Chapter 24: His Highness

4.8K 268 25
                                    

Darren as Gunter

Gunter's POVAng buong akala ko ay hindi na ako kakausapin ni Ate Pritz simula nang umamin si Lance sa kaniya tungkol sa namamagitan sa aming dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Gunter's POV

Ang buong akala ko ay hindi na ako kakausapin ni Ate Pritz simula nang umamin si Lance sa kaniya tungkol sa namamagitan sa aming dalawa. Sa totoo lang ay hindi pa ako handa para sabihin iyon sa kaniya dahil maging ako ay hindi pa ganun kahanda sa ganitong klase ng relasyon. Aminado naman ako na mahal ko si Lance pero sadyang bago pa sa akin ang ganitong klaseng relasyon. Marahil natatakot akong mahusgahan kaming dalawa kaya mas gusto kong huwag munang ipaalam sa iba.

Hindi naman nagbago ang pakikitungo sa akin ni Ate Pritz dahil nariyan pa rin ang pagkakataon na pinapagilatan niya ako kapag sinusuway ko ang kaniyang utos. May pagkakataong nahihiya akong kausapin siya lalong lalo na kapag tatanungin niya ako tungkol kay Lance. Panay ang tanong niya kung bakit hindi pumupunta si Lance dito sa bahay. Kung ano anong dahilan ang pinagsasabi ko sa kaniya para lang maiwasan ang pagpunta ni Lance dito sa bahay. Una ayokong magkainitan sila ni ate at pangalawa natatakot talaga ako. Nakakahiya mang aminin pero lahat ay ginagawa ko para lang makaiwas kay Lance. Natatakot kasi akong baka pagkaming dalawa lang ang magkasama ay maulit muli yung nangyari sa aming dalawa.

Maging sa pagbalik ko sa eskwelahan ay hindi pa rin nawawala sa akin ang mangamba dahil mas lalong naging komportable si Lance buhat nang pagsang-ayon ni Ate Pritz sa aming relasyon. Sa katunayan ay masaya akong malaman iyon dahil hindi rin kaya ng konsensya ko ang magsinungaling palagi sa nag-iisa kong kapatid. Sa ngayon ang tangi inaalala ko ay kung papano kami magsasama ni Lance na hindi mahahantong sa kakaibang bagay ang pagsasama. Masyadong naging mabilis ang relasyon namin ni Lance at hindi ko rin inaasahang hahantong kami sa bagay na yun. Ang buong akala ko ay masisiyahan ako kapag tumagal pero puro sakit lang ang naramdaman ko hanggang sa matapos kami. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako kung anong idadahilan kay Lance para maiwasang maulit ang bagay na yun.

"Hoy kanina pa kita kinakausap" sambit ni Lance sabay tapik sa aking balikat. Hindi ko namalayan na kanina pa pala niya kinakausap. Masyado akong nawawala sa tuwing naiisip ko ang bagay na yun. Lumingon ako sa kaniya na tila nagtatanong sa bagay na kaniyang sinabi.

"Ang sabi ko kanina ay" nilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tenga para marinig ko ito ng husto.

"I love you!" bulong niya sa akin. Kahit na mahina lang ang pagkakabanggit niya ay nabahala pa rin ako na baka may taong makarinig sa likuran namin kaya sinuko kaagad siya palayo sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya naman ay tumatawa habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib kung saan tumama ang siko.

"Eto naman hindi mabiro" sambit niya nang makahabol siya sa akin. Muli nyang binalik ang pag-akbay niya sa akin at patuloy na naglalakad. Hindi na bago sa amin ang pag-usapan sa hallway sa tuwing kami ay magkasama ni Lance. Hanggang ngayon ay naiilang padin ako sa tuwing may kukuha ng larawan naming dalawa kapag kaming dalawa ang magkasama.

"Ang sabi ko kanina ay nakapagpaalam na ako kay Ate Pritz na dun ka matutulog sa bahay kapag wala tayong pasok" dugtong niya na ikinabahala ko.

"Haa? Kakabalik ko pa lang sa school, marami akong dapat pag-aralan sa weekend para makahabol sa klase at isa pa kailangan kong makabawi kay ate" pagdadahilan ko sa kaniya ngunit hindi siya nagpatalo.

"Akong bahala sayo dahil sinigurado kong nakapagsulat ako ng mga notes sa bawat subject na meron tayo. Tuturuan kita sa bahay hanggang sa matuto ka" sabi niya sabay kindat sa akin.

"Kailangan kong tumulong sa gawaing bahay dahil marami-rami na rin ang nakatambak na labahin at ayokong mapagod ng husto si ate" pag-apila ko.

"Naipadala na sa laundry shop ang lahat ng mga labahin nyo kaninang umaga at balita ko ay may team building ang opisina nila Ate Pritz sa sabado hanggang linggo kaya siya pumayag sa bahay ka matutulog sa weekend" ramdam ko na kaagad ang masama niyang binanalak dahil malayo pa ang weekend pero yung ngiti niya ay halos hindi na mawala sa kaniyang mukha.

"Malabong mangyari yun dahil hindi mahilig si Ate Pritz sa ganiyang bagay dahil mas gugustuhin nun na manoond na lang ng K-Drama kaysa bumiyahe sa malayong lugar at mapagod" tugon ko dahil alam kong hindi naman talaga mahilig si ate sa ganong bagay.

"Syempre mapipilitan siyang sumama dahil balita ko ay magiging bisita nila si Dad" muli akong napalingon sa kaniya dahil hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"Kahit ako ay hindi makapaniwala pero si Ate Pritz mismo ang nagsabi sa akin" pagkasabi niya ng mga yun ay tila nawalan na ako ng lakas para makipagtalo sa kaniya. Wala naman siyang dahilan para magsinungaling sa akin. Ginulo niya ang aking buhok nang mapansin niya ang pananahimik ko. Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Iniisip ko kung papano maiwasan ang bagay na yun. Pano kaya kung wag akong magtooth brush para mawalan siya ng gana? Kaso mukhang hindi gagana dahil nagawa niya akong halikan kahit na mabaho ang hininga ko. Eh kung magpanggap kaya ako na may diarrhea? Baka sakaling maiwasan pa namin yun dahil sino bang gugustuhing makipagtalik sa may diarrhea? Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nakaisip na ako ng pangontra sa kaniya.

"Kanina pa kita inaantay" kapwa kaming napatigil sa paglalakad nang marinig namin ang boses ng isang lalaki.

"Dad?" nagulat ako nang sambitin ni Lance yun at kaagad akong napatingin sa lalaking nasa harapan namin. Siya nga ang daddy ni Lance. Sa sandaling iyon ay hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako na baka mamukhaan niya ako kaya nanatili lang akong nakatingin at hindi makapagsalita.

"I was hoping na kasama mo si Georgina ngayon" nang sabihin ng kaniyang daddy ang mga salitang iyon ay bigla na lang napunta sa akin ang kaniyang atensyon. Dapat sa sandaling iyon ay binabati ko na siya para hindi niya ako paghinalaan pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko magawang makapagsalita.

"You seem familiar, have we met before?" dugtong pa niya na lalong nagpakaba sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa mga tingin niya pa lang ay tila kinikilatis na niya ang buong pagkatao ko. Alam ko sa sandaling iyon ay nabuko na niya ang pagpapanggap namin ni Lance. At sa sandaling magsasalita na ako para humingi ng tawad ay bigla na lang sumagot si Lance.

"Ahhh.. Dad meet my friend Gunter. Ngayon nyo pa lang po siya nakita pero madalas ko na siyang sinasama sa bahay para mag-aral at minsan ay tumambay" sabi ni Lance pero mukhang hindi pa rin kumbinsido ang kaniyang daddy dahil hindi pa rin mawala-wala ang kaniyang paningin sa akin.

"Kapatid po siya ni Priscilla na isa sa mga empleyado nyo kaya siguro namumukhaan nyo" dugtong ni Lance at biglang nagliwanag ang mukha ng kaniyang daddy.

"I knew it! Kaya pala medyo namumukhaan kita yun pala ay kapatid ka ni Priscilla" masayang sabi ng kaniyang daddy at ako naman ay napilitang ngumiti.

"That woman is such a gem, magaling at sobrang sipag pagdating sa trabaho" dugtong niya at ako naman ay napangiti habang tumatango bilang pagsang-ayon sa kaniyang pagpuri kay ate.

"By the way, kamusta ka na pala? Nag-leave ang ate mo last week para daw bantayan ka" tanong niya at bago ako sumagot ay lumingon muna ako kay Lance. Tumango siya sa akin para ipahiwatig na maaari na akong magsalita.

"Maraming salamat po. Maayos na po ang kalagayan ko at salamat din po pala sa pagbigay ng pahintulot kay ate" bahagyang yumuko ako bilang pagbigay ng galang.

"Don't mention it. She deserved it kaya binigay ko sa kaniya yun. Sana makapag-usap tayo minsan kapag nagpunta ka pero mukhang magiging bihira lang ang pagkakataon na yun" tugon niya habang tinatapik ang aking braso.

"Naiintindihan ko po dahil alam kong sobrang busy nyo pong tao" sagot ko at mabilis siyang umiling habang nakangiti.

"Mas mapapadalas ang pag-uwi niya sa kaniyang girlfriend sa bahay kaysa magdala ng barkada" gamit ang kaniyang kanang kamay ay nagkunwari pa siyang bumubulong habang sinasabi sa akin ito.

"I can hear you, dad" tugon ni Lance at nagtawanan naman ang mag-ama.

"Marunong naman akong magbalanse ng time sa mga kaibigan ko at sa taong mahal ko" makahulugang sabi ni Lance habang tinatapik niya ang aking balikat. Ngayon ko lang napagtanto na hindi niya pa rin pala inaalis ang kaniyang pagkakaakbay sa akin.

"Bago ko makalimutan, nasan nga pala si Georgina?" muling tanong ng daddy ni Lance. Sa tagal niyang sumagot ay napalingon tuloy ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung bakit wala siyang masabi.

"Ahh-ehh.. may group activity daw po sila ng kaniyang team kaya nagmamadaling umalis kanina" pagsisinungaling ni Lance. Ramdam ko ang takot niya na baka mahuli siya ng kaniyang daddy sa kaniyang pagsisinungaling. Alam kong malala ang ugali ni Lance kapag ginusto niya pero kapiraso lang ang ugali niya kung ikukumpara sa kung ano ang meron ang kaniyang ama kaya naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganun.

"Ganun ba? Sayang naman pala ang pagpunta ko dito kung hindi ko siya makikita" sambit ng kaniyang ama. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit ba gustong gusto makita ng daddy ni Lance si Georgina? Ang weird lang dahil ako rin naman yung taong tinutukoy ko.

"Para hindi naman masayang ang pagpunta ko dito, how about samahan nyo akong kumain ng dinner?" tanong niya sa aming dalawa. Muli akong tumingin kay Lance kung dapat ba talaga akong sumama sa kanila. May chance kasi na baka mabuko kami kapag nagtagal pa ang pag-uusap namin. Hindi ko inaasahang ngingiti sa akin si Lance bago siya sumagot sa kaniyang ama.

"Oo naman dad, hinding hindi tatanggi sa pagkain itong si Gunter!" sabi niya sa kaniyang ama. Kung wala lang ang kaniyang ama sa aming harapan ay kanina ko pa siya binatukan. Pinagmukha niya pa akong patay gutom sa harap ng daddy niya.

"Hahaha... that's great. Don't worry hijo, kumain ka mamaya hanggang sa mabusog ka!" masayang sabi ng kaniyang ama. Hiyang hiya na talaga ako sa sandaling iyon dahil hindi naman talaga ako ganong klase ng tao.

"Ahhm...magpapaalam po muna ako kay Ate bago po sana ako su-" hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay kaagad sumabat ang kaniyang ama.

"I'm going to call her now. Please hold on!" gusto ko siyang pigilan pero sumenyas na siya sa akin na huwag mag-ingay kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa nais niyang mangyari.

Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Ang buong akala ko ay papasok lang ako ngayon sa school at uuwi sa bahay para makapagpahinga ulit. Hindi pa nga ako nakakahanap ng idadahilan kay Lance ay dumagdag naman itong ama niya sa dapat kong intindihin. Sobrang awkward na makasama ang kaniyang ama sa loob ng sasakayan. Nakaupo kaming tatlo sa likuran habang nasa pagitan namin si Lance. Kung ano-anong tanong pa ang binabato sa akin na hirap pa akong sagutin. Nang makarating kami sa restaurant ay mas dumami pa ang kaniyang tanong sa akin habang nag-aantay kami ng order.

"Alam mo bang mapagkakamalan kitang kapatid ni Georgina kung hindi mo sinabi sakin na kapatid ka ni Priscilla" bigla niyang sabi. Ako naman ay kinabahan habang pilit na ngumingiti sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bukambibig niya ang pangalan ni Georgina. Nagsisimula na tuloy akong magduda at maniwala sa sinabi ni Lance.

"Ahhh.. mukhang anlayo naman po kasi sobrang ganda ni Georgina para maging kapatid ko" habang nagsasalita ako ay naramdaman ko ang kamay ni Lance na humawak sa aking kamay para mawala ang aking pangamba. Imbes na mawala ang pangamba ko ay mas lalo akong kinabahan dahil baka makahalata ang daddy niya. Hindi naman sumagot ang kaniyang daddy pero nakangiti ito habang tumatango.

"You know what? I'm glad na may kaibigan si Lance na kagaya mo dahil mukhang ikaw ang pinakamatino sa mga naging kaibigan niyang nakilala ko" sambit ng kaniyang ama na ikinatuwa ko.

"Naku dad hindi mo lang kung gaaano ka-" bago pa man siya makapagbanggit ng salitang sisira sa pagkatao ko ay nagawa ko siyang sikuhin. Napahawak naman kaagad siya sa kaniyang braso at napangiwi sa sakit. Panandalian kong nakalimutan na nasa harapan pala namin ang kaniyang ama. Humingi kaagad akong tawad sa inasal ko.

"Nakakatuwa kayo dahil para kayong magkapatid" natatawang sabi ng kaniyang ama. Nakakapanibago ang pagiging maamo at masiyahin ng ama ni Lance. Taliwas sa madalas kong naririnig sa kaniya. Ganitong ganito din kasi ang kaniyang inasal nang magpanggap ako bilang babae sa katauhan ni Georgina.

Bigla akong napaisip kong sakaling magkapatid nga kami ni Lance ano kaya ang trato namin sa isa't isa ngayon? Madalas kaya kaming mag-away o magkasundo sa maraming bagay? Kahit kailan man ay hindi sumagi sa isipan ko na maging kadugo si Lance. Ang dami naming pinagkaiba mula sa ugali, antas ng pamumuhay at mga bagay na gusto. Kung sakaling magkapatid rin kami ay tiyak hindi aabot sa ganito ang relasyon naming dalawa.

"Manghang-mangha ka naman sa kapogian ko no?" ang salitang pumukaw sa akin. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig kay Lance habang iniisip ang bagay na yun.

"Sira!" ang tangi kong naisagot kaya lalo niya akong kinatiyawan.

Sobrang nakakailang ang gabi nay un dahil hindi ko malaman sa daddy ni Lance kung bakit panay ang tingin niya sa akin. Para akong nahihibang kakaisip na baka kinikilatis niya nang husto ang aking pagmumukha dahil namumukhaan niya ako bilang si Georgina o kaya may iba siyang iniisip na hindi ko magugustuhan.

Kanina pa ako nagpapagulong gulong sa ibabaw ng aking kama dahil hindi ako makatulog kakaisip. Kanina pa rin ako nagpaalam kay Lance na matutulog ako ng maaga. Bawat gabi na lang ay magkausap kami sa phone na para bang ang tagal naming hindi nagkikita. Wala naman kaso sa akin ang bagay na yun dahil habang tumatagal ay hinahanap-hanap ko ang boses niya sa tuwing ako ay matutulog. Nasanay na rin siguro ako na siya ang katabi ko bago ko ipikit ang aking mata. Hindi ko siya pinahihintulutan na makitulog sa bahay dahil mahigpit na bilin ni Ate Pritz na wag na wag naming gagawin sa bahay yun.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon