Chapter 23: Drunken Kiss

5K 315 20
                                    

Dylan as Lance & Darren as Gunter

Lance's POVHabang nasa kusina ako para ihanda ang mga pagkaing binili ko para sa kaniya ay bigla ko na lang narinig ang boses niya na para bang tinatawag ang boses ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Lance's POV

Habang nasa kusina ako para ihanda ang mga pagkaing binili ko para sa kaniya ay bigla ko na lang narinig ang boses niya na para bang tinatawag ang boses ko. Kumuha kaagad ako ng baso na may lamang maligamgam na tubig at nagbabakasakaling nauuhaw lang siya. Pagkarating ko sa kaniyang kwarto ay naabutan ko siyang umiiyak habang tinatawag ang pangalan ko. Halos matapon ang tubig sa baso na hawak-hawak ko dahil sa pagkataranta ko. Lumapit ako kaagad sa kaniya at hinaplos ang kaniyang mukha.

"Hindi kita iiwan" ang tanging nasabi ko. Pinipilit kong maging mahinahon sa mga sandaling iyon. Pansin ko ay lalong tumataas ang kaniyang lagnat kaya dapat lang ay uminom na siya ng gamot. Mabuti na lang at napatahan ko siya dahil mas makakabuti yun para sa kaniya. Hindi maganda sa kaniya ang umiyak nang husto lalo na't sobrang taas ng kaniyang lagnat. Nang tumahan naman siya ay inalalayan ko siya para makakain. Sobra ang panghihina niya ngayon kaya ako na mismo ang nagsubo sa kaniya ng mga pagkain. Nakokonsensya tuloy ako kung bakit ko pa minadali ang maangkin siya kahit na alam kong hindi maganda ang pakiramdam niya nang gawin namin yun. Sana nag-antay pa ako para hindi siya nahihirapan kagaya ngayon.

Matapos kumain ay sinigurado kong nainom niya ang mga gamot na kakailanganin niya. Hindi ko siya nagawang sabayan sa pagkain dahil sinigurado ko talagang magiging sapat ang kaniyang kakainin para mabilis siyang gumaling. Nang makaramdam siya ng antok ay nagpasiya siyang matulog habang ako ay nagliligpit ng kaniyang mga pinagkainan. Pagbalik ko sa kwarto ay naabutan ko siyang giniginaw at pagtingin ko sa electric fan ay nakapatay naman ito. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng kumot para yakapin siya at kahit papano ay maibsan ang panlalamig niya. Tiniis ko ang init at panlalagkit ng aking katawan para lang gumanda ang pakiramdam niya. Muntikan na rin akong makatulog pero nilabanan ko ang aking antok. Nang masigurado kong tulog na siya ay kaagad akong kumuha pa ng kumot para ibalot sa kaniya.

Tumawag ako kay Eisen para humingi ng tulong. Sa lahat ng mga taong kilala ko ay siya lang ang palagi kong naasahan at siguradong bukal sa loob ang pagtulong sa akin. Kinakailangan ko kasi ng gamot para kay Eisen lalong lalo na ang pain killer dahil sa tingin ko ay yun ang pananakit ng kaniyang pwet at balakang ang dahilan kung bakit lumalala ang kaniyang lagnat. Mukhang hindi kasi effective ang ibuprofren sa kaniya at kinakailangan ng gamot na may prescription sa doctor. Isang himala na lang talagang nangyari na nakakuha ng gamot si Eisen at hindi ko na siya tinanong kung papano siya nakakakuha ng mga yun at nagpunta na lang ako sa isang coffee shop kung saan malapit sa school para kunin ang mga yun sa kaniya.

Bago umalis ay sinigurado kong nasa maayos na kalagayan si Gunter. Muli kong hinawakan ang kaniyang ulo para alamin ang init ng kaniyang katawan. Bahagyang bumaba ang kaniyang lagnat pero hindi pa rin ito tanda na bumubuti ang kaniyang lagay. Nang masiguro kong nasa maayos siya na kalagayan ay kaagad akong nagtungo sa coffee shop na hindi kalayuan sa school. Mabilis kong natunton ang lugar na to dahil kahit papano ay napapatambay kaming magtotropa paminsan-minsan dito. Kumaway kaagad sa akin si Eisen nang makita niya ako. Lumapit kaagad ako sa kaniya para kunin ang mga ito.

"Maraming salamat kuya" ang nasabi ko at parehas kaming nagulat sa sinabi ko. Yun ang kauna-unahang tinawag ko siyang kuya dahil madalas ko siyang tinatawag sa kaniyang pangalan. Kaagad naman siyang tumango at ngumiti sa akin. Ako naman ay nahihiya pero ngumiti na rin sa kaniya.

Wala siyang balak na magtagal sa lugar na to kaya sabay na kaming lumabas ng coffee shop. Nagawa pa naming mag-usap sandali. Dapat ay magtutungo siya ngayon sa bahay ng kaniyang kaklase dahil may group project silang gagawin at dinaan niya lang itong mga gamot na to. Hindi ko na siya tinanong kung papano niya nakuha ang mga gamot na to dahil mukhang wala naman siyang balak na pag-usapan ito. Inantay ko siyang makasakay ng taxi bago ako magpasiyang umalis.

Habang kami ay nagkukwentuhan sa pag-aantay ng taxi ay bigla na lang may dalawang lalaking nakasakay ng motor na huminto sa harapan naming dalawa. Nagulat ako nang bumunot ng baril ang isang lalalaking nakaangkas sa likod. Tinutok niya ang baril kay Kuya. Nataranta ako kaya sinipa ko kaagad ang motor at sa lakas ng aking pagkakasipa ay natumba ito kasama nang dalawang sakay na lalaki. Bago pa man matumba ang motor ay nagawang magpaputok ng lalaki ng kaniyang baril. Sa malakas na tunog ng baril ay tila na bingi ako at tila bumagal ang oras sa mga sandaling iyon. Paglingon ko sa aking pinsan ay may tama na siya sa kaniyang kanang braso. Napaupo siya sa habang hawak-hawak ang kaniyang kanang braso kung saan mabilis ang pagdaloy ng dugo mula rito. Gusto ko siyang tulungan pero mas nauna akong tumakbo patungo sa lalaking gustong abutin ang nabitawan niyang baril. Nagawa kong sipain ito palayo sa kaniya habang ang kaniyang kasama ay abalang pinapatakbo ang motor. Nang hindi niya natuloy ang kaniyang balak ay muli siyang umangkas sa kasama niya ngunit nagawa kong hawakan ang kwelyo sa bandang batok ng kaniyang jacket kaya nang patakbuhin ng kaniyang kasamahan ang motor ay nalaglag siya sa sahig.

Mabilis ang pagpapatakbo ng kaniyang kasama at hindi na nilingon pa ang kasamang nalaglag. Sa sobrang galit ko ay pinagsisipa ko siya hanggang sa sumuka siya ng dugo. Mabilis na tumulong ang ilang tambay na nasa paligid sa pagbugbog sa lalaking namaril kay Eisen. Muli kong naalala ang kalagayan ng aking pinsan nang marinig ko ang isang babae na humihingi ng tulong. Kaagad akong nanakbo sa kaniyang kinaroroonan para tulungan siya. Halos ibato ko ang aking cellphone dahil hindi marecognize ng phone ang finger print ko dahil sa dugo na meron sa aking kamay. Mabuti na lang at may taong nakatawag ng ambulansya. Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ng kaniyang pantalon dahil alam kong hindi siya nawawalan ng panyo kapag siya ay umaalis. Ginamit ko ito para maglagay ng pressure para hindi lumakas ang pagdaloy ng dugo.

Bawat sandali ay sobrang halaga dahil maaaring ikamatay ni Eisen ang kapag hindi siya naidala kaagad sa ospital sa dami ng dugo na nawala sa kaniya. Ilang beses ko siyang kinukumbinse na magiging maayos lang ang lahat at parating na ang ambulansya pero sa totoo niyan ay hindi ko rin alam kung kelan ang dating ng ambulansya. At sa pagdating nito ay para bang gusto kong ako na lang ang magpasok kay Eisen sa loob ng ambulansya. Mabilis naman siyang naasikaso at nabigyan ng paunang lunas habang nasa loob kami ng ambulansya. Nang marating namin ang emergency room ay kaagad akong tumawag kay daddy tungkol sa nangyari kay kuya. Makalipas ang dalawampung minuto ay nagdatingan kaagad ang mga pulis para magbantay kay kuya. Habang kinakausao ako ng pulis ay biglang tumawag sa akin si Ate Pritz. Hindi ko sana sasagutin ito pero mukhang importante dahil bihira lang siya tumawag sa akin dahil madalas nagtetext lang ito sa akin.

"La-lance, nasaan ka?" natatarantang tanong ni Ate Pritz nang sagutin ko ang tawag niya.

"Ahh nandito lang po sa may palengke, may binili lang po ako" pagsisinungaling ko dahil ayoko munang ipaalam sa kanila ang nangyari sa pinsan ko.

"Ahh ganun ba. Si Gunter kasi mataas ang lagnat kaya papunta kami ngayon ng hospital" halata sa boses niya ang labis na pag-aalala.

"Sige po ate susunod po ako" ang tanging naging tugon ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa mga sandaling iyon. Bago niya itigil ang tawag ay nagawa niyang sabihin sa akin kung saang ospital niya isusugod si Gunter. Mabuti at nasa iisang ospital lang sila kaya hindi ako mahihirapang puntahan siya kapag nasiguro kong maayos na ang kalagayan ni kuya.

Napamura ako sa aking isipan dahil bakit ba nangyari itong mga bagay na to sa loob ng iisang araw. Naiwan ko si Gunter sa kanilang bahay na mataas ang lagnat habang ang aking pinsan naman ay may tama ng baril. Hindi ko rin magawang iwanan si Eisen dahil kinakailangan niya ako ngayon. Pinagdasal ko na lang na sana'y hindi na lumala pa ang sakit ni Gunter.

Ilang oras akong nag-antay sa operating room para masiguro ang kalagayan ni kuya. Pagkalabas ng doctor ay kaagad kong kinamusta ang kalagayan niya. Ayun sa doctor ay stable na ang kalagayan ni kuya at nagawa nang kunin ang bala mula sa kaniyang braso. Nagawa na ring masalinan siya ng dugo kaya nasa mabuting kalagayan na siya. Kinakailangan niya lang magpahinga ng mabuti para mabilis ang kaniyang paggaling. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa nabalitaan ko. Ako ang naatasang magbantay kay Kuya habang nasa business trip si daddy. Hindi siya kaagad makakabalik at inaasahan ko rin namang hindi siya kaagad babalik dahil kahit ako ang nasa kalagayan ni Kuya ay hindi rin naman niya gugustuhing bumalik kaagad dahil mas importante sa kaniya ang negosyo niya.

Nagpasiya akong umuwi muna sa bahay para makaligo at makapagbihis. May mga bakas kasi ng dugo at putik ang aking damit kaya kailangan kong makapagpalit ng hindi maghinala sa akin si Gunter at Ate Pritz. Alam kong magtataka pa rin si Gunter pagdating ko dun dahil sa tagal ng pagpunta ko pero wala akong magagawa kundi ang humingi na lang ng tawad sa kaniya. Wala pa akong balak na sabihin sa kaniya ang mga nangyari kanina para hindi narin siya masyadong mag-alala.

Pagkarating ko sa ospital ay sumaglit muna ako kay kuya para kamustahin ang kalagayan niya. Ayun sa kasambahay namin na nagbantay ay wala pa ring malay si kuya. Pagkalabas ko ng kwarto niya ay sinabihan ko ang mga gwardiya na higpitan pa lalo ang pagbabantay dahil maaaring balikan siya ng kasamahan ng bumaril sa kaniya. Nakausap ko kanina ang isang hepe na umaasikaso sa kaso ng pinsan ko. Kasalukuyang nakakulong ang lalaking bumaril kay Eisen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasalita ayon sa kasabwat niya at kung sino ang nag-utos sa kaniya na gawin ang bagay na yun.

Nang masiguro ko na nasa maayos na ang lahat ay kaagad akong nagtungo sa kwarto kung nasaan naka confine si Gunter. Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng kwarto ay tila dinaga pa ako dahil hindi ko alam kung papano ko haharapin si Gunter matapos ko siyang iwanan na nasa malubhang kalagayan. Nang marinig ko ang boses niya habang binabanggit ang pangalan ko ay tila nawala lahat ang pangamba ko dahil alam kung sa sandaling iyon ay nasa mabuti na siyang kalagayan. Unti-unti kong binuksan ang pinto hanggang sa makita ko ang mukha niya na masayang kausap si Ate Pritz.

"Speaking of the devil" sambit ni Gunter at biglang nabawi ang kaniyang mga ngiti.

"Oh Lance saang ospital ka ba nagpunta at bakit ngayon ka lang nakarating?" dugtong naman ni Ate Pritz.

"Ahh..ehh pasensya na po may emergency kasing nangyari" tugon ko kay Ate Pritz habang magkadikit ang mga palad bilang paghingi ng tawad.

"Anong klase namang emergency yan?" tanong ni Gunter habang nakakunot ang noo. Tanging pagngiti na lang ang naisagot ko habang patuloy na humihingi ng tawad. Mabuti na lang at hindi na ako inusisa pa ni Ate Pritz dahil wala naman akong balak na sabihin sa kaniya at saka ayoko ring magsinungaling sa kaniya.

"Ohh siya..Ikaw muna ang bahala sa kapatid ko dahil may aasikasuhin lang ako sa lab results ni Gunter" sabi ni Ate Pritz habang nililigpit ang pinagkainan ni Gunter.

"Huwag po kayong mag-alala nasa magandang kalagayan po siya" tugon ko pero na kay Gunter ang atensyon ko. Halata sa mukha niya ang pagkabigla at kapansin pansin din ang kaniyang pagpigil ng pagngiti. Bumaling ang pagtingin ko kay Ate Pritz na kasalukuyang nakatingin sa aming dalawa. Ngumiti siya habang napapailing. Hindi ko alam kung napapansin na ba ni Ate Pritz ang pagbabago sa relasyon naming dalawa. Darating din ang araw na sasabihin ko sa kaniya kung gaano kamahal ang kaniyang kapatid. Pagkalabas ni Ate Pritz ay tinangka ko kaagad na halikan ang labi ni Gunter pero bigla na lang niya itong iniwas.

"Hindi pa ako nagtotooth brush" reklamo niya sabay takip sa kaniyang bibig.

"Eh ano naman?" sabi ko sa kaniya at siya naman ay tumingin ng seryoso sa akin. Hindi ko napigilan ang pagngiti nang hawakan niya ang aking pisngi. Alam kong hinding hindi niya ako matatanggihan sa mga bagay na gusto ko kaya naman alam kong mapagbibigyan niya ako. Pinikit ko pa ang aking mata para lang maramdaman nang husto ang kaniyang paghalik. Ngunit ng malapit nang magdikit ang aming mga labi ay bigla na lang niya akong binugahan ng kaniyang hininga. Saktong sakto sa aking ilong ang pagbuga niya. Napaatras ako sa kaniya habang hawak-hawak ko ang aking ilong. Totoo ngang kasalukuyang mabaho ang kaniyang hininga dahil alam kong kanina pa siya hindi makapagtooth brush dahil sa sama ng kaniyang nararamdaman.

Habang nakakunot ang aking noo at ang aking kamay ay nakatakip sa aking ilong ay siya namang pagtawa niya na tila walang katapusan. Kanina lang ay halos putlang putla ang kaniyang mukha dahil sa iniindang sakit at ngayon ay pulang pula sa sobrang pagtawa. Sa sandaling ito ay para bang nawala lahat ng mga iniinda niyang sakit. Hindi ko napigilan ang aking sarili na halikan siya sa sobrang saya na aking nadarama. Hindi siya naging handa sa aking ginawa kaya naman nagawa niya akong itulak nang maglapat ang aming mga labi.

"Bat mo ako hinalikan?" sabi niya sabay punas sa kaniyang labi.

"Bakit hindi?" mabilis kong tugon.

"Hindi ka ba nandidiri? Hindi pa nga ako nakakapagtooth brush di ba at saka ikaw tong nagsabi na" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil muli ko siyang hinalikan. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay para pigilan siya sa pagtulak sa akin. Noong una ay nagpupumiglas pa siya pero nang magtagal ay hinayaan niya rin akong angkinin ang kaniyang labi.

"Hinding hindi ako mandidiri sayo kahit isang linggo ka pang hindi magtoothbrush" sabi ko at siya naman ay hindi na nagsalita. Kanina lang ang mukha niya ay pulang pula sa kakatawa pero ngayon ay malamang iba na ang dahilan ng pamumula nito.

Masaya kaming nag-usap habang wala pa si Ate Pritz. Mas nakabuti talaga kay Gunter ang pagpunta sa ospital dahil kapansin-pansin ang panunumbalik ng kaniyang lakas. Hindi na rin siya masyadong nagrereklamo na masakit ang kaniyang balakang at pwet. Marahil nabigyan siya ng mataas na dosage ng pain killer kaya hindi na niya masyadong dama ang sakit. Madalas kaming gumagawa ng sarili naming mundo sa tuwing kami ay magkasama. Hindi namin namamalayan ang oras na lumilipas. Natigil lang ang aming masayang kwentuhan nang dumating si Ate Pritz at sabihing kailangan ko na daw umuwi dahil tapos na ang oras ng pagbisita.

"Dito na lang po ako matutulog at ako na lang po ang magbabantay kay Gunter" pagkumbinse ko kay Ate Pritz.

"Hindi pupwede Lance. Kailangan mong pumasok bukas sa school. Hindi pwedeng umabsent ka dahilkay Gunter. Nag-inform na ako sa manager namin na maglileave muna ako para bantayan si Gunter" sagot ni Ate Pritz pero nagpumilit pa din ako na magbantay kay Gunter.

"Promise po maaga akong gigising para makapasok kinabukasan" pagpupumilit ko at napailing na lang siya habang nakangiti. Alam kong tanda na yun ng kaniyang pagsang-ayon.

"O sige basta siguraduhin mong papasok ka haa..kundi ako malalagot sa daddy mo" ngumiti ako at sumaludo sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Habang nag-aayos ng gamit si Ate Pritz ay binalik ko ang aking atensyon kay Gunter. Ngumiti ako sa kaniya dahil natutuwa akong muli kaming magtatabi sa pagtulog. Alam kong kagabi lang ay magkasama kami sa iisang kama pero para bang hinahanap hanap pa rin ng katawan ko ang makasama siya sa tuwing ipipikit ko ang aking mata. Bigla naman niya akong tinitigan nang masama na para bang inaakusahan niya akong may balak akong gawing masama sa kaniya. Pwes nagkakamali siya dun dahil wala pa akong balak sa kaniya, sa ngayon.

Naging maingat ako sa pagtabi sa kaniya sa oras ng aming pagtulog. Kahit di man niya aminin ay alam kong may iniinda pa rin siyang sakit. Kaya maging sa pagyakap sa kaniya ay naging maingat ako. Ayoko nang nakikita siyang nahihirapan. Lalong bumibigat ang loob ko sa tuwing nakikita siyang nasasaktan. Nagkunwari akong tulog para hindi na niya ako kausapin. Ramdam ko kasing gising pa siya pero mas pinili kong magpanggap para mabilis siyang antukin. Kinakailangan niyang magkaroon ng pahinga para mas mapabilis ang kaniyang paggaling. Madaling araw na siguro ako nakaramdam ng antok at bago ko ipikit ang aking mata ay muli kong tiningnan ang kaniyang mukha at sinuguradong mahimbing na ang kaniyang pagtulog.

Maaga akong nagising hindi dahil sa kinakailangan kong bumangon ng maaga. Sa katunayan ay maya-maya akong nagigising sa tuwing naririnig kong nagsasalita si Gunter na para bang binabangungot. Hindi rin mawala sa isipan ko ang kalagayan ng aking pinsan. Alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan pero nag-aalala pa rin ako na baka balikan siya ng taong nagpabaril sa kaniya. Buong ingat akong kumilos upang makatayo mula sa kama na hindi naaantala ang pagtulog ni Gunter. Bago ko lisanin ang kaniyang kwarto ay hinalikan ko muna ang kaniyang noo bago magpaalam.

Nagtungo ako sa kwarto ni kuya para kamustahin ang kaniyang kalagayan. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Sabi daw ng doctor ay normal lang yun dahil maraming nawala sa kaniyang dugo kaya bumabawi ang kaniyang katawan. Alerto naman ang mga pulis na nagbabantay sa kaniya sa labas ng kwarto at hindi rin nakakaligtaan ng aming kasambahay na alagaan siya. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya dahil kaming dalawa na lang ni daddy ang natitira niyang pamilya pero wala kami sa kaniyang tabi sa mga sandaling ito.

"Babawi ako sayo kuya, pangako yan" sabi ko habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Alam kong marami na siyang pinagdaanan kaya sisiguraduhin kong pagbumuti na ang kaniyang kalagayan ay sisiguraduhin kong siya naman ang pasisiyahin ko dahil alam kong deserve niya yun.

Muli akong bumalik sa bahay para makaligo at makapagsuot ng uniform para sa pagising ni Gunter ay hindi na ako mahihirapang magbihis at maisasakatuparan ko rin ang pangako ko kay Ate Pritz. Kung ako lang ang masusunod ay hindi talaga ako papasok ngayong araw dahil mas pipiliin kong samahan si Gunter at si Kuya dito sa ospital. Kaso hindi ko pwedeng ilagay sa alanganin si Ate Pritz kaya kinakailangan kong pumasok.

Nagpang-abot pa kami ni Ate Pritz nang bumalik ako sa ospital. Masaya siyang bumati sa akin dahil tinupad ko raw ang pangako ko at ang aga ko pa raw nagising. Wala siyang kaalam-alam na wala pa akong masyadong tulog kaya malamang matutulog lang ako sa klase mamaya. Nagpresenta akong magbitbit ng mga dala niyang gamit na mukhang mga damit ni Gunter, mga prutas at pagkain. Pagpasok namin sa loob ng kwarto ni Gunter ay naabutan namin siyang mahimbing pa rin ang kaniyang pagtulog. Naging maingat kami sa pagkilos para hindi maisturbo ang kaniyang pagpapahinga. Matapos maayos ni Ate Pritz ang lahat ay nagpaalam din siya kaagad para alamin ang mga results sa test ni Gunter.

Pagkaalis ni Ate Pritz ay kaagad kong inasikaso ang almusal ni Gunter. Alam kong magigising siya kapag nakaamoy siya ng pagkain. Hinanda ko na rin ang baso at tabo na gagamitin niya kapag nagmumog siya. Nang masigurado kong nakahanda na ang lahat ay kaagad akong pumuwesto malapit sa kaniya. Masayang pinagmasdan ang kaniyang mukha habang sya ay natutulog. May mga pagkakataong napapatingin ako sa kaniyang labi at sa tuwing mapapatitig ako dun ay kakaibang sensasyon ang aking nararamdaman. Napapahawak ako nang mahigpit sa kama habang pinipigilan ko ang aking sarili. Nang subukan ko siyang halikan ay bigla na lang dumilat ang kaniyang mga mata.

"Good morning" sabi ko habang nakangiti at pilit na tinatago sa kaniya ang aking pagkagulat. Ganun din ang kaniyang naging tugon at unti unting ngumiti sa akin.

Inalalayan ko siyang maupo para makakain na siya ng almusal pero bago yun ay inabot ko sa kaniya ang baso ng tubig na may halong asin para gamiting pangmumog. Alam ko kasing magrereklamo siya sa magiging panlasa niya kapag mouth wash ang ipapagamit ko sa kaniya. Matapos niyang makapagmumog ay kaagad niya itong dinura sa tabong hawak-hawak ko. Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Marahan ko namang hinawi ang kaniyang buhok na tumatama na sa kaniyang mata at nagawang hawakan ang kaniyang noo para alamin kung bumaba na baa ng kaniyang lagnat. Mukhang wala na siyang lagnat dahil mukhang normal na ang kaniyang temperature. Sunod kong inalalayan siya para makakain. Nagpumilit pa ako na ako ang magsubo sa kaniya at noong una pa ay ayaw niyang pumayag pero mas naging mapilit ako kaya ako wala siyang nagawa kundi pumayag sa aking gusto. Habang masaya ko siyang sinusubuan ay bigla na lang pumasok si Ate Pritz.

"Gunter umamin ka nga sa akin. Kasali ka ba sa fraternity?" biglang tanong ni Ate Pritz kay Gunter. Napatingin naman ako kay Gunter dahil alam kong malabo sumali siya sa ganun.

"Hindi po. Itanong nyo pa kay Lance" ang naging sagot ni Gunter at mabilis akong tumango bilang pagsang-ayon.

"Pwes, umamin ka nga sa akin..." tumingin siya kay Gunter na para bang may gusto siyang sabihin pero nag-aalinlangan siyang itanong ito.

"Bakla ka ba?" hindi ko inaasahan na itatanong ni Ate Pritz yun kaya kapwa kaming nagulat ni Gunter.

"Hi-hindi po!" pagtanggi ni Gunter at ako naman ay napaisip bigla kung bakit naitatanong ito ni Ate Pritz.

"Eh anong ibig sabihin nito?" ngayon ko pa lang nakitang mainis nang ganito si Ate Pritz na halos ibato niya ang mga papel sa mukha ni Gunter nang iabot niya ang mga to.

"Sabihin mo sakin papano ka nagkaroon ng anal fissure? Kagabi nang dalhin kita sa dito ay napansin kong may dugo ang pants mo at ayun kay doc nagkaroon ka daw ng trauma sa anal mo kaya mataas ang lagnat mo" sa pagkakataong iyon ay tila tumigil ang sandali na para bang kapwa kaming napahinto ni Gunter. Hindi niya alam ang sasabihin niya sa kaniyang ate at ako naman ay nagdadalawang isip kung magsasalita ba ako dahil maaaring hindi niya magustuhan ang sasabihin ko.

"Ano hindi ka magsasalita? Sabihin mo sa akin kanino ka nakipagsex?" halos sumigaw na si Ate Pritz sa sandaling yun at kitang kita ko sa mukha ni Gunter na nagpipigil na wag maiyak. Hindi ko matiis na makita siyang ganun kaya naman hindi ko na napigilan ang aking sarili na magsalita.

"Sa akin" ang naging sagot ko. Pilit kong kinakalma ang aking sarili dahil ayokong mabastos si Ate Pritz dahil mataas ang paggalang ko sa kaniya dahil siya na lang kinikilalang pamilya ng taong mahal ko.

"May sinasabi ka Lance?" tanong ni ate sa akin at ramdam ko ang galit niya habang kausap niya ako.

"Ako po ang may kagagawan kaya nagkaroon ng trauma si Gunter. Pero nagawa ko po yun dahil mahal ko ang kapatid nyo at handa po akong harapin ang responsibilidad sa ginawa ko sa kaniya" sagot ko at hinawakan ko ang kamay ni Gunter at dahan-dahan kong inangat ito para ipaalam sa kaniya na seryoso ako sa aking sinasabi.

Kitang kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamay na para bang nagpipigil ng husto sa kaniyang saloobin. Kahit na saktan pa niya ako ay hindi ako bibitaw sa pagkakahawak sa kamay ng kaniyang kapatid. Alam kong labis ang takot ni Gunter sa sandaling iyon pero pinapalakas ko ang kaniyang loob sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa kaniyang kamay. Ilang sandaling natahimik si Ate Pritz habang nakatingin sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon pero duda ako na nagugustuhan niya ang nakikita niya ngayon.

"Kailan pa?" bigla niyang tanong na bumasag sa katahimikan namin.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon