Dylan as Lance
Gunter's POV
Nagmistula akong istatwa sa aking kinatatayuan. Hindi ko inaasahang nandito din pala si Lance sa loob ng c.r. Badtrip! Kung ano-ano pa naman ang pinagsasabi ko, narinig nga niya kaya?
"Anong sinabi mo?" sabi niya habang papalapit sa akin.
"Ahh, wala..wala" mabilis kong sagot.
"Hindi eh, parang narinig ko yung pangalan ko kanina" ang sama ng tingin niya sa akin ngayon.
"Ahh ehh kasi" hindi ako makaisip ng sasabihing palusot.
"Kasi?" nag-aantay siya ng sagot.
"Kasi may play daw sa classroom tapos tayong dalawa ang pinagpipilian pero alam kong mas bagay yun sayo" pagsisinungaling ko, tumitig siya sa akin habang nag-iisip. Sinamantala ko ang pagkakataon na magpaalam at sabay tumakas pero bago pa man ako makaalis ay hinawakan niya ang kwelyo ko sa batok.
"Sandali lang, bat ba nagmamadali ka?" inis niyang sabi at ako naman ay nasakal sa ginawa niyang biglaang paghablot sa aking kwelyo.
"Ah eh may assignment kasi tayo tungkol sa History pero hindi ko pa natatapos kaya mauuna na ako" pagkasabi ko nun ay agad niyang binitawan ang aking kwelyo.
"Tara sabay na tayo" pag-aya niya sa akin sabay akbay.
Nakaakbay siya sa akin simula nang lumabas kami ng c.r. Sa aming mga lalaki ay normal lang naman ito pero bakit tila iba ang nararamdaman ko ngayon. Parang ang gaan-gaan sa pakiramdam habang nakapatong ang kaniyang kamay sa aking balikat. Lalo pang nakakaakit ang amoy ng kaniyang pabango na tila hindi nagbabago ang amoy kahit na pagpawisan pa siya. Maraming nakapansin sa amin ng madaan kami sa hallway. Karamihan dun ay ang mga barkada ni Lance na masaya niya ring binabati. Gulat na lang ako ng biglang may bumatok sa akin.
"Angas mo boy ahh, close nap ala kayo ni Lance ngayon" sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay barkada din ni Lance. Nagtawanan ang ilan sa kanila at ako naman ay nagpipigil ng galit sa ginawa niyang pagbatok sa akin.
"Sino nagsabi sayong pwede mo siyang batukan?" tanong ni Lance.
"Ehh di ba binubully naman natin yan bakit hindi?" nag-aalangang tanong ng lalaki.
"Ahh oo nga pala, san ka nga ulit galing?" natatawang sabi ni Lance. Magkaibigan ngang tunay parehong gago.
"Ahh kakauwi lang namin galing states, mga 2 weeks din ako dun kasi nanghihina na si lolo" masayang sagot ng kaibigan niya.
"Gusto mong magaya sa lolo mo?" naging seryoso bigla si Lance.
"Haa-you mean maging businessman gaya niya? Oo, naman mukhang sa akin nga niya ipapa" hindi pa tapos ang kaibigan niyang magsalita nang sumagot agad si Lance.
"Ang manghina kagaya ng lolo mo" lumapit siya sa kaibigan niya at bigla na lang niya itong sinukmuraan ng tatlong beses hanggang sa mapaluhod na lang ito at sumuka ng dugo.
"Sa susunod na hahawakan mo siya ay puputulin ko na yang kamay mo!" inis na sambit ni Lance. Naglakad siya papalayo sa mga barkada niya at ako naman ay hindi makapaniwala sa ginawa kaya nanatili akong nakatayo.
"Akala ko ba nagmamadali ka?" inis niyang sabi sa akin kaya ako naman ay natarantang naglakad papalapit sa kaniya at nang makalapit ako ay muli niya akong inakbayan.
Kinakabahan ako habang akbay-akbay niya ako baka bigla na lang niya akong sakalin kapag may mali akong ginawa. Pero habang naglalakad kami patungo sa aming classroom ay tila nanunumbalik ang sigla na meron siya kanina. Ewan ko ba parang baliw tong kasama ko kasi kanina lang ay galit na galit siya pero ngayon ay tila ang saya-saya niya. Pagkapasok namin sa classroom ay nagtinginan ang iba naming kaklase at bumalik din sa kanilang ginagawa pero ang ilan ay tila kinikilig nang makita nilang nakaakbay sa akin si Lance kaya naman inalis ko na ang kaniyang kamay dahil baka makarating ito Chloe at baka isipin niyang nababakla na ako kay Lance.
Mabuti na lang at may mga mabubuti kaming mga classmate na nagbigay ng kanilang notes para sa pagsagot sa aming assignments. Sa totoo lang ay meron na talaga akong nagawang assignment pero dahil ito ang ginawa kong palusot kanina kaya naman dapat kong ulitin ang pagawa nito para mapatunayan sa kaniya na wala pa talaga akong nagagawa. Katabi ko siya habang gumagawa ng assignment, nakikinig siya ng music habang kinokopya ang mga sagot ko. Buti na lang at hindi ito ang ipapasa ko kung hindi yari talaga kami pagnabasa ni Miss Ellen yung assignment namin na parehong pareho ang laman.
Habang kumokopya siya sa akin ay bigla na lang niya ipinasok sa kanang tenga ko ang kabilang earphone. Nakikinig siya sa kanta ni Ed Sheeran pero hindi ko maalala ang title ng kanta kasi hindi ako masyadong fan ng mga kanta niya. Basta yung lyrics niya ay "Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms". Yun lang ang medyo natatandaan ko sa lyrics. At mukhang playlist ni Ed Sheeran yung pinapakinggan niya dahil sunod-sunod ito habang nagsusulat kami. Maya-maya lang ay bigla akong nakaramdam ng bigat sa aking balikat. Paglingon ko ay nakita ko na lang na nakasandal na siya sa aking balikat at tulog. Nakatulog siya kung kelan halos matatapos na namin ang paggawa ng assignment. Natapos ko na yung kunwaring assignment ko pero yung kay Lance ay hindi pa niya tapos. Kukunin ko sana yung kaniya at pagpalitin yung amin tutal may nagawa naman na ako. Ngunit bigla na lang dumating si Miss Ellen at ginising ko si Lance na natutulog.
Nang makaupo si Miss Ellen ay agad niyang pinapasa ang mga assigments. Habang nagpapasahan ng mga assignments ay bigla ko na lang inabot kay Lance ang assignment na ginawa ko kanina. Hindi ko pa nalalagyan ng pangalan yun kaya pwede niyang angkinin na siya ang gumawa nun. Pero nagulat na lang ako na may hawak-hawak siyang papel kung saan nakasulat na ang kaniyang pangalan at kompleto na ang kaniyang mga sagot.
"Para saan yan?" tanong niya.
"Eh akala ko wala ka pang assignment tapos yung ginagawa mo kanina ay hindi pa rin tapos kaya ibibigay ko na lang sana sayo to" tugon ko at pinalo niya ako ng papel sa ulo.
"Sabi mo kanina nagmamadali kang bumalik para gumawa ng assignment tapos meron kana palang ginawa" inis niyang sabi.
"Eh ikaw din naman eh bat kapa gumawa ng assignment kung meron kana rin palang nagawa" inis kong sagot.
"Syempre sinabayan lang kita para gumawa ka ng mabilis" mabilis niyang sagot.
"Eh bat k aba nagagalit?" tanong ko na medyo na palakas ang boses ko.
"Eh kasi nga aayain pa sana kitang kumain kanina kung hindi ka lang nagmamadali" at napalakas din ang boses niya na kumuha ng atensyon ng buong klase.
Hiyang hiya ako sa mga sandaling yun buti na lang at pinalagpas ni Miss Ellen yung ginawa namin. Sa mga sumunod na klase namin ay hindi na niya ako pinansin kaya naman hindi ko na rin siya pinansin. Nagfocus na lang ako sa buong klase pero minsan nakikita kong nakatingin siya sa akin ng masama. Nakakainis lang parang big deal na big deal sa kaniya yun. Sumapit na rin ang oras na pinakahihinatay ng bawat isa, yun ay ang uwian. Hanggang sa paglabas ng classroom ay hindi niya ako pinansin kaya hindi na rin ako nagpaalam sa kaniya, bahala na siya.
Habang naglalakad ako patungo sa gate ay nakasalubong ko bigla si Chloe. Nagngitian kami bago nag-usap. Naupo kami sa isang bakanteng upuan kung saan makikita mo ang karamihan sa mga nag-uuwiang estudyante. Nakita ko ring lumabas si Lance ng gate pero nagkatinginan lang kaming dalawa at hindi nag-usap. Habang kausap ko si Chloe ay humingi ako ng tawad sa biglaang pag-alis ko nun pero buti na lang at likas na maganda at mabait itong si Chloe kaya naman pinatawad niya ako. Nangako naman akong babawi sa kaniya sa susunod na linggo kaya sumang-ayon naman kaagad siya. Kapag kasama mo talaga ang taong gusto mo ay hindi mo namamalayan kung ilang oras na kayong nagsasama. Ang importante ay pakiramdam kapag kasama niyo ang isa't isa. Natigil ang usapan namin nang tumunog ang cellphone, kaagad ko namang sinagot ito dahil si Ate Fritz ang tumatawag.
"Hello ate?" pagbati ko.
"Anong oras na Gunter at hindi ka pa rin nakakauwi. Ako na ang nagsaing oohh, bilisan mo at mamalengke kapa dahil may bisita tayo" sabi niya. Itatanong ko pa sana kung sino ang bisita namin pero bigla na lang niya pinutol ang usapan namin. Syempre mas mahalaga ang tawag ni ate kaysa sa pagbuo ko ng lovelife ngayon kaya naman nagpaalam na ako kay Chloe na mauunang umuwi dahil sa wrong timing na bisita namin.
Pagkarating ko sa loob ng aming bahay ay nakita ko kaagad na nakaupo sa couch si Lance habang kumakain ng meryenda at nanonood ng tv. Tumingin siya sa akin nang makita niya akong pumasok pero binalik niya kaagad ang kaniyang paningin sa tv na para bang wala siyang pakialam sa akin. Hinanap ko si ate na kasalukuyang nasa kusina.
"Ate siya ba ang bisitang tinutukoy mo?" tanong ko.
"Oo at bilisan mong magbihis dahil kulang itong mga ingredients ko para sa lulutuin kong nilagang baka" sabi niya habang naglilista sa isang papel.
"Pauwiin na lang natin yan ate, nanggugulo lang yan dito at dagdag pa sa pakakainin mo" naiinis kong sabi per laking gulat ko nang bigla akong pingutin ni ate.
"Hinaan mo yang boses mo baka marinig ka niya, siraulo kang bata ka. Importanteng bisita yan dito sa atin dahil anak siya ng may-ari ng pinapasukan kong trabaho at saka sila ang nagbibigay ng scholarship mo kaya ayus-ayusin mo ang pagtrato mo sa kanya" at may habol pang kurot sa tagiliran ko.
"Kailan mo pa nalaman yan?" syempre hindi na ako nagulat nang sabihin sa akin ni ate fritz yun dahil matagal ko nang kilala ang pagkatao ni Lance.
"Kanina lang nang dumaan siya sa opisina namin bago ako makauwi, dinaanan niya yung tito niya na supervisor namin dahil birthday ngayon. Tapos eto sumama sa akin pauwi dahil dito daw siya matutulog. Napakahumble na bata" masayang pagkwento ni ate.
"Kung alam mo lang" hindi ko napigilang masabi.
"Ang alin?" mabilis niyang tanong.
"Ahh wala, magbibihis na po ako" sabay karipas ng takbo papunta sa kwarto ko. Kapag hindi ako nakatakas sa kaniya ay tiyak kukulitin ako nun hanggang sa magsalita ako. Sa pagmamadali kong pumasok ng kwarto ay natabig ko ang baso na nakapatong sa ibabaw ng mesa kaya nabuhos ang laman nito sa pantalon ko.
Nang makarating ako sa loob ng aking kwarto ay kaagad akong naghubad ng aking damit para magpalit. Wala akong tinirang saplot sa aking katawan dahil inabot hanggang sa aking brief ang tubig na tumapon. Pinunasan ko ng tuwalya ang aking mga hita at saka naghanap ng pamalit na underwear. Ang buong akala ko ay nalock ko ang pinto ng aking kwarto pero nagkamali ako nang biglang pumasok si Lance habang hubo't hubad ako. Mukhang hindi man lang siya nagulat sa nakita niya at ako naman ay nataranta para abutin ang tuwalya at takpan ang sarili ko.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" inis kong sabi. Tumingin lang siya sa akin at saka lumabas ng kwarto. Grabe hindi ko alam kung anong trip ng lalaking to. Nang matapos akong magbihis ay nakita ko na lang na nakabihis na rin itong si Lance.
"Oh eto yung listahan ng mga dapat mong bilhin, sabi ni Lance sasamahan ka daw niyang mamili" pagkasabi ni ate Fritz ay kaagad naman akong lumingon kay Lance kung totoo ba ang sinasabi ni ate. Tumingin lang din siya sa akin at hindi nagsasalita.
Huminga ako ng malalim bago naglakad palabas ng bahay. Hinayaan ko lang siya na bumuntot sa akin tutal hindi naman siya nagsasalita eh. Para talaga akong may pipeng kasama dahil sa ilang minuto naming paglalakad ay hindi man lang siya nagsasalita. Nang malapit na kaming makarating sa palengke ay binasag ko na kaagad ang katahimikan sa aming dalawa.
"Pinopormahan mo ba ang ate ko?" tanong ko sa kaniya.
"Excuse me?" napahinto siya sa paglalakad.
"Ang sabi ko may gusto ka ba sa ate ko?" mukhang guilty siya dahil bigla siyang nagsalita, sinasabi ko na nga ba eh.
"She's not my type" matipid niyang sagot.
"Eh bakit ka laging nasa amin?" pag-uusisa ko pa dahil mukhang may gusto talaga siya kay Ate fritz eh.
"Wala ka nang pakialam dun" at saka siya naglakad patungo sa palengke.
"Hoy, wag na wag kang magtatangka ng masama sa ate ko. kung hindi lagot ka sa a" napatigil ako sa pagsasalita ng huminto siya sa paglalakad.
"Huwag kang mag-alala wala akong masamang balak sa kaniya, pero sayo marami" nanatiling poker face ang mukha niya kaya hindi ko alam ang totoong nararamdaman niya ngayon. Pero bigla akong nakaramdam ng magkahalong tuwa at takot na hindi ko maintindihan.
Nagmadali akong naglakad para makapunta na kaagad sa palengke at mabili na ang lahat ng mga sangkap na kinakailangan ni ate fritz. Hindi pupwedeng magkasama kami ng matagal ng lokong to dahil habang tumatagal ay naweweirduhan na ako sa nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Habang bumibili ako ng mga sangkap ay hindi ko mapigilang mailing sa mga titig ng mga tinderang binibilhan ko ng mga sangkap. Ngumingiti na lang ako minsan pero saka ko lang nalaman na ang mga tingin pala nila ay dahil sa taong nasa likuran ko. Sana siya na lang ang namili siguro nakatawad pa kami, kainis.
Pagkarating sa bahay ay kaagad namang inasikaso ni ate fritz ang mga pinamili namin ay pinamili ko lang pala dahil bumuntot lang naman sa akin itong si Lance. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay kumuha ako ng libro para magbasa. Wala naman kaming assignment ngayon kaya medyo hayahay ako ngayon gabi. Natigil lang ang pagbabasa ko nang magtext sa akin si Chloe. Medyo matagal-tagal pa naman bago maluto yung nilagang baka kaya naman nakipagtext na lang muna ako kay Chloe.
"Magbabasa ka ba o magtetext?" sabi ni Lance pero ang kaniyang paningin ay nasa tv.
"Wala kang pake" matipid kong sagot. Hindi ko inaasahang narinig ni ate fritz yun.
"Tantanan mo yang kakatext mo Gunter, pag ikaw bumagsak at nawalan ng scholarship papatigilin na lang talaga kita" bulyaw niya.
"Wala ka bang tiwala sa akin ate? Ako pa ba? Ito ang tanungin mo si Lance kung nagrereview ba yan" sarkastiko kong sambit. Kapwa kaming napatingin ni ate fritz kay Lance na tumingin na rin sa akin na para bang naghahamon.
"Bakit hindi mo ako tanungin ng mga questions diyan sa libro mo?" nakangiti niyang sabi kaya naman nanggalaiti ako lalo.
Naghanap ako ng mga mahihirap na tanong dito sa physics na libro na hawak ko. Laking gulat ko nang masagot niya ang bawat tanong na ibinibitaw ko sa kaniya. Maging ang mga formula na hirap akong kabisaduhin ay kabisado niya. Papano nangyari ito? Kumpyansa ako sa sarili ko na mas matalino ako kay Lance dahil napapansin ko sa klase na hindi siya interesado at bihira siyang magparticipate lalo na sa recitation. Mas lamang din ako pagdating sa exam pero papanong alam niya ang mga sagot dito?
"Ayan kaka cellphone mo mas madami pang alam si Lance kaysa sayo" sambit ni ate, grabe talaga napahiya na nga ako kanina ginatungan pa talaga niya.
"Oh siya, tumayo na kayo diyan at kakain na tayo" pag-aya ni ate fritz. Kaagad naman kaming nagtungo sa mesa para kumain.
Habang kumakain ay inoobserbahan ko ang bawat galaw ni Lance sa tuwing kausap niya si ate. Normal lang naman ang pakikitungo niya dito pero hindi pa rin ako titigil hanggang hindi ko siya napapaamin sa totoong balak niya sa amin. Bakit sa amin? Kay Ate fritz lang pala, ah ang weird na masyado ng iniisip ko. Pakiramdam ko nga ako ang bisita dito sa mesang to dahil halos silang dalawa lang nag-uusap habang ako ay tahimik na kumakain habang nakikinig sa kanilang dalawa. Iniiwasan rin sigurong itanong ni ate kay Lance kung bakit siya tumutuloy dito. Pagkatapos naming kumain ay naghugas ako ng pinagkainan namin. Tatlo lang naman kaming kumain pero yung huhugasan ko ay parang pang buong pamilya. Pero syempre ginawa ko na rin kaysa naman bungangaan na naman ako ni ate sa harap ni Lance.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay kumuha naman ako ng pamalit na damit para makapaghuhas na ako ng katawan bago maligo. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay nakita kong nakabihis na si Lance ng kaniyang pantulog. Nakasando at boxer shorts lang ang suot niya habang may kausap siya sa cellphone. Hindi ko na siya inusisa dahil kailangan ko na ring maghugas ng katawan dahil sobrang lagkit ko na sa pawis. Nang matapos ako ay nagtungo ako kaagad sa aking kwarto para matulog. Mukhang nakatulog na si Lance habang nasa ibabaw ng kaniyang dibdib ang kaniyang cellphone. Kinuha ko ito at nilagay sa ibabaw ng mesa baka sakaling mahulog pa at mukhang mamahalin.
Puwesto na ako sa pinakagilid at saka nahiga. Nagkumot ako at saka natulog. Hindi pa nagtatagal ang tulog ko nang maramdaman ko na naman ang kamay ni Lance sa loob ng tshirt ko kung saan nakatong ang kaniyang mga kamay sa aking tiyan at ang kaniyang paghinga ay ramdam ko sa aking batok. Hindi na ako umangal pa at hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niyang gawin basta wala siyang masamang gawin sa ate ko.
Halos araw-araw ng nakatira sa amin si Lance. Ewan ko ba kay ate fritz at hindi niya pa rin magawang tanungin ang lokong to kung bakit siya nagtitiis sa maliit na bahay namin. Napansin ko rin na habit ni Lance ang umakap habang nasa ibabaw ng tiyan ko ang kaniyang mga kamay niya. Hindi ko sigurado kong ginagawa niya ito sa lahat ng nakakatabi niya pero araw-araw ko itong nararanasan sa kaniya. Tuwing sabado at linggo ay umuuwi siya sa kanila kung saan masaya ako dahil nasosolo ko ang aking kwarto at hindi ako laging nag-aalala sa kinikilos ko. Saktong araw ng linggo kung saan makakapagdate na naman kami ni Chloe. Napagpasiyahan naming pumunta ng Enchanted kingdom dahil gusto raw niyang mag amusement park. Syempre bago kaimi umalis ay pinagpaalam ko muna siya sa kaniyang mama na suportado ang panliligaw ko sa kaniyang anak. Kaya malaki talaga ang chance ko na maging girlfriend itong si Chloe.
Nang makarating kami sa loob ng enchanted kingdom ay naglibot muna kami sa loob para makapili ng gusto naming ride na sasakyan. Ako na mismo ang gumawa ng paraan para magkahawak ang aming kamay habang iniikot ang lugar. Nang makapili kami ay kaagad kaming pumila para makasakay sa gustong ride ni Chloe pero laking gulat ko nang may biglang umakbay sa akin. Isang lalaki na halos kasing tangkad ko lang habang nakasuot ng maluwag na white shirt at skinny-ripped jeans habang suot suot ang agaw pansin na shades.
"Miss me?" sabay ngiti sa akin.
Anong ginagawa niya dito?
Itutuloy...
A/N: Masasanay din kayo sa late update na to dahil binibuild up ko pa lang ang story at ang relasyon ng dalawa nating bida.
Thank you sa lahat ng nagvovote palagi. Wag kayong magsasawang magVOTE.
BINABASA MO ANG
The Curse of Fuentes Kiss (BL)
Romansa"Siraulo lang ang maniniwala sa sumpa na yun. Malabong magkagusto ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na babae pa rin ang gusto ko. Pero bakit siya na lang lagi ang nasa isipan ko?" -Gunter Kaya bang baguhin ng isang halik ang lahat? Status: Co...