Chapter 19: Hidden desire

5.6K 357 50
                                    

Dylan as Lance

Gunter's POVNaging masarap ang aking pagtulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Gunter's POV

Naging masarap ang aking pagtulog. Tila ang gaan-gaan ng aking pakiramdam. Hindi ko lubos na maisip kong papano ko nagawa ang lahat ng mga nangyari kagabi. Unti-unti kong dinilat ang aking mata at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Lance. Kasalukuyang nakaakap pa rin sya sa akin at ako naman ay ganun din sa kaniya. Ilang sandali pa nang yakapin niya ako nang husto at ang mukha ko ay nakadikit na sa kaniyang leeg. Muli kong pinikit ang aking mata at dinama ang bawat sandali na magkayakap kaming dalawa. Sa bawat paghinga ko ay naamoy ko ang natural niyang amoy. Habang tumatagal ay para akong nahuhumaling sa kaniyang amoy kaya mas lalo ko pang nilapit ang aking ilong para malayang malanghap ito. Nagsilbing pangpakalma sa aking katawan at isipan ang kaniyang amoy na nagparelax sa akin at naging dahilan para ako'y makatulog muli.

"Anong oras na Gunter at bakit hindi ka pa bumabangon dyan?" narinig kong pagsigaw ni Ate Pritz. Napabalikwas ako sa aking kama at tinakpan ang aking katawan dahil alam kong wala akong saplot ngayon.

"Anong nangyayari sayo?" gulat na tanong ni Ate Pritz dahil bigla talaga akong napatayo mula sa aking kama. Tiningnan ko ang aking ayos at saka ko lang napagtanto na may suot-suot na akong damit. Ngayon ay may suot na akong damit at pati underwear saka boxer shorts ay suot-suot ko na rin.

"Ahh wala ate... masama lang ang naging panaginip ko" pagsisinungaling ko habang pilit na tumatawa. Mabilis namang nakalusot sa kaniya ang pagdadahilan ko.

"Kanina ka pa daw ginigising ni Lance at ayaw mong magising. Anong oras na? Lumabas kana para masamahan mo si Lance na mag-almusal!" utos ni ate at kaagad naman siyang lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas niya ay saka ako naupo sa aking kama at huminga nang malalim dahil akala ko talaga ay naabutan ako ni ate na walang saplot.

Tumayo na ako mula sa aking kama nang marinig ko ang muling pagtawag sa akin ni Ate Pritz. Nakapasok na pala siyang muli nang hindi ko namamalayan at lumabas din kaagad. Kinuha ko ang tuwalya ko para gamiting pamunas sa aking mukha pagnatapos akong maghilamos. Nakita ko kaagad sa bungad ng pinto si Lance. Nakatingin siya sa akin habang kagat-kagat niya ang pang-ilalim niya na labi habang nakangiti. Mukhang pinipigilan niya ang ngumiti o matawa dahil alam niya kung bakit ganun ang naging reaksyon ko sa pagpasok ni ate sa kwarto ko. Nagawa niya pang tingnan ako mula ulo hanggang paa na para bang may masama siyang binabalak. Napailing na lang ako sa kaniya dahil hindi ko malaman kong matatawa ako o maiinis sa kaniyang inaasal. Pagkalabas ko ng kwarto ay bigla na lang niyang hinawakan ang likuran ng aking ulo at nilapit niya ang sarili sa akin.

"Good morning" sabi niya matapos niyang halikan ang aking noo. Mabilis ko siyang tinulak dahil sa kaniyang inasal.

"Gago ka, makita ka ni ate!" sabi ko sabay tingin sa paligid namin dahil baka nakita ni ate ang ginawa ni Lance.

"Wala na sa banyo siya ngayon" sabi niya habang nakangiti. Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya at nagtungo na lang ako sa lababo para makapaghilamos.

Walang nagbago sa mga lumipas na araw dahil halos gawing bahay na rin ni Lance ang bahay namin. Ang nakakapagtaka lang talaga kay ate ay hindi man lang siya nagrereklamo na laging nakatambay sa amin si Lance. Sa mga pagkakataong kaming dalawa lang ang magkasama ay kinukuha niya ang pagkakataon para molestyahin niya ako. Lalong lalo na noong mga huling araw ng bakasyon namin dahil dinala niya ako sa kanilang bahay. Inaya niya kasi akong maglaro ng mga bagong games sa PS4 niya pero imbes na maglaro ay puro panghahalay ang ginawa niya. Hindi naman na ulit ang nangyari sa amin nang gabi nay un dahil hanggang paghalik at paghaplos lang ang ginagawa niya sa akin dahil ayaw niya daw akong madaliin. Pero taliwas ang mga sinasabi niya sa ginagawa niyang panghahalay sa akin. May parte ng kalooban ko na gustong itigil ang mga kalokohang ginagawa niya sa akin pero sa tuwing dumadampi ang kaniyang labi sa aking labi ay tila napapasunod niya ako sa lahat ng gusto niyang mangyari.

Sumapit ang pasukan at lalo siyang naging clingy. Halos pati pagpunta ko sa banyo ay sinasamahan pa niya ako. Tumindi tuloy lalo ang usap-usapan na may namamagitan na sa aming dalawa dahil sa inaasal niya. Hindi naman ganun kalayuan ang banyo mula sa aming classroom pero kapag siya ang kasama ko ay inaabot kami ng 15-20 minutes bago makabalik sa classroom. Pag-ihi lang talaga ang rason ko para pumunta sa banyo pero kapag siya ay nakabuntot sa akin ay bigla na lang niya akong dadalhin sa bakanteng cubicle at saka niya ako papaulanan ng halik. Katakot-takot na paliwanag ang ginagawa ko sa tuwing bumabalik kami ng classroom. Ang nakakainis pa ay hindi siya nagpapaliwanag dahil ang nagiging sagot niya ay kung ano daw ang dahilan ko yun din daw ang kaniya. Itong mga kaklase ko na imbes na tumulong na maitawid ang palusot ko ay gumagatong pa kaya naghihinala na din ang mga teachers namin.

May pagkakataon na bigla na lang niyang hahawakan ang aking kamay habang maraming taong nakakakita sa amin. Para sa kaniya ay normal lang ito pero sa akin ay hindi. Ilang beses ko siyang pinagsabihan pero paulit-ulit niyang ginagawa. Hanggang sa magsabi ako na imbes na paghawak sa aking kamay ay hinahayaan ko siyang akbayan na lang ako at ganun na nga ang kaniyang ginagawa. Kapag wala kami sa classroom ay lagi siyang nakaakbay sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay may nadagdag sa bag ko na mabigat na bagay na araw-araw kong pinapasan. Hindi mawawala ang pagtinginan kami ng maraming tao. Habang tumatagal ay mas marami ang nagiging FAN kuno ng tamabalan namin. Isang beses na may makasalubong kaming dalawa na ubod ng harot at hindi ko mapigilang matawa sa kanila.

"Baklaaaaaa... ayan na sila jusko!!" sigaw ng isang bakla sa kaniyang kaibigan na parang mahihimatay sa kilig.

"Kaloka tehh laglag na yung panty ko sa kilig" sagot ng kaibigan niya. Kahit na malayo pa kami sa kanila ay rinig na rinig ko ang kanilang usapan dahil sa lakas ng kanilang boses. Pinigilan ko ang aking sarili na wag matawa pero napangiti pa din ako. Samantalang si Lance ay derecho lang ng tingin habang kami ay naglalakad sa hallway.

"Gaga wala kang panty. Brief ng tatay mo yang suot mo kaya lawlaw!" sagot ng kaibigan niya. Muntikan na akong humagalpak sa kakatawa habang naglalakad kami pero nagawa ko pa ring magpigil. Sa inis ng kaibigan niya ay pinagpapalo niya ito at umakmang sasabunutan ang kaniyang kaibigan. Nagpang-abot sa dinadaanan namin ang harutan nila at muntikan na akong maatrasan ng isa bakla pero nagawa akong hatakin ni Lance papalapit sa kaniya. Nakapatong pa ang kaniyang kanang kamay sa aking dibdib habang yakap-yakap niya ako. Kita ng karamihan ang ginawang paghatak sa akin ni Lance na naging sanhi ng hiyawan ng mga kababaihan at mga binabae.

"Sana all!" sigaw ng isang babae.

"Sana oil!" dugtong naman ng isang bakla.

"Sana oil, hope oil, baby oi" sabi ng isa pang bakla na natigil sa kaniyang pagsasalita nang masampal siya ng kaniyang kaibigan sa mukha.

"Uhhm bakla ka, kaka sana oil moa ng oily na ng mukha mo!" sabi niya sabay punas sa ng kamay niya sa uniform nito. Hindi ko na talaga napigilang matawa sa kanila dahil nagsakitan na naman silang dalawa. Habang ako ay tumatawa ay hindi ko namalayan na dahan-dahan na pala akong hinahatak palayo ni Lance. Nang ako ay mahimasmasan sa kakatawa ay tumingin ako sa kaniya na para bang bagot na bagot siya habang nakatingin sa akin. Ang kaniyang tingin ay para bang tinatanong kung ano bang nakakatawang bagay ang nasaksihan ko para tumawa ako ng ganun.

Gusto kong maging normal lang ang pagtingin sa amin ng mga tao sa school. Na para bang walang namamagitan sa aming dalawa. Mas gusto ko pa yung paliwanag ng iba na bromance lang ang meron kami. Sa ganong lagay kasi ay wala masyadong mangingialam sa buhay naming dalawa. Wala masyadong expectations at hindi masyadong maissue. Isang araw ay nasa roof top kaming dalawa ni Lance kung saan madalas kaming kumain kapag lunch break.

Simula ng bumalik kami sa school ay lagi niya na lang akong kinocorner dito sa taas at saka niya ako sisiilin ng halik. Ang pinakaayaw ko pa ay madalas niya tong ginagawa pagkatapos naming kumain. Halos malasahan pa namin ang kinain ng isa't isa pero wala lang sa kaniya yun. Samantalang ako ay naiilang dahil para akong nakikipaghalikan ng hindi pa nakakapagsipilyo. Ang kaniyang mga kamay ay nasa pagitan ng aking ulo na nagsisilbing harang para hindi ko malayo o maiwasan ang kaniyang paghalik. Bawat paggalaw ng kaniyang labi ay sobra sobrang kaligayahan ang dinudulot nito sa akin. Para bang uhaw na uhaw ako sa kaniyang mga halik kahit na halos araw-araw naming ginagawa ito. Hindi ko napigilan ang aking sarili at humawak pa ako sa bawat dulo ng kwelyo ng kaniyang uniform para mapalapit siya ng lubusan sa akin. Ramdam ko ang kaniyang pagngiti habang kami ay naghahalikan. Habang kami ay nalalango sa labi ng isa't isa ay hindi namin namalayan na may tao na palang nakasaksi sa aming ginagawa.

"Sorry" ang tanging nasabi ni Ailene nang magtagpo ang aming paningin. Kaagad kong natulak si Lance palayo sa akin dahil sa gulat ko. Bago ako makapagsalita ay nakaalis na kaagad si Ailene. Saktong pag-alis ni Ailene ay muling lumapit sa akin si Lance para ipagpatuloy ang ginagawa naming dalawa na para bang walang nakasaksi sa aming ginawa. Nagawa niya ilapat ang kaniyang labi sa aking labi pero sa sumunod na sandali ay iniwas ko ang aking mukha para pigilan siya kaya ang kaniyang halik ay tumama sa aking pisngi. Nagawa niya akong yumakapin. Hindi pa rin siya natigil at hinalikan niya ang aking pisngi pababa sa aking panga hanggang sa makarating ang kaniyang halik sa aking leeg. Ilang sandali siyang nanatili sa aking leeg hanggang sa malalim na paghinga na lang ang nararamdaman ko sa kaniya. Walang siyang ginawang kakaiba kaya nagtaka ako at nang tingnan ko siya ay nakatulog na pala ang gago.

Sa mga lumipas na araw ay hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkailang sa tuwing magtatagpo ang paningin namin ni Ailene. Mukhang wala pa naman siyang pinagsabihan sa kaniyang nasaksihan. Kagaya ni Ailene ay parang wala lang din kay Lance na may nakakita sa aming ginagawa at ganun pa rin ang kaniyang pakikitungo sa bawat isa. Napansin siguro ni Ailene ang pag-iwas ko sa kaniya kaya sa sumunod na araw nilapitan niya ako. Sinabi niya sa akin na wala siyang pinagsabihan sa kaniyang nakita at hindi na daw bago sa kaniya ang bagay na yun. Dati-rati pa raw niya kaming napapansin na sabay magbreak ni Lance sa rooftop na para bang may sarili kaming mundo. Ayon sa kaniya ay nagpunta siya doon para ayain kami ni Lance na kumain kasama ng mga kaklase namin sa cafeteria dahil birthday ng isang kaklase namin pero hindi niya inaasahan ang kaniyang nasaksihan. Nagpatuloy siya ng pagkwento sa mga bagay na nasaksihan niya kagaya ng sa amin. Naaliw ako sa mga kwento niya at ang iba pa ay sobrang nakakatawa. Kapwa kaming natahimik nang maubusan siya ng ikukwento.

"Alam mo bang ganyan na ganyan si Lance kumilos kapag in-love siya?" bigla sabi ni Ailene. Nagulat ako sa kaniyang sinabi kahit na alam kong may idea na siya na may namamagitan sa amin ni Lance.

"Pa-pano mo naman nasabi?" nauutal pa ako habang nagtatanong.

"Noong main-love kasi si Lance sa isang estudyante dito sa school ay ganyan na ganyan ang kinikilos niya. Alam mo bang maraming nagsasabing bagay na bagay sila dahil para silang angel at devil na couple. Kilala mo na kung sino ang devil" sabi pa niya habang natatawa at nagpatuloy sa pagkukwento.

"Sobrang ganda at bait ni Euphy kaya siguro nahulog ang loob sa kaniya ni Lance. Simula nang maging sila ni Euphy ay naging matino si Lance. Natigil ang pagiging bully nya at makikita mong laging masaya habang kasama si Euphy. Dun ko napatunayan na kayang kaya talagang baguhin ng pag-ibig ang puso ng isang tao" damang dama ko ang pagkukwento ni Ailene dahil para siyang nasa broadway kung magkwento dahil may hand gestures pa siya na nagmumukha siyang ewan pero nakakatuwa siyang pagmasdan.

"Bakit pala sila naghiwalay?" hindi ko mapigilang itanong.

"Sa europe na mag-aaral si Euphy dahil malubha ang sakit ng kaniyang lola na hinihiling na makasama siya" ang kaninang masaya niyang pagkwento ay naging malungkot na.

Napaisip ako kung may naging maayos na closure ba ang paghihiwalay nina Lance at Euhpy. Wala kasing nabanggit si Ailene dahil sa pagkakataong magtatanong ako sa bagay na yun ay biglang dumating si Lance. Matagal na kaming nagkakasama ni Lance pero ni minsan ay hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol kay Euphy. Nagawa niya akong tanungin tungkol sa mga ex ko pero hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol kay Euphy na naging ex niya na dating nag-aaral sa school na to.

Unti-unti kong napapansin ang pagbabago sa kinikilos ni Lance dahil kapansin-pansin na mas nagiging matured ang kaniyang kinikilos. Wala na siyang panahon na mambully o mang-asar ng ibang tao. Hindi na ganun ka mainitin ang kaniyang ulo. Madalas ko rin siya nakikitang nakangiti o tumatawa kapag kaming dalawa ang magkasama na taliwas niyang pinapakita sa ibang tao. Siguro gusto niyang ipakita sa karamihan ang cool side niya kahit na nagiging cold na kinikilos niya sa ibang tao. Kapag kaming dalawa lang ang magkasama ay para siyang isip bata na maraming naiisip na kalokohan at mga bagay na magagawa para pagtripan ako. Habang tumatagal ay nawawala na sa isipan ko ang tungkol kay Lance at Euphy hanggang sa isang araw na muling magtagpo ang kanilang landas.

"Lancelot!!!!! Hey Lancelot!!!" sigaw ng isang babae. Bago pa man ako makalingon ay bigla na lang may yumakap sa likuran ni Lance. Dahil sa bigla niyang pagyakap ay napakalas ang pag-akbay sa akin ni Lance. Pagtingin ko sa babae ay hindi ko napigilan ang aking sarili na mapamangha sa ganda ng babaeng nakayakap kay Lance. Para siyang anghel sa sobrang amo ng kaniyang mukha.

"Hey Lancelot, I miss you!" sabi niya nang mahawakan niya ang pisngi ni Lance na at nagagawa niya pang kurot-kurutin ito. Nagulat na lang ako nang biglang nilapit ng babae ang mukha niya kay Lance at balak pa atang halikan si Lance. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sandaling yun dahil tila huminto ang oras para sa kanilang dalawa at ako ay napako sa aking kinatatayuan para panoorin sila. Bago pa man maglapat ang kanilang mga labi ay mabilis nahawakan ni Lance ang pingi ng babaeng yumakap sa kaniya at hinalikan ito sa kaniyang noo.

"Welcome back, Euphy" masayang sabi ni Lance matapos niyang halikan ito sa kaniyang noo. Para bang huminto ang oras sa kanilang dalawa na di alintana ang daming tao na nagkukwentuhan sa kanilang paligid. Masaya silang nag-uusap na para bang sila lang tao sa mundo. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang at pakiramdam ko ay wala ng dahilan para manatili pa ako dito kaya nagtangka akong umalis. Bago pa man ako makaalis ay nagawang hawakan ni Lance ang aking braso at mabilis akong inakbayan.

"Nga pala Euphy, ito si Gunter yung sinasabi ko sayo" biglang nagulagt si Euphy nang banggitin ni Lance yun at mabilis namang ngumiti para batiin ako.

"Hi, nice meeting you" sabi niya at bigla niya akong niyakap. Hindi ako kaagad nakakilos dahil sa ginawa niya. Nang mayakap ko siya ay naamoy ko ang kaniyang gamit na pabango na sobrang sarap sa pang-amoy. Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay saka ko lang napagmasdan ng husto ang kaniyang pagmumukha. Sobrang ganda niya at napakaganda ng kaniyang kutis. Sobrang nakakadala ang kaniyang pagngiti na hindi mo maiwasang mapangiti habang nakatingin ka sa kaniya. Malabong walang lalaking hindi magkakagusto dahil sa gandang taglay niya at sa kagandahan ng kaniyang kalooban. Kaya ngayon ay napagtanto ko na kung bakit sobrang minahal ni Lance si Euphy.

Matapos ang maikling kwentuhan ay nagpaalam sa akin si Lance at Euphy na aalis daw silang dalawa. Makikipagkita daw si Euphy sa daddy ni Lance at ihahatid din ni Lance si Euphy sa kaniyang condo pagkatapos nito kaya hindi na matutuloy ang plano namin na magmomovie marathon. Wala naman akong nagawa kundi ang sumang-ayon dahil alam kong namiss nila ang isa't isa at bakas yun sa kanilang mga mukha.

Naging bali-balita ang pagbabalik ni Euphy sa school kaya naman ang kwento tungkol sa aming dalawa ni Lance ay mabilis na naglaho. Nang maging kaklase namin si Euphy ay nagkaroon ng adjustment sa seating arrangement namin dahil hiniling ni Euphy na magkatabi sila ni Lance kaya naupo siya sa pagitan naming dalawa. Pansin naman ng bawat isa ang pagiging malapit ni Lance at Euphy dahil dati rin silang magkasintahan. Wala mang pagkompirma sa dalawa ay mukhang nagkabalikan na silang dalawa dahil sa kanilang kinikilos. Malaki rin pinagbago ni Lance simula nang dumating si Euphy sa school. Siguro ang malaking pagbabago ay yung pakikitungo niya sa akin. Dahil hindi na niya ako masyadong inaakabayan dahil madalas na silang magkaholding hands ni Euphy. Hindi na namin nagagawang kumain ng sabay dahil sabay na rin silang dalawa kumain sa aming tambayan. Hindi ko alam kung ginagawa nila ang ginagawa namin ni Lance sa tuwing nasa roof top kami pero ayoko na ring malaman. Baka nga siguro dati na nilang ginagawa yun bago pa kami magkakilala.

Habang lumilipas ang araw ay nagiging malapit kami sa isa't isa ni Euphy buhat nang magkatabi kami ng upuan. Sobrang bait niya at sa kabila nang mahinhin niyang kilos ay nagtagago ang pagiging palaban niya. Hindi lang ang kaniyang ngiti ang nakakahawa dahil maging ang kaniyang pagtawa ay may kakaibang dala rin na sobrang nakakagaan ng loob. Habang tumatagal ay hindi ko namamalayan na unti-unti na palang nahuhulog ang aking loob kay Euhpy.

Isang linggo ang lumipas simula nang dumating si Euphy ay malaki ang pagbabago sa samahan namin ni Lance. Ang mga dati naming ginagawa ay hindi na namin nagagawa. Maging si Ate Pritz ay nagtatanong kung may matindi ba kaming pinagtalunan ni Lance dahil hindi na raw natutulog sa amin si Lance. Dahil sa muling pagsasama ni Lance at Euphy ay wala na akong masyadong nakakasabay tuwing break time. Pero nagbago ang lahat ng yun nang kausapin ako ni Ailene para sumabay sa akin sa tuwing lunch. Naging malapit kami sa isa't isa na para bang dati na kaming magkaibigan at muling pinagtagpo makalipas ng ilang taon. Sobrang komportable namin sa isa't isa dahil siguro walang masyadong kaartihan si Ailene sa katawan. Aaminin kong maganda si Ailene kaya nakakapagtaka na walang nanliligaw sa kaniya. Ang dahilan niya naman ay masyadong isip bata pa ang mga lalaking nanliligaw sa kaniya kaya hindi niya sinasagot ang mga to.

Isang araw ay inaya kaming dalawa ni Ailene na sumama sa Enchanted kingdom para mag double date. Tatanggi sana ako dahil mali ang inaakala ng karamihan sa pagiging malapit namin ni Ailene sa isa't isa. Pero bigla na lang sumang-ayon si Ailene kaya hindi na ako tumanggi para hindi siya mapahiya. At sa pagsapit ng araw ng nasabing double date namin ay parang tuko kong makakapit ang dalawa sa isa't isa dahil halos hindi sila mapaghiwalay. Hindi ko naman inaasahan na biglang hahawakan ni Ailene ang aking kamay habang kami ay naglalakad. Noong una ay naiilang ako pero dinirecho ko na lang ang aking paningin dahil ayokong ipahiya si Ailene. Sa ayos namin ngayon ay hindi malabong mapagkalaman kaming magkasintahan. Nang mapansin ni Lance na magkahawak kamay kami ni Ailene ay bigla na lang kumunot ang noo nya at nang mapansin ko ito ay kaagad niyang binaling sa iba ang kaniyang paningin.

Iba't ibang rides na ang sinakyan namin at tila walang kapaguran ang dalawa naming kasamang babae. Sobrang namiss siguro ni Euphy ang pilipinas kaya sobrang saya niya ngayon. Pero marami din naman sigurong rides na ganito sa Europe, yun ay siguro dahil kasama niya ngayon si Lance. May mga pagkakataong hinahalikan ni Euphy si Lance sa pisngi at tanging pagngiti ang nagiging tugon ni Lance. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit kay Lance. Ano kayang pakiramdam nang mahalikan ng isang babae na kagaya ni Euphy? Gaano kaya kasarap sa pakiramdam ang hawakan ang kaniyang kamay sa harap ng maraming tao? Ano kaya ang pakiramdam ni Lance sa tuwing niyayakap siya ni Euphy? Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa dalawa at nakalimutan kong hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Ailene.

Nang mapagod ang lahat sa kakaikot at kakasakay sa kung ano anong rides ay naisipan naming kumain na. Maging sa pagkain ay sobrang sweet ni Euphy kay Lance. Napakaswerte ni Lance kay Euphy dahil kong ako sa kaniya ay hindi ko na siya pakakawalan pa. Kung kasing yaman ko lang sila Lance ay susundan ko si Euphy kahit na sa Europe pa ako mag-aral basta magkasama lang kami. Pagkatapos naming kumain ay inaya ni Euphy si Ailene na magtungo sa banyo. Naiwan kami ni Lance na magkaharap sa mesa.

"Di mo naman nasabi na sobrang ganda pala ng ex mo" masaya kong sabi pero taliwas ang naging reaksyon niya.

"At ngayon kayo na ulit, mukhang tinadhana talaga kayo para sa isa't isa" dugtong ko pa para mapagaan ang usapan pero mas lalong kumunot ang kaniyang noo.

"Sino naman nagsabi sayo na kami na ulit?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko.

"Ba-bakit hindi ba?" naiilang kong tanong dahil mukhang totoo ang sinasabi niya.

"Hindi pa kami nagkakabalikan ni Euphy, sadyang ganyan talaga siya ka sweet sa akin" kwento niya habang iniiwasan ang tingin ko.

"Ahh.. okay... Kung ako sayo ligawan mo na siya baka maunahan ka pa ng iba" pagbanggit ko nun ay muling napako ang kaniyang paningin sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya at biglang tumaas ang tono ng boses niya.

"Syempre sa ganda ba naman ni Euphy malamang maraming nagkakagusto sa kaniya at" hindi pa ako tapos magsalita nang muli siyang sumagot.

"At isa ka sa mga yun, tama ba?" nabigla ako nang tanungin niya ako kaya hindi kaagad ako nakakibo. Mukhang sapat na sa kaniya ang hindi ko pagkibo sa sagot na inaantay niya kaya tumayo siya para umalis pero bago siya makalayo ay pinigilan ko siya.

"Wait Lance! Ayaw kong manghimasok pero ang akin lang ay sana wag mo nang saktan si Euphy dahil hindi niya deserve yun. Alam kong naging malayo kayo sa isa't isa pero hindi naman siguro dahilan yun para hiwalayan mo siya" hindi ko alam kung bakit ko nasasabi ang mga bagay na to pero alam kong dapat ko nang itigil ito.

"So sinasabi mo bang mas deserving ka sa kaniya?" hindi ko alam kung bakit yun ang naging tanong sa akin ni Lance dahil hindi naman ganun ang nais kong ipahiwatig at nakagawa ako nang malaking pagkakamali nang sumagot ako ng.

"Oo" matapos kong banggitin yun ay hinawakan niya ako sa aking kwelyo. Napapikit ako dahil ang buong akala ko ay sasaktan niya ako. Binitawan niya ako nang marinig niya ang pagsigaw ni Euphy. Pagkatulak niya sa akin ay kaagad siyang naglakad palayo sa amin.

Sinundan ni Euphy si Lance at ako naman ay sinamahan ni Ailene. Sobra akong nahihiya kay Ailene dahil alam kong hindi ito ang gusto niyang mangyari sa araw na to pero mukhang sinira ko hindi lang ang araw niya kundi ang araw nilang tatlo. Sabay kaming umuwi ni Ailene dahil nauna na si Lance at Euphy. Sa aming byahe ay hindi siya nagtanong kung anong nangyari dahil ako naman ay wala rin sa mood para makipag-usap. Nagpresenta akong ihatid siya pero sinabi niyang mas komportable siyang umuwi mag-isa kaya hindi na ako nagpumilit.

Sa araw ng linggo ay hindi ako mapakali sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung papano sila haharapin bukas dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung papano ako hihingi ng tawad. Pansin ni ate ang kakaibang kinikilos ko pero hindi naman niya ako kinukulit kapag ayaw ko nang pag-usapan. Maging sa pagkain ng hapunan ay naging matamlay ako na para bang kumakain ako ng pagkain habang may sakit. Nagawa pa ngang kapain ni ate ang noo ko para malaman kung may sakit ba talaga ako. At sa aking paghiga sa kama bago matulog ay yun pa rin ang pumapasok sa isipan ko. Nagpatugtog ako sa aking cellphone para mabaling sa iba ang aking isipan at napagtagumpayan ko ito nang makaramdam ako ng antok.

Sa aking pagnaginip ay tila hindi pa rin ako nakakatakas sag galit ni Lance. Kahit na nakahiga na ako sa aking kama ay nakikita ko pa rin ang mukha niya. Hawak-hawak niya ang aking damit na para bang gigil na gigil sa galit dahil sa higpit ng pagkakakapit niya. Taliwas naman ang pinakita ng kaniyang mukha dahil nanatiling maamo ito habang nakatingin sa akin. Ilang sandali pa ay bigla niya nalang pinaglapit ang aming mga labi. Habang marahan niya akong hinahalikan ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil napakamatutuhanan nang panaginip na to. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang labi at ang kaniyang mainit na hininga. Habang lumalim ang kaniyang paghalik ay biglang nanumbalik ang alaala ko nang magkasama si Lance at si Euphy sa Enchanted kingdom. Yun yung sandaling hinahalikan ni Euphy si Lance sa pisngi at tanging pagngiti ang nagiging tugon ni Lance. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit kay Euphy.

Ano kayang pakiramdam ang mahalikan ang isang lalaki na kagaya ni Lance kung saan hindi kailangang magtago sa iba? Gaano kaya kasarap sa pakiramdam ang hawakan ang kaniyang kamay sa harap ng maraming tao? Ano kaya ang pakiramdam ni Euphy sa tuwing niyayakap niya si Lance na para bang wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba?

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon