindi rin makakabuti kay Gunter ang pagtigil ko sa clinic dahil sasama lang ang pakiramdam niya kapag naamoy niya ako.
Sa aking pagbalik ay patuloy pa rin ang klase. Ipinaalam ko sa mga sumunod na guro namin na kasalukuyang nasa clinic si Gunter dahil sa masama ang kaniyang pakiramdam. Madaming nakiusisa kung bakit bigla na lang sumama ang pakiramdam ni Gon dahil ayun sa kanila ay maayos naman ang kalagayan ni Gon nang pumasok siya. Hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili dahil sa pagiging batugan ko. Ilang kaklase ko ang tinanong ko kung sobrang lakas ba ng amoy ng pabango ko. Ayun naman sa kanila ay matapang ang amoy ng pabangong gamit ko pero hindi kagaya ng kay Gunter ang nagiging epekto nito sa kanila.
Pagsapit ng break ay naisipan kong magtungo sa shower room na ginagamit namin pagkatapos ng magpractice ng basketball team. Mabuti na lang at may natabi akong uniform sa locker ko na pwede kong ipamalit. Kaya nang matapos akong magligo ay kaagad akong nagpalit ng uniform. Binalewala ko ang mga gusot sa aking uniform at naglakad patungo sa clinic kahit na basa pa ang aking buhok. Gustong gusto kong malaman ang kalagayan ni Gunter kaya naman nagmadali akong pumunta sa clinic.
Pagdating ko sa loob ay naabutan ko siyang nakaupo na sa isang upuan at kinakausap ng nurse. Mukhang bumuti na ang kaniyang pakiramdam matapos niyang makapagpahinga. Hinayaan ko munang matapos silang mag-usap bago ako lumapit sa kaniya. Sa sandaling iwanan siya ng nurse ay kaagad akong lumapit sa kinaroroonan niya at nang mapansin niya ako ay bigla na lang siyang nagtakip ng ilong habang nakakunot ang noo.
"Naligo na ako at nagpalit ng uniform" sabi ko habang ginugulo ang buhok na kasalukuyang mamasa-masa pa. Saka niya lang tinanggal ang pagtakip sa kaniyang ilong nang mapansin niyang basa pa ang aking buhok.
Tumingin siya sa orasan at bigla na lang niya akong hinila papalabas ng clinic. Nagugutom na daw siya at gusto niyang kumain nang marami. Mabuti na lang at lagi akong handa dahil nakahingi ako ng pabor sa isa kong tropa na ibili kami ng pagkain. Hindi na namin kakailanganing magmadaling pumila sa cafeteria dahil nasa tambayan na namin ang mga pagkain na aming kakainin. Dumiretso kami dun para makakain na kaagad.
"Hindi ko alam na mabilis ka pa lang mahilo sa matapang na pabango" bigla ko sabi habang kami ay kumakain. Tumango siya sa akin at tinapos muna ang kaniyang ninunguya bago siya sumagot.
"Sa susunod gumising kana nang maaga para makaligo ka. Hindi yung naghahalo yung amoy ng pawis mo at pabango" nagulat ako sa kaniyang sinabi dahil sa unang pagkakataon ay may nagreklamo sa amoy ko.
"Grabe ka naman. Ikaw nga eh" tugon ko at sinadyang bitinin ang dapat kong sabihin na siyang paglingon niya sa akin.
"Anong ako? Laging akong naliligo" sagot niya habang nakakunot ang noo.
"Nagrereklamo ka sa tapang ng amoy ko pero nagagawa mong dilaan yung leeg ko kahit pawis na pawis ako" pang-asar ko sa kaniya at bigla na lang siyang napaubo dahil kasalukuyan siyang umiinom nang sabihin ko ang mga salitang iyon. Marahan kong hinimas ang kaniyang likod hanggang sa tumigil ang kaniyang pag-ubo pero kalaunan ay hinawi niya rin ang aking kamay.
"Pasalamat ka at nanghihina pa ako ngayon. Humanda ka at babawi ako sayo" inis niyang sagot na tinawanan ko lang.
"Cute mo talaga magalit" dugtong ko pa pero hindi na niya ako pinansin. Malamang kinikilig yan at ayaw lang ipahalata kaya sa tuwing mapapatingin siya sa akin ay kinikindatan ko na lang siya.
Sa mga sumunod na araw ay naging mabuti na ang pakiramdam ni Gunter. Kagaya nga ng kaniyang banta ay gumanti siya sa akin. Sampung beses niyang pinagpipitik yung kanang tenga ko hanggang sa mamula ito. Hindi nakaligtas sa mga mata ng aming mga kaklase ang pamumula nito kaya naman ng tanungin nila ako kung anong nangyari sa tenga ko ay sinabi kong kinagat ni Gunter. Muli akong nakabawi dahil tinukso siya ng mga kaklase namin dahil sa kaniyang ginawa pero alam kong babawian niya akong muli kaya ihahanda ko na ang kaliwang tenga ko.
Naging normal ang linggong ito para sa aming dalawa. Ang bago lang sa pang-araw araw naming ginagawa ay ang magmasid sa aking pinsan na si Kuya Eisen. Nagmumukha kaming stalker dahil sa kakasubabay sa kaniya sa tuwing matatapos ang aming klase. Gusto kasi namin siyang tulungang magkaroon ng love life kaya sisimulan namin sa pag-aral sa kaniyang ginagawa sa araw-araw. Sa loob ng tatlong araw ng lihim na pagmamasid namin sa kaniya ay lagi naming nakikita ang isang lalaking palaging kumakausap sa kaniya. May pagkakataong naiilang ang pinsan ko sa kanilang usapan kaya minsan gusto ko nang sugurin yung lalaki pero lagi akong pinipigilan ni Gunter sa kadahilanang mabubuko kami sa aming ginagawa.
Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ko ang lalaking madalas na nangungulit kay Kuya. Nagulat nga ako nang batiin niya ako sa kauna-unahang pag-uusap namin. Nagpakilala siya sa akin bilang kaklase ni Kuya at ang pangalan niya ay Lester. Tinanong ko siya kung bakit niya kinukulit ang pinsan ko. Umamin siya sa akin na nanliligaw daw siya kay kuya pero mukhang malabong magkagusto daw ito sa kaniya. Nagawa ko siyang titigan mula ulo hanggang paa at masasabi kong gwapo ito at maayos ang pangangatawan. Pero syempre mas gwapo pa rin ako sa kaniya kaya siguro hindi masyadong attracted ang pinsan ko sa kaniya. Ganun pa man ay naisipan naming tulungan siyang manligaw kay kuya para makalimutan na niya yung dating lalaking nanakit sa kaniya.
Sa sumunod na linggo ay naging abala ako sa practice ng team para sa nalalapit na competition. Tuwing lunch break na lang kami nakakapag-usap ni Gunter tungkol sa panliligaw ni Lester kay kuya. Patuloy pa rin kami sa pagsuporta sa kaniya sa pamamagitan ng pagsabi sa kaniya ng mga hilig ng kuya ko at mga paborito nitong kainin na madalas niyang iregalo. Ayun kay Gunter ay nagsisimula na raw maging close ang isa't isa kaysa sa una namin silang makitang dalawa. Natutuwa ako na hindi nasayang ang effort naming dalawa na magkaroon ng love life si kuya dahil pakiramdam namin ay malapit na itong magbunga.
Habang abala kami sa pagtulong kay Lester na mapasagot si kuya ay ang aming relasyon naman ang napapabayaan namin. Pumapayag naman si Ate Pritz na matulog sa amin si Gunter kapag weekend kaso gabi na kami nagsasama dahil kahit weekend ay may practice kami. Nangako ako sa kaniya na babawi ako at muli kaming magsasama na kaming dalawa lang. Balak kong i-date si Gunter sa araw mismo ng kaarawan ko. Yung ang birthday wish ko, yun ang magsama kami na kaming dalawa lang sa isang araw. Dalawang linggo na lang bago ang birthday ko pero gagawa ako ng paraan para maasikaso ko ang surprise date naming dalawa.
Ang kinakailangan ko ngayon ay magfocus na maipanalo ang competition dahil sa akin umaasa ang team at ang pride ng school. Ang school namin ang magiging host ng regional competition kaya aasahang maraming estudyante na magmumula sa iba't ibang school ang darating sa susunod na linggo para maghanda. Noong nakaraang buwan pa nagsimula ang matinding practice ng team tapos ako ay nagsimula lang noong nakaraang linggo dahil masyado akong naging abala sa relasyon namin ni Gon. Kaya naman ngayon ay naging mahigpit na sa akin ang coach namin pagdating sa schedule ng practice.
Dumating ang araw para sa opening ceremony ng regional competition. Mabuti naging handa ang school sa pagdalo ng iba't ibang team mula sa iba't ibang school. Inaasahan kong madaming estudayante na dadalo pero hind ko inaasahan na ganito kadami. Kailangan kong pagtibayin ang loob ko at galingan sa paglalaro dahil alam kong nakasalalay ang pride ng school namin at ayokong ipahiya sa ibang school. Mabuti na lang at nariyan si Gunter na laging nagpapalakas ng loob ko. Isang sulyap lang sa bleachers ay tila nanunumbalik ang lakas ko sa tuwing nakikita ko siyang nagchecheer para sa akin.
Nagawa naming manalo laban sa unang school na natapat sa amin pero masyado pang maaga para magdiwang dahil marami pang school na nakaline-up na dapat naming talunin. Isa sa mga school na malakas naming makakatunggali ay ang school na pinagmulan ni Gunter. Kahit na wala na ang star-player nila na si Andrew dahil nasa Hongkong na ito nag-aaral ngayon ay hindi ko pa rin dapat maliitin ang kakayahan ng mga natitirang players. Isa pa sa usap-usapan ng mga ka-team ko ay ang bagong star-player ng team sa dating school ni Gon. Siya ang una kong napansin sa kanilang team dahil sa tangkad at laki ng pangangatawan nito. Ilang taon lang ang bibilangin ay pwedeng pwede na tong maglaro sa PBA o kaya sa NBA. Balita ko ay may lahi ito kaya napakalaking bulas na nagbibigay ng pangamba sa bawat team.
Naging interesado ako sa kung papano sila maglaro kaya naman naisipan namin na panoorin ang laban nila. Walang duda na magaling nga ang lalaking ito dahil walang kahirap-hirap niyang nabuhat ang team sa laban. Mabilis niyang naaagaw na bola mula sa kalaban dahil liksi ng kaniyang katawan at haba ng kaniyang kamay. Habang pinapanood namin ang kanilang laban ay lalo akong nangamba na mahihirapan kaming labanan ang isang kagaya niya. Nagawa nilang tambakan ang kaharap nilang school dahil nagtapos ang laban sa 44-71, kung saan pabor sa kanila ang score.
Matapos ang laban ay nagpasiya ang coach namin na magkaroon ng meeting para makagawa ng strategy kung papano maka-counter ang star-player ng susunod naming makakalaban. Malaking banta siya sa bawat team kaya naman kailangan naming magkaroon ng maayos na strategy bago namin sila makaharap. Makalipas ang kalahating oras na meeting ay siya namang pagtungo namin sa shower room para makapaglinis ng katawan. Kaniya-kaniyang pamamaalam nang kami ay matapos. Kinakailangan na rin kasi naming magkaroon ng sapat na pahinga para sa magiging laban namin kinabukasan.
Sobrang busy ko sa araw na to kaya hindi ko man lang nagawang kausapin si Gunter. Habang naglalakad sa hallway ay sinubukan kong tawagan si Gunter ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Marahil ay nagtatampo yun ngayon dahil hindi ko siya masyadong nabigyan ng pansin ngayon araw. Naisipan ko na lang na daanan siya sa kanila bago ako umuwi sa bahay. Sa aking paglalakad sa hallway ay naging kapansin-pansin kaagad ang kumpulan ng mga estudyante mula sa ibang school. Masaya silang nagdidiwang sa kanilang pagkapanalo. Masaya akong makita na at home sila sa school namin at hindi nahihiyang mag-ingay kahit na sila ay visitors.
Habang papalapit ako sa mga estudyanteng ito ay nagtama pa ang tinginan namin ng kanilang star player na kasalukuyang pinaggigitnaan ng mga ito. Sandaling tinginan lang pero tila makahulugan ito dahil para bang hinahamon ako nito sa sandaling iyon. Kaagad kong binaling ang aking paningin sa ibang direksyon dahil ayokong magsimula ng gulo dahil importanteng laro ang mangyayari bukas at ayokong madisqualify dahil sa init ng aking ulo. Sa totoo lang ay nakakapikon ang uri ng pagtitig nito pero hinayaan ko na lang dahil sisiguraduhin kong makakabawi ako sa laban namin bukas.
"Noong huli kitang nakita ang cute ka pa lang tapos ngayon sobrang cute mo na. Lalo akong naiinlove sayo" narinig kong sambit ng isang lalaki. Sa tingin ko ay ang star-player nila ang nagsalita dahil ang lalim ng boses nito. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinayaan silang mag-asaran ngunit napatigil ako sa paghakbang nang may marinig akong boses.
"Gago!" rinig kong tugon ng isang binata. Hinding hindi ako magkakamali dahil alam kong boses yun ni Gon at sa aking paglingon ay nakita ko siyang yakap-yakap mula sa kaniyang likuran ng lalaking tinuturing kong banta sa magiging laban namin bukas.
"Gon!" kasabay ng pagtawag ko sa kaniyan pangalan ay ang paghalik ng lalaking ito sa kaniyang ulo.
Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat nang makita niya ako kaya naman kaagad niyang kinalas ang kamay na nakayakap sa kaniya. Nilamon ako ng matinding galit kaya kahit anong paliwanag ang binabanggit niya ay hindi ko pinaniwalaan dahil mas nanaig ang kagustuhan kong bumasag ng bungo.
Itutuloy.....
A/N: Isang update bago sumapit ang pasko. Merry Christmas sa inyong lahat, ikatlong pasko ko na ito simula nang magsimula akong magsulat sa Wattpad. Maraming salamat sa walang sawang suporta niyo. So ito na nga babalik na tayo sa story at wala na masyadong fillers para lang mapahaba ang story LOL!
Nalulungkot lang ako na ang lakas-lakas nyo sa akin pero ang hina-hina ko sa inyo. 200 Votes lang naman hinihingi ko para Chapter 26. Hindi pa rin ako decided kaya tatanggalin ko muna siya (IcexFire) sa mga published stories ko. Fofocus na lang ako dito at sa Enigma. Saka ko na lang ulit pag-iisipan ang revision kapag masipag na ulit kayong magvote.
Again wishing you a happy holiday!! :)
BINABASA MO ANG
The Curse of Fuentes Kiss (BL)
Romance"Siraulo lang ang maniniwala sa sumpa na yun. Malabong magkagusto ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na babae pa rin ang gusto ko. Pero bakit siya na lang lagi ang nasa isipan ko?" -Gunter Kaya bang baguhin ng isang halik ang lahat? Status: Co...