Chapter 30: What a surprise

4.2K 243 46
                                    

Darren as Gunter

Darren as Gunter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Gunter's POV

"Itigil na natin ito"

Napakaiksing salita ngunit tila magdudulot ito ng permanenteng sugat sa aking puso. Alam kong may mga pagkukulang ako pero hindi ko inaasahang aabot kami sa sandaling ito at isusuko na lang niya ng basta-basta ang relasyon naming binuo. Hindi ko magawang magreklamo o magalit man lang sa kaniya. Mas naunang bumagsak ang aking mga luha bago pa man ako makapagsalita. Nang makita niya ang biglang pagluha ko ay bigla na lang siyang nataranta.

"Ohh bakit ka umiiyak?" tanong niya sabay punas sa aking mga luha. Nainis ako sa kaniyang inasal kaya naitulak ko siya.

"Gago ka ba? Anong gusto mong gawin ko, pumalakpak?" napalitan ng inis ang aking nadarama dahil sa kaniyang ginawa. Matapos niyang sabihin na itigil na namin ang namamagitan sa aming dalawa ay bigla na lang siyang magtatanong kung bakit ako umiiyak. Nakakainis! Ang malala pa ay napatingin siya sa akin na para bang walang kaalam-alam sa kaniyang sinabi. Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lang siyang napa palo sa kaniyang hita nang mapagtanto niya ang kaniyang sinabi.

"Fuck! Yun ang iniisip mo?" tanong niya na para bang natatawa pa sa nangyayari. Napakagago talaga. Nakakuyom na ang aking kanang kamay at nakahandang suntukin ang kaniyang pagmumukha dahil para bang tuwang tuwa pa siya sa nangyayari.

"Hindi ka titigil?" tanong ko habang nakahanda ang aking kamao upang suntukin siya.

"Uyy eto naman wala naman akong sinabing masama ahh" tugon niya habang papalayo siya sa akin at ang kaniyang mga kamay ay nakaabang sa pagsapo sa aking kamay.

"Tangina ano yung sinabi mo kanina? Pinagtitripan mo ba ako?" lalo akong napikon dahil hindi pa rin nawala sa kaniyang mukha ang pagngisi bilang tanda na hindi talaga siya seryoso sa nangyayari. Lumapit na talaga ako para suntukin siya pero mabilis niyang nahuli ang aking kamao at hinatak ako papalapit sa kaniya. Niyakap niya ako habang hawak-hawak niya ang magkabila kong kamay.

"Wait lang babe, mali ang iniisip mo" tugon niya habang nagpupumiglas ako.

"Ang ibig kong sabihin ay itigil na natin itong pagpapanggap natin bilang magkaibigan lang" dugtong niya na nagpatigil sa akin. Nang mapagtanto niya na tumigil na ako sa pagpupumiglas ay nagawa niyang bitawan ang aking mga kamay. Mula sa aking likuran ay niyakap niya ako nang mahigpit at sinandal ang kaniyang baba sa ibabaw ng aking balikat.

"Gusto kong ipaalam sa kanila kung gaano kita kamahal, kung gaano natin kamahal ang isa't isa. Gusto kong malaman nila na ika'y akin lamang. Sa paraang ito ay malamang wala nang manggugulo sa ating dalawa" matapos niyang magsalita ay mas lalong humigpit ang kaniyang pagyakap sa akin na para bang wala siyang balak na ako'y pakawalan.

"Sinasabi mo lang yan dahil nagseselos ka kay Ryle" tugon ko at bigla niyang kiniskis ang kaniyang baba sa aking balikat tanda ng pagtutol sa aking sinabi.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon