"Siraulo lang ang maniniwala sa sumpa na yun. Malabong magkagusto ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na babae pa rin ang gusto ko. Pero bakit siya na lang lagi ang nasa isipan ko?"
-Gunter
Kaya bang baguhin ng isang halik ang lahat?
Status: Co...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A/N: Magready ng tissue!
Gunter's POV
Bago pa man ako makarating kila Lance ay marami na talagang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung papano ko sasabihin sa kaniya na natatakot akong maulit ang nangyari sa amin. Nagawa ko pang magresearch tungkol sa bagay na to dahil natatakot akong masaktan ulit kapag naulit yun. Sabi sa internet ay makakaramdam naman daw ako ng sarap kalaunan lalong lalo na kung marunong ang magtatrabaho. Dun pa lang ay alangan na ako dahil alam kong wala kaming karanasan sa ganitong relasyon at alam kong first time ni Lance na gawin ang bagay yun. Ang ibig kong sabihin ay yung pagpasok sa likuran dahil alam ko namang marami na siyang karanasan sa mga naging girlfriend niya.
Ngayon ay hindi pa rin ako mapakali habang nag-aantay sa kaniya dito sa loob ng kaniyang kwarto. Ilang beses kong pinag-isipan kung anong dahilan ang babanggitin ko para hindi mapunta sa ganong bagay ang pagsasama naming dalawa ngayon. Sana lang ay hindi sumama ang loob niya kapag tinanggihan ko siya. Kalaunan ay narinig ko ang mga yabag ng mga paa papalapit sa pinto ng kaniyang kwarto. Kaagad akong nagtago sa gilid ng pinto kung saan hindi niya ako kaagad makikita. Nagtataka ako kung papano siya nakarating kaagad dahil ilang minuto pa lamang ang lumilipas simula nang magtext siya na pauwi na siya. Ganun pa man ay tinuloy ko pa rin ang balak kong paggulat sa kaniya. Sa pagbukas ng pinto ay nag-antay akong pumasok siya at saka ko siya ginulat nang humakbang ang kaniyang paa sa silid. Imbes na siya ang magulat sa sandaling iyon ay ako ang labis na nabigla sa taong kaharap ko.
"Ti-tito? Este Sir Fuentes" natataranta kong sabi dahil nabigla ako nang mapagtanto ko na hindi si Lance ang pumasok sa kwarto.
"Kailangan nating mag-usap Gunter" sambit niya at ngumiti siya sa akin na tila makahulugan. Wala akong ideya kung ano ang dapat naming pag-usapan pero tumindi ang kaba ko nang makita ko ang paglock niya sa kwarto ni Lance. Wala akong nagawa kundi mapalunok ng laway sa sandaling iyon. Pilit na ngiti ang sinukli ko sa kaniya habang siya ay masayang nakatingin sa akin.
"Nabalitaan ko kasing dito ka matutulog habang nasa team building ang ate mo" sabi niya habang naglalakad patungo sa kama ni Lance. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa aking posisyon at di malaman ang gagawin sa sandaling iyon. Tumingin siya sa akin na para bang nag-aantay siya ng aking isasagot.
"O-po" ang tangi kong nasabi. Ngumiti siya na para bang katawa-tawa ako sa kaniyang paningin. Hindi ko alam pero ganun ang pakiramdam ko sa sandaling ito.
"Mabuti naman, Kukunin ko na ang pagkakataon na to habang wala pa si Lance sa bahay. Halika rito!" pagtawag niya sa akin nang makaupo siya sa kama ni Lance. Ako naman ay kaagad nakaramdam ng kaba dahil hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig.
"Po?" ang tangi kong naisagot at bakas sa tono ng aking pananalita ang takot at pangamba.
"Wag kang matakot dahil hindi kita sasaktan" tumawa siya ng mahina habang pinapalo ang kama na nagpapahiwatig na maupo ako dun. Mabilis nawala ang aking pangamba nang makita ko siyang tumawa. Kagaya ni Lance ay may kakaiba sa ngiti nila na para bang mahuhumaling ka sa ganda ng kanilang pagngiti. Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa tabi niya habang pinagmamasdan siyang tumawa. Tumigil siya sa pagtawa nang ipatong niya ang kaniyang kamay sa aking balikat. Nabigla ako sa kaniyang ginawa pero hindi ko ipinahalata dahil baka sumama ang kaniyang loob sa labis na pag-iisip ko ng masama. Unti-unting nagbago ang kaniyang hitsura, kanina lang ay tawang tawa siya sa akin pero ngayon ay biglang naging seryoso ang kaniyang mukha.