Darren as Gunter
Gunter's POV
Ang bigat ng aking pakiramdam simula ng idilat ko ang aking mga mata. Ayoko pa sanang gumising dahil labis ang pagod na aking nadarama dahil sa halos magdamagang paniniig namin ni Lance. Hindi ko maibalik ang aking sarili sa pagtulog dahil sa ingay na nagmumula sa cellphone ni Lance. Kanina ko pa siya tinatapik na sagutin ito pero tanging pag-ungol lamang ang kaniyang nagiging tugon. Hindi pa sapat ang tulog ko pero hindi matigil-tigil ang pagtunog ng kaniyang cellphone na gumagambala sa katahimikan ng paligid.
"Lance sagutin mo na yung phone mo kanina pa maingay eh" reklamo ko ngunit umungol lang siyang muli bilang tugon. Sa inis ko ay ako na mismo ang kumuha ng phone niya.
"Kapag hindi mo pa to sinagot ibabato ko to sa sahig!" pagtakot ko sa kaniya na kung saan nagawa niyang idilat ang kaniyang mga mata. Ngumiti siya sa akin habang inaabot ang kaniyang phone mula sa aking kamay. Ang akala ko ay aabutin niya lang kaniyang phone pero nagawa pa niyang pumatong sa ibabaw ko.
"Bumaba ka ang sakit pa ng katawan ko" reklamo ko habang tinutulak siya ng marahan. Ang sakit talaga ng katawan ko kaya wala akong pwersa ngayon. Maging ang pagpatong ni Lance sa ibabaw ko ay nakakadagdag sa sama ng nararamdaman ko. Kahit na patuloy ang pagtulak ko sa kaniya ay nanatili pa rin siya sa ibabaw ko at nagawa pa niyang takpan ang aking bibig nang sagutin niya ang tawag mula sa kaniyang cellphone.
"Yes dad? Opo, nandito ako ngayon sa rest house natin sa batangas" sambit ni Lance na tila si Tito Kendrick ang kaniyang kausap. Bigla akong nakaisip ng kalokohan. Sinamantala ko ang pagkakataon na dilaan ang kaniyang kamay habang nakatakip ito sa aking bibig. Mabilis siyang naapektuhan sa aking ginawa dahil nauutal at napapikit siya habang kausap niya ang kaniyang daddy. Ang akala ko ay bibitawan niya na ang aking bibig matapos kong paulit-ulit na gawin ang bagay na yun pero laking gulat ko ng magpakawala siya ng malakas na pag-ungol.
"Ahh..wala po yun dad. Si Gunter po kasi dinidi-" bago pa man niya masabi ang dapat sana'y sasabihin niya sa kaniyang ama ay mabilis kong nakagat ang kaniyang kamay na nagpahiyaw sa kaniya ng pagkalakas-lakas. Nagawa niyang bitawan ang aking kamay at siya nama'y napatingin sa akin ng masama. Muntik na akong matawa nang marinig ko ang pagsigaw ni Tito Kendrick mula sa cellphone ni Lance kung saan nagrereklamo ito dahil sa biglang paghiyaw ng kaniyang anak. Pangisi-ngisi ako habang humihingi ng tawad si Lance sa kaniyang ama dahil sa biglaang paghiyaw nito.
"Sorry dad, kasama ko po kasi si Guner ngayon tapos" balak niya pa ata akong bawian dahil nakangisi siya sa akin habang inaantay ang magiging reaksyon ko sa kaniyang sasabihin. Tiningnan ko siya ng masama dahil hindi magandang ideya na sabihin ang ganitong bagay lalo na't hindi pa kami ganun ka desidido kung aaminin na ba talaga namin.
"Nagpapamasahe po kasi ako kay Gunter ngayon" dugtong niya at bigla na lang kinurot ang kanang pisnge ko.
Muli ko siyang tinulak at sa pagkakataong ito ay napaalis ko siya sa ibabaw ko. Upang mapigilan siya sa muling pagsampa ay kaagad akong naupo sa kama habang kausap niya ang kaniyang ama.
"Talaga po? Sige po dad uuwi na po kami" tugon ni Lance at kaagad binaba ang cellphone na hawak. Muli siyang tumingin sa akin gamit ang kaniyang nakakalokong pagtingin. Bakas sa kaniyang pagngiti ang masamang balak na namumuo sa kaniyang isipan. Bago pa man niya maisagawa ang kaniyang nais gawin ay kaagad kong hinila ang makapal na kumot upang matakpan ko ang aking katawan. Lumapit siya sa akin at walang kahirap-hirap na naalis ang kumot. Pareho kaming hubo't hubad sa ibabaw ng kama gawa ng matagal na pagtatalik namin kagabi ay hindi na namin nagawang magbihis pa.
"Lance hindi pa ako nakakapagmumog" sabi ko nang pigilan ko siya sa paghalik sa aking labi. Binalewala niya ang aking babala at kaagad niya akong hinalikan sa aking labi. Noong una ay nagmatigas pa ako sa pag-angkin niya sa aking labi ngunit kalaunan ay bumigay din ako sa ligayang nadarama sa paraan niya ng pagsamsam sa aking mga labi. Natigil lang ang mainit na halikan nang kapwa kaming makaramdam ng pagkakapos sa aming hininga. Hindi pa man ako lubusang nakapagpahinga mula sa matinding halikan ay bigla na lang niyang inangat ang aking binti hanggang sa maipatong niya ito sa kaniyang balikat. Nanginig ang aking katawan nang maramdaman ko ang pagkiskis ng ulo ng kaniyang ari sa aking lagusan. Napapahalinghing ako sa sarap ngunit alam kong magiging masakit ito kapag ako'y muling pinasok niya.
"Lance hindi ko pa kaya. Medyo masakit pa rin eh" sambit ko na tumataliwas sa hitsurang pinapakita ko kay Lance kung saan napapakagat labi pa ako sa paraan ng pagkiskis niya sa aking lagusan.
"Edi dadahan-dahanin natin" tugon niya at bigla na lang siyang umulos ng marahan kung saan nagawa niyang ipasok ang ulo nito. Mabilis ang naging reaksyon ko dahil sa sakit na naramdaman ko sa ginawa niyang pagpasok sa akin. Kaya naman napaatras ako na naging sanhi upang matanggal ito mula sa aking lagusan.
"Hindi ko talaga kaya, ang sakit talaga" tugon ko habang iniinda ang kirot na nadarama. Pakiramdam ko ay first time ko ulit na pasukin dahil sa hapdi at kirot na nadarama.
Hindi naman na nagpumilit si Lance pero humingi siya ng pabor na laruin ko na lang daw ang kaniyang ari habang kami ay naghahalikan. Malugod ko itong ginawa upang mapaligaya siya. Paulit-ulit na nagtaas-baba ang aking kamay sa kaniyang ari hanggang sa maabot niya ang sukdulan. Kahit na siya lang ang nakaraos sa amin ay kapwa kaming napagod dahil sa pagkangalay na nadarama ko dahil ang tagal niyang labasan. Isabay mo pa ang halikan namin na para bang ito na ang huling araw namin na magagawa ang bagay na yun.
Matapos makapagpahinga ay sabay na kaming naligo sa shower room. Medyo nagtagal pa kami sa loob hindi dahil sa may milagro kaming ginawa kundi dahil napag-usapan namin ang tungkol sa pagpapauwi sa amin ng kaniyang ama. Ang hinala namin ay baka may alam na ito sa tunay na namamagitan sa aming dalawa ni Lance. Ilang beses niya rin akong sinuyo hanggang sa mapapayag niya akong umamin na kami sa kaniyang ama.
"Promise me na hinding hindi mo ako iiwan kahit na ano man ang kahihinatnan ng pag-amin natin kay Dad" sambit ni Lance at binigyan ng halik ang aking kanang kamay. Kasalukuyang nakaupo kami sa loob ng bathtub kung saan nakapwesto siya sa aking likuran. Ang kaniyang halik ay naglakbay mula sa aking kamay patungo sa aking braso. Marahan niyang kiniskis ang kaniyang ilong sa aking leeg na para bang aso na naglalambing bago niya ito hinalikan. Hinawakan niya ang aking baba upang pagharapin ang aming mga mukha kung saan nagawa kong ipikit ang aking mga mata dahil inaasahan ko na ang kaniyang paghalik sa aking mga labi. Ngunit ilang sandali na ang nakalipas at hindi niya pa rin ako hinahalikan kaya muli kong dinilat ang aking mga mata.
"Promise?" muling tanong niya habang nakangiti sa akin kung saan hawak-hawak niya pa rin ang aking baba.
"Promise!" mabilis kong tugon at ako na mismo ang humalik sa kaniyang labi bilang patunay sa aking sinumpaang pangako.
Matapos naming magpalitan ng mga maiinit na halik ay tinapos na rin namin ang pagbabanlaw sa shower. Kinakailangan na naming makabalik dahil bukod sa pinapauwi na kami ng kaniyang ama ay may mga projects kaming dapat ipasa. Hindi namin nagawang pumasok ngayon sa kadahilanang narito kami sa batangas pero hindi naman malaking bagay ang pagpaliban namin dahil sa wala namang discussion na mangyayari sa klase ngayon. Hindi na namin nagawang maghain ng almusal at nagpasiya na lang kaming magdrive thru para mapabilis ang aming byahe.
Habang nasa byahe ay nagmistulang alalay ako ni Lance dahil ako mismo ang naging tagahawak at nagpapasubo sa kaniya ng mga pagkain habang siya ay nagmamaneho. Ang inaasahan ko ay hihinto kami sa isang tabi para maenjoy namin ang pagkain ng almusal habang nasa loob ng kaniyang sasakyan pero taliwas itong nangyayari sa inakala ko. Tila napansin niya ang pagkunot ng aking noo sa tuwing susubuan ko siya ng pancake.
"Bat ganyan ang hitsura mo?" tanong niya sa akin.
"Malamang hindi ako makakain dahil ginawa mo akong alalay" mabilis kong tugon na ikinatawa niya.
"Grabe ka naman. Isipin mo na lang na nagpapractice kana bilang asawa ko" sagot niya at nagawang bumitaw ng kanang kamay niya sa manibela at tanging kaliwang kamay ang ginagamit sa pagmamaneho upang mahawakan niya ang aking kamay.
"Ganito pala gagawin mo sakin kapag naging asawa mo ako?" tanong ko sabay bawi ng aking kamay.
"So pumapayag kana na magiging asawa kita?" dugtong niya na ikinagulat ko. Ngumiti pa siya ng nakakaloko bilang patunay na alam niyang nanaig siya sa aming pagtatalo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sinabi niya at tila nakaramdam pa ako ng labis na kahihiyan dahil sa paraan ng kaniyang pagtanong sa akin.
"Ganito na lang, isipin mo na lang na ito yung ganti mo sa akin sa tuwing susubuan kita" sabi niya habang dalawang beses niyang tinaas ang kaniyang kanang kilay. Napaisip ako sa sinabi niya kung kailan niya ginawa yun at saka ko lang nakuha ang ibig niyang sabihin.
"Gago!!!" sigaw ko atsaka siya tumawa ng malakas.
Napuno ng kalokohan at tawanan ang naging byahe namin pabalik sa laguna. Alam kong paraan ito ni Lance para maging kalmado ako dahil siguro nahahalata niyang kinakabahan ako dahil sa aming pagbalik ay kinakailangan na naming sabihin sa kaniyang ama ang tunay na namamagitan sa aming dalawa. Maraming maaaring mangyari kapag umamin kami at isa sa mga yun ay ang posibilidad na paghiwalayin kami ng kaniyang ama. Kaya naman nangako kami sa isa't isa na ano man ang mangyari ay hindi kami bibitaw sa aming kasunduan.
Sa pagdating namin sa bahay nila Lance ay lalong tumindi ang kabog ng aking dibdib. Tila hindi ko kayang harapin ang kaniyang ama dahil malakas ang kutob ko na hindi ito sasang-ayon sa aming relasyon. Napansin siguro ni Lance ang pagiging tensyonado ko sandaling iyon kaya naman hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito.
"Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan" nang sabihin niya ang mga salitang iyon ay kahit papano'y nabawasan ang pangamba na aking nadarama. Hindi siya bumitaw sa pagkakahawak niya sa aking kamay dahil nais niyang salubungin ang kaniyang ama ng buong tapang sa paglahad ng tunay naming relasyon. Ngunit nang makaharap na namin ang kaniyang ama ay biglang nanumbalik ang takot na aking naramdaman lalong lalo na't nakatingin siya ngayon sa aming mga kamay na nanatiling magkahawak. Laking gulat namin nang ngumiti ito.
"Welcome to the family Gunter" hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. Labis ko pang kinabigla nang lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Napatingin ako kay Lance at sumenyas kong anong nangyayari. Maging siya ay natulala sa kinikilos ng kaniyang ama kaya naman niyakap ko na rin si Tito Kendrick bilang ganti.
"Ang ibig sabihin ba nito dad ay" hindi pa man lubusang nakakapagsalita si Lance nang si Tito Kendrick na mismo ang dumugtong.
"Ay magiging pamilya na tayo dahil si Gunter ang nawawala mong kapatid" masaya niyang sabi na lalong ikinagulat naming dalawa ni Lance.
"Hahaha palabiro ka pala dad" pilit na tawa ang kumawala sa bibig ni Lance na naging dahilan para mapangiti ako ng hilaw.
"Nagsasabi ako ng totoo" tugon ni Tito Kendrick kung saan walang bahid ng pagbibiro ang pinapakita ng kaniyang mukha. Tila hindi ito nagustuhan ni Lance kaya naman hinila niya ang kamay ko upang ilayo ako sa kaniyang ama.
"It's okay dad kung hindi niyo tanggap ang relasyon namin ni Gunter pero hindi niyo naman kailangang magsinungaling para lang hadlangan ang relasyon naming dalawa" sagot ni Lance na nagiging tensyonado. Isa sa hindi namin inaasahan ay ang pagdating ni Ate Pritz at ang kaniyang pagsali sa usapan.
"Nagsasabi siya ng totoo Lance. Magkapatid kayong dalawa ni Gunter" sabi niya nang makalapit siya sa amin. May kinuha siya mula sa envelop na kaniyang hawak-hawak at inabot ito kay Lance.
"Yan ang result ng DNA test ni Gunter na nagpapatunay na anak siya ng daddy mo" dugtong ni Ate Pritz. Mabilis kong inagaw kay Lance ang papel na inabot sa kaniya ni Ate Pritz at binasa ang nakasulat dito. Nagmula pa sa isang kilalang ospital ang resulta ng DNA test kung saan nakasulat ang aking pangalan at ang pangalan ng ama ni Lance. Tila may pumipisil ng aking puso na nagiging dahilan upang ako ay mahirapang huminga.
"Hindi ito totoo!" sambit ni Lance at mabilis niyang inagaw ang papel na hawak-hawak ko at kaagad niya itong pinunit. Labis akong naguguluhan sa mga nangyayari sa aking paligid lalo na nang magsimulang makipagtalo si Lance sa kaniyang ama. Para akong masisiraan ng bait nang mapagtanto ko na ang taong minahal ko ay siyang kadugo ko. Matapos naming gawin ang halos lahat na maaaring gawin ng isang magkasintahan ay saka namin malalaman na kami ay magkapatid. Labis ang pandidiri ko sa sarili ko dahil ang dami kong bagay na nagawa na hindi ko dapat ginawa ngunit huling huli na ang lahat para ito'y pagsisihan. Habang tumatagal ay wala na akong naiintindihan sa bangayan ni Lance at Tito Kendrick. Hindi ko alam kung kailangan ko na ba siyang ituring na ama dahil hindi ko pa rin matanggap ang nangyayari. Hindi nagtagal nang maramdaman ko na tila umiikot ang aking paningin hanggang sa muli kong maramdaman ang paghawak ni Lance sa aking kamay.
"Alis na tayo dito!" sabi niya sa akin ngunit bago pa man ako makapagsalita ay biglas na lang akong nasuka. Mabuti na lang at nagawa kong ibaling ang aking paningin upang hindi siya masukahan. Patuloy ang pagsuka ko sa sahig habang inaalalayan ako ni Lance hanggang sa tuluyang nandilim ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
The Curse of Fuentes Kiss (BL)
Romance"Siraulo lang ang maniniwala sa sumpa na yun. Malabong magkagusto ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na babae pa rin ang gusto ko. Pero bakit siya na lang lagi ang nasa isipan ko?" -Gunter Kaya bang baguhin ng isang halik ang lahat? Status: Co...