Chapter 10: He cares

6.7K 351 24
                                    


Dylan as Lance

Dylan as Lance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Lance's POV


Nagising ako sa loob ng hospital dahil sa sakit ng katawan. Hindi ko masyadong maalala kung bakit ako nandito. Tumingin ako sa paligid at ang aking pinsan na si Eisen ang una kong nakita. Alam ko namang siya na lang ang nagmamalasakit sa akin. Hindi na rin akong umaasang dadalawin ako ni daddy dito dahil mas uunahin niya ang business niya kaysa kamustahin ang sarili niyang anak. Nang magising ako ay panay na ang kwento sa akin ng madaldal kong pinsan. Kahit nakakatanda siya sa akin ay hindi ko siya tinatawag na kuya. Hindi naman sa hindi ko siya gusto, siguro masyado lang akong nasanay na wala akong kapatid o kamag-anak maliban kay daddy simula pagkabata ko.

"Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka pa rin nagkukwento kung ano bang nararamdaman mo ngayon" sabi niya at napahikab akong muli.

"I'm fine" matipid kong sagot at tumignin lang siya sa akin na para bang hindi kontento sa naging sagot ko.

Wala naman akong pakialam kung anong mangyari sa akin. Kung ang ama ko nga ay hindi nagagawang mag-alala, ako pa kaya? Pero sa totoo lang ay masakit talaga ang likod ko at medyo nahihilo pa rin ako. Iniiwasan ko na lang na makipag-usap sa pinsan ko dahil hindi rin naman ako interesado sa mga sinasabi niya. Maya-maya pa ay pumasok na ang doctor para kamustahin ang kalagayan. Gaya ng sinabi ko kay Eisen ay ganun din ang sinagot ko sa tanong ng doctor. Kahit na sinabi kong ayos lang ang kalagayan ko ay nag-examine pa rin sila sa akin. Ang dami niyang sinabi kaya at hindi ko naintindihan ang lahat kaya pinikit ko na lang ang aking mata dahil parang umiikot na naman ang paningin ko.

Makalipas ang ilang minuto na pag-uusap ng doctor at ng aking pinsan ay sa wakas tumahimik na rin ang paligid. Pagdilat ko ng aking mata ay nakita ko pa rin sa upuan ang aking pinsan habang may binabasang magazine. Hindi ko alam kung bakit niya pa kailangang manatili dito dahil pwede naman siyang umalis kung nabobored siya. Hindi naman niya kailangang magkunwari na concern siya sa akin. Hindi ako makahiga ng maayos dahil sa sakit ng likod ko. Ilang beses din akong naglipat-lipat ng posisyon sa paghiga. Napansin ito ni Eisen pero hindi siya nagsalita.

"Dahil ayaw mo namang makipag-usap sa akin. Tatawag na lang ako ng taong gusto mong makausap" sabi niya at nilapag niya ang magazine at naglakad papunta sa pinto.

"You wish!" medyo inis kong sagot. Asa naman siyang mapapapunta niya dito si daddy.

Nang makaalis si Eisen ay kaagad kong hinanap ang aking cellphone. Nakita ko ito sa ibabaw ng desk na malapit sa aking kama. Pagbukas nito ay marami akong messages na nareceived. May 72 missed calls, 52 private messages from messenger and 100 plus na direct messages from Instagram. Iilan lang ang binasa ko at ang iba ay dinelete ko kahit hindi ko pa ito nababasa. Inaasahan ko pa man din na kakamustahin niya ako. Habang ako ay nakapikit ay inalala ko ang mga nangyari kung bakit ako ngayon nakahiga dito. Nainis lang ako nang maalala ko kung bakit ako nandito tapos hindi man lang ako nagawang kamustahin ng lokong yun. Nagcheck ako muli sa cellphone pero wala pa rin siyang text o kaya message man lang sa messenger. Hinagis ko ang phone ko pabalik sa table pero hindi sumakto kaya nalaglag ito sa sahig. Wala akong lakas para pulutin pa ito kaya hinayaan ko na lang siya.

Kanina pa ako nagtataka kung bakit may heart monitoring machine dito sa kwarto ko. Hindi naman ganun kalala ang nangyari sa akin. Dapat tinanggal na nila to kung hindi naman na ginagamit, nakakainis lang makita na para bang monimonitor nila kung kelan ako mamatay. Pabalik-balik ang pakiramdam ko na nahihilo kaya hindi ko mapigilang mapapikit. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng kwarto ko. Alam kong ako ang pinag-uuspan nila dahil naririnig ko ang pangalan ko kaya nagkunwari akong tulog. Biglang may pumasok sa loob ng kwarto, hindi ko alam kung si Eisen baa ng pumasok o nurse basta nanatili lang akong nakapikit. Wala akong panahon makipag-usap kahit kanino kaya magpapanggap na lang akong tulog para hindi nila ako kausapin.

Nagulat ako nang may biglang pumatong sa ibabaw ng aking dibdib. Hindi ko napigilang sumilip lalo nang marinig kong may umiiyak. Pagkadilat ko ng aking mata ay kaagad kong nakita ang mukhang nakasubsob sa dibdib ko. Kahit hindi ko lubusang makita ang kaniyang mukha ay alam kong si Gunter ito. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikita siyang kasa-kasama ko ngayon. Habang tumatagal ay parang may kakaiba sa akin at nararamdaman ko ang pag-init ng aking katawan. Maling mali hindi ko dapat iniisip ang ganitong bagay sa ganitong sitwasyon. Pinilit kong pigilan ang sariling mapaungol sa tuwing mararamdaman ko ang malalim niyang pahinga sa aking dibdib. Ramdam na ramdam ko yun dahil sa nipis ng suot kong damit.

"Akala ko ba hindi mo ako pababayaan. Akala ko ba pananagutan mo ako? Nangako ka di ba, bat ngayon ay iiwan mo na ako?" sabi niya na labis kong ikinatuwa. Sa sobrang saya ko ay nagawa kong hawakan ang kaniyang mukha para mailapit sa akin at binigyan siya ng isang halik.

"Syempre paninindigan ko ang pangako sayo" sabi ko sa kaniya at hindi ko mapigilang mapangiti sa naging reaksyon niya. Ilang segundo siya sigurong nakanganga bago siya muling nakapagsalita.

"Bu-buhay ka?" gulat niyang tanong.

"Bakit gusto mo na ba akong mamatay?" natatawa kong sabi pero mukhang hindi siya natutuwa sa akin.

"Eh bakit sabi ng pinsan mo patay ka na daw dahil sa pneumonia?" tanong niya sa akin at napaisip ako bigla. Yun pala yung tinutukoy niya kanina na tatawag siya ng taong gusto kong makausap. Loko yun ah at bakit pa niya kailangang sabihin na namatay ako para papuntahin si Gunter dito sa ospital?

"Aba malay ko" ang tanging naisagot ko at bigla na lang siyang tumayo at nagpunta sa labas ang akala ko nga ay iiwan niya ako, yun pala ay hinanap niya si Eisen sa labas pero hindi na niya ito nakita.

"Magkamag-anak nga kayo" sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Bakit?" tanong ko habang pinipilit ang ngumiti dahil mukhang inis na inis na siya.

"Pareho kayong mga siraulo" sabi niya at naglakad siya papalabas ng kwarto.

"I miss you too" sigaw ko bago siya makalabas ng kwarto. Nakaisa na naman ako kay Gunter. Hindi ko alam kung bakit sobra akong natutuwa kapag napipikon siya sa akin.

Aminado akong bully ako at nasasatisfy ako sa mga taong nabubully ko. Hindi ko na nga mabilang ang mga taong na bully ko sa school. Mabilis lang magbago ang mga target ko sa pambubully. Minsan kasi umaalis sila ng school kung kelan nag-eenjoy akong pagtripan sila at minsan nabobored na kaagad ako sa kanila. Hindi ko alam kung anong meron itong si Gunter at hanggang ngayon ay trip na trip ko pa ring asarin. Habang tumatagal nga ay napapansin ko ang mga pagbabago sa sarili ko. Hindi ako bakla at alam ko yun sa sarili ko dahil never akong naattract sa kapwa ko lalaki. Pero may mga pagkakataon na hindi ako naiilang na halikan si Gunter sa labi. Noong una ay gusto ko lang siyang asarin dahil pakiramdam ko ay kagaya din siya ng mga basketball players na maaangas na nakalaro ko tapos nang mahalikan ko nang hindi sinasadya ay bibigay din pala.

Tapos may mga pagkakataon pa na natutuwa ako kapag tinutukso kami sa loob ng classroom ng mga classmates namin. Kitang kita ko kasi ang mukha ni Gunter na namumula na parang bang sasabog sa galit. Pero minsan may kakaibang pakiramdam na ang hirap ipaliwanag. Ngayon lang akong naging komportable makasama ang isang tao. May mga bagay kasi kami na napagkakasunduan at meron ding hindi. Siguro kaya hindi ako nabigyan ng kapatid dahil siguro darating si Gunter para maging bro ko. Kaya siguro masarap ang tulog ko sa tuwing siya ang katabi ko dahil pakiramdam ko ay may kapatid ako. Siguro nga ganun.

Natapos ang pamamalagi ko sa ospital pero kahit isang beses man lang ay hindi nagawang bumisita ng magaling kong ama. Yung makulit kong pinsan na si Eisen lang ang laging dumadalaw sa akin. Kahit papano ay nagiging cool na din to sa akin si Eisen basta wag lang siyang dumadaldal na parang babae ay ayos lang kami. Minsan kasi para siyang nanay na may walong anak kapag nakikipag-usap sa akin. Ang daming bilin, ang daming pinagbabawal, para siyang pinaglihi sa pamahiin. Ang isa sa nagustuhan ko sa pagdating niya sa bahay ay nagagawa naming kumain ni daddy ng sabay kapag dinner time na.

Ang daming tao ang nakapansin sa pagbabalik ko. Ang iba ay nag-abot pa ng bulaklak na mabilis kong tinanggihan. Ano bang akala nila sa akin mamamatay? Ang iba pang mga babae ay nag-iiyakan na parang mga baliw. Ang aga-aga kong naiinis sa mga to, masyadong OA. Isa sa kinaiinisan ko ay hindi na ako muling dinalaw ng lokong Gunter na yun. Kaya heto maaga akong pumasok para parusahan siya sa hindi niya pagdalaw sa akin sa ospital. Bago ko makarating ang classroom namin ay nakasalubong ko ang mga tropa ko. Hindi ko nga alam kung matatawag ko pa silang tropa dahil hindi man nila nagawang dalawin ako sa ospital.

"Welcome back bro" akap sa akin ni Kiero habang tinatapik ang aking braso. Nang bumitaw siya ay tanging pagtango lang ang naisagot ko.

"Pasensya na bro, hindi kami nakapunta marami kasing inasikasong homeworks after ng camping" sabi ni Ralph. Sumang-ayon naman ang iba sa sinabi niya.

"Ayos lang yun. Ang mahalaga ay nakabalik na ako" nakangiting sabi ko. Sa totoo ay naiinis ako sa mga siraulong to. Alam ko namang hindi sila gumagawa ng homework kaya hindi nila ako mapapaniwala sa mga kasinungalingan nila. Isa-isa silang nagpapaalam sa akin at ako naman ay pilit na ngumingiti pero ang totoo ay gusto ko nang pag-uupakan ang mga mukha ng mga sinungaling na to.

Iilan pa lang ang tao sa loob ng aming classroom nang pumasok ako. Karamihan sa kanila ay nagulat hindi lang dahil sa pagbabalik ko sa school kundi ang pagpasok ko ng maaga. Sobrang boring ng mga nakaraang araw sa loob ng ospital kaya excited na akong pagtripan si Gunter ngayong araw. Nagsuot ako ng earphone habang nakikinig sa mga random music sa Spotify playlist ko. Hiniga ko ang aking ulo sa ibabaw ng aking desk at pinikit ang aking mata. Madalas kasi akong nakakaramdam ng antok sa tuwing ako ay nabobored.

Makalipas ang ilang minuto ay may kumakalabit sa akin. Mabilis kong inangat ang aking ulo para sana akapin at pagtripan si Gunter pero hindi si Gunter ang gumising sa akin kundi ang aming class president. Ayon sa kaniya ay parating na daw ang class advisor namin kaya niya ako ginising. Hinanap ko si Gunter sa classroom pero wala siya kahit saan ako lumingon. Late na siya sa klase, imposibleng nahuli siya ng gising. Nagmamasturbate siguro yun kagabi kaya napasarap ang tulog. Nagtext ako sa kaniya para alamin kung nasaan siya pero hindi siya nagrereply sa akin. Kasabay nang pagpasok ng advisory class teacher namin ay siyang paglabas ko ng classroom. Wala akong paki kahit nagsisigaw pa siya para bumalik ako sa classroom. Humanap ako ng pwesto na hindi maingay at kaagad kong tinawagan ang number niya pero hindi ko siya macontact dahil mukhang nakapatay ang kaniyang phone.

Wala akong nagawa kundi ang lumabas sa school para puntahan siya mismo sa kanilang bahay. Hindi naging hadlang sa akin ang nakabantay na gwardiya dahil isang tingin ko pa lang ay alam na niya ang nais kong gawin. Ilang beses ko na rin itong ginagawa kaya hindi na siya nagtataka sa tuwing ako ay lalabas ng gate. Mabilis kong narating ang bahay nila dahil hindi naman ito kalayuan sa school. Pumasok ako sa loob ng kanilang bahay kahit hindi na kumakatok. Dumerecho kaagad ako sa kwarto ni Gunter para ako mismo ang bubulabog sa pagkakahimbing niya.

Naabutan ko siyang balot na balot ng kumot. Dahan-dahan akong lumapit para hindi niya marinig ang mga yabag ng paa ko. Nang makalapit sa kaniyang higaan ay kaagad akong humawak sa kumot na nakabalot sa kaniyang at mabilisang hinila ang kumot na to mula sa kaniya. Nagising siya sa ginawa ko at dahan-dahan siyang humarap sa akin mula sa pagkakatulog niya sa posisyong nakatalikod.

"A-anong ginagawa mo dito?" nakakunot noo niyang tanong at para bang nahihirapan siyang magsalita.

"Ano pa ba eh di sinusundo ka para pumasok sa school!" sagot ko at lumapit sa kaniya para yugyugin para gumising.

"Ano bang ginagawa mo?" sabi niya habang niyuyugyog ko siya at naramdaman ko ang init ng balat niya nang mahawakan ko ang kaniyang braso.

"Hindi siya makakapasok ngayon sa school" biglang sabi ni Ate Pritz na hindi ko man lang namalayang pumasok sa kwarto. Hinila ni Gunter ang kumot at muling binalot sa katawan niya.

"Matigas kasi ang ulo at naulanan kahapon" dugtong pa ni Ate Pritz at pinatong sa maliit na mesa ang dala-dalang maliit na planggana na may lamang tubig at towel.

"Saan naman daw po siya galing?" tanong ko habang si Gunter ay nakatalukbong pa rin ng kumot at mukhang ayaw makipag-usap sa amin.

"Masyadong nag-aalala itong kaibigan mo sayo at halos araw-araw kang dinadalaw sa ospital" sabi ni Ate Pritz na ikanagulat ko. Magsasalita sana ako tungkol sa pagdalaw ni Gunter pero nanatili na lang akong tahimik. Siguro dinadahilan lang ng lokong to ang pagkakaospital ko para payagan siya ni Ate Pritz na lumabas para gumala kung saan. Mamaya ka sa aking loko ka!

"Bakit ka pala nandito eh di ba nagsisimula na ang klase nyo ng ganitong oras?" tanong ni Ate Fritz sa akin.

"Ahh..pumunta po kasi ako sa school kahit pinagpapahinga pa ako ngayon. Okay naman na po kasi ang pakiramdam ko pero sabi ng school nurse ay kailangan daw sundin ang number of rest day na binigay ng doctor" pagsisinungaling ko at ang buong akala ko ay makakalusot na yun.

"Eh bakit hindi ka dumiretso ng uwi sa inyo? Naku talaga magkaibigan talaga kayo ni Gon at parehas kayong pasaway. Mabuti pa't umuwi kana para makapagpahinga ka" utos ni Ate Pritz habang pinipigaan niya ang towel na nasa maliit na planggana.

"Ahh okay naman po ako Ate Pritz don't worry, kayo po pala bat di pa kayo pumapasok?" pag-iiba ko sa usapan para hindi ako mapauwi ni Ate Pritz.

"Nagpaalam na ako sa boss ko na umabsent today pero hindi ako pinayagan dahil marami kaming dapat tapusin ngayon. So hinayaan niya na lang akong pumasok ng late ngayon kasi kailangan kong asikasuhin itong si Gon bago man lang ako umalis" sabi niya habang pinupunasan ang katawan ni Gon gamit ang towel.

"Pumasok na ho kayo ako na pong bahala kaya Gunter" pagpepresenta ko nang matapos niyang punasan si Gunter. Hindi ko sigurado kung tulog ba tong loko na to o sadyang nagtutulog-tulugan.

"Sigurado ka? Eh di ba pinagpapahinga ka ngayon?" tanong niya habang kumukuha ng damit na pamalit ni Gunter.

"Ngayong araw lang naman po yun at saka bukas babalik na rin po ako sa school. Ako na po ang bahala kay Gunter. Di ba po mas okay na ako ang magbihis sa kaniya kasi parehas naman kaming lalaki?" sabi ko at napatango si Ate Pritz. Saka niya lang siguro narealize na lalaki ang kapatid niya at binata na ito para siya pa ang magbihis.

"Oh sige ikaw na ang bahala sa kapatid ko pero kapag nakaramdam ka ng pagod ay umuwi kana agad sa inyo para makapagpahinga. Hinanda ko na lahat ng kakailanganin ni Gon kapag nagutom siya at nariyan na rin sa table lahat ng gamot na dapat niyang inumin" bilin niya habang bitbit ang na gagamitin sa pagpasok sa trabaho.

"Sige po ako na po ang bahala sa kaniya, wag na po kayong mag-alala" masayang sabi ko kay Ate Pritz at nagpaalam na siya na papasok sa trabaho. Samantalang ako ay nag-iisip ng bagay na gagawin para makaganti kay Gunter.

Nang mailock ko ang pinto sa labas ay kaagad akong bumalik sa kwarto ni Gunter para maisagawa ang binabalak ko. Alam kong wala siyang lakas ngayon para lumaban sa akin kaya nakaisip ako ng ideya para makaganti sa kaniya. Dahan-dahan kong hinubad ang damit niya pang-itaas. Tumambad sa akin ang hubad niyang pang-itaas. Mukhang payat lang tingnan si Gunter pero malusog naman talaga ang pangangatawan nito. Makinis at maputi ang kaniyang balat na para bang babae. Isusuot ko na sana sa kaniya ang tshirt niya pero biglang napako ang aking mata sa kaniyang dibdib. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang hinawakan ang kaniyang nipple. Habang pinaglalaruan ito ay unti-unti itong tumigas at ilang sandali lang ay narinig ko ang mahihinang pag-ungol ni Gunter. Napangisi ako nang marinig ko ang pag-ungol niya kaya naman ay nilaro ko ang kaniyang mga nipples gamit ang magkabila kong kamay na mas nagpalakas sa ungol niya.

Habang tumatagal ay narerealize ko na may mali sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit naaapektuhan ako ng pag-ungol ni Gunter. At eto na naman, nararamdaman ko na naman ang pag-init ng aking katawan at unti-unti na naman nabubuhay ang aking pagnanasa. Kaagad kong tinigil ang ginagawa ko dahil baka kung saan pa humantong ito kapag pinagpatuloy ko pa ang kalokohan na to. Ayokong maulit ang nangyari sa amin sa aking kwarto. Hindi ko nga maipaliwanag sa aking sarili kung bakit ko nagawa kay Gunter yun. Ang gusto ko lang naman ay ang pagtripan siya pero mukhang hindi na trip ang ginawa ko sa kaniya nang ilock kami ni Eisen sa aking kwarto. Isinuot ko na lang sa kaniya ang tshirt pati na rin ang pagsuot ng pajama sa kaniya.

Nang matapos ko siyang bihisan ay kaagad kong binalot ng kumot ang buong katawan niya. Kanina ko pa kasi nakikita ang panginginig niya. Hindi ko tuloy naisagawa ang plano ko na kuhaan siya ng picture habang siya ay nakasuot lang ng underwear. Pagtitripan ko sana ang picture niya kapag nagkataon at gagamitin kong pang blackmail sa kaniya. Pero ayun nauwi sa pagbihis at pagkumot sa kaniya ang dapat na paghihiganti ko.

Ayon kay Ate Pritz ay nakakain naman na daw at nakainom ng gamot si Gunter. Pero napansin ko na patuloy pa rin ang panginginig ng kaniyang katawan. Napakaginawin naman nitong si Gunter. Naghanap ako ng kumot na pwedeng ikumot sa kaniya. Ilang minuto rin akong naghanap mula sa kaniyang cabinet bago ako makakuha ng kumot na medyo makapal para idagdag sa kaniya. Ilang minuto na ang lumipas nang dagdagan ko ang kumot niya pero giniginaw pa rin siya. Hinubad ko na ang suot kong uniform at tanging boxer shorts at medyas na lang ang suot ko. Hinubad ko na rin ang kaniyang damit at saka pumasok sa loob ng kumot habang yakap-yakap siya. Pagtakip ko pa lang ng kumot sa aming dalawa ay ramdam ko na agad init. Tiniis ko ang init habang nakaakap sa kaniya. Habang tumatagal ay humihigpit ang yakap niya sa akin. Ramdam ko na rin ang panlalagkit ng katawan ko dahil sa pawis sa aking katawan.

"May atraso ka pa sa akin ah" sabi ko sa kaniya kahit na alam kong mahimbing ang kaniyang pagtulog.

Mabuti na lang at bumuhos ang malakas na ulan kaya kahit papano ay lumamig ang paligid. Nang makaadjust ang aking katawan sa init at lamig ay kaagad akong nakaramdam ng antok habang magkayakap kami ni Gunter. Hindi ko na nagawang magpunas ng pawis dahil baka magising ko pa si Gunter.

Makalipas ang ilang oras ay nakaramdam ako ng kamay sa aking dibdib na pilit akong tinutulak. Pagdilat ko ng aking mata ay kaagad kong nakita si Gunter na tintulak ako palayo mula sa pagkakayakap ko sa kaniya. Naniningkit pa ang kaniyang mga mata na tila kagigising lang. Kinalas ko naman ang pagkakayakap sa kaniya dahil tila naiinitan na siya sa aming ginagawa.

"Good morning love" pang-aasar ko sa kaniya at biglang kumunot ang kaniyang noo.

"Bakit ka pa nandito?" tanong niya habang humikab hikab pa.

"Nandito ako para singilin ka sayong atraso" sabi ko habang pinupunasan ang mga muta niya sa mata. Marahan naman niyang tinapik ang aking kamay para pigilan ako sa aking ginagawa. Halatang wala siyang lakas dahil napakalamya ng kinikilos niya.

"Anong atraso ang pinagsasabi mo?" tanong niya at dahan-dahan siyang bumangon. Mabilis akong bumangon para alalayan siyang makasandal sa head board ng kama.

"Ano yung sinabi mo kay Ate Pritz na halos araw-araw kang dumadalaw sa ospital kahit na isang beses lang kita nakita dun?" sabi ko at inakbayan siya sa balikat at kunwaring sinasakal. Marahan lang ginawa kong kunwaring pagsakal sa kaniya dahil alam kong hindi maganda ang pakiramdam niya.

"Totoo yun" matipid niyang sagot at tila hindi makatingin sa akin.

"Pwede ka namang umamin sa akin dahil tayo lang ang nandito. Promise hindi ako magsasabi kay Ate Pritz basta sabihin mo sa akin kung saan ka nagpupunta sa tuwing nagpapaalam kang pumupunta sa ospital" pagkasabi ko ay marahan niyang tinaggal ang pagkakaakbay ko sa kaniya. Napatingin siya sa ayos naming dalawa saka niya lang siguro napansin na parehas kaming walang damit pang-itaas.

"Bakit ganyan ang ayos mo at saka nasan yung damit ko?" tanong niya habang hinahanap ang damit sa ibabaw ng kama. Pinatong ko sa ibabaw ng upuan ang mga hinubad naming damit kaya hindi niya makita ito sa kama.

"Pasensya na, hindi ko kasi napigilan ang sarili ko kanina eh. Wala si Ate Pritz tapos malamig pa ang panahon kanina kaya sinamantala ko ang pagkakataon para makaraos. Alam mo naman tayong mga lalaki kapag ganito ang panahon" nakangisi kong sabi sa kaniya. Nakita ko kaagad na namula ang kaniyang mukha sabay hawak sa kaniyang dibdib at tila kinakapkap ang buong katawan kung may nangyari nga ba sa aming dalawa hanggang sa napahawak siya sa hinaharap niya at tumingin sa akin ng masama.

"Gago ka!!!!" sinuntok niya ako sa braso alam kong buong lakas na niya yung pagsuntok sa akin pero hindi ko man lang maramdaman yung sakit at saka tumawa ng malakas. Patuloy ang aking pagtawa habang sinusuntok niya ako. Maya-maya ay tila napagod siya sa kakasuntok sa akin at tumigil.

"Naniwala ka kaagad?" at muli akong tumawa pero naputol ito nang ibato niya sa mukha ko ang unan. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at sinuot ang tshirt niya mula sa upuan.

"San ka pupunta?" tanong ko at tila wala siyang narinig sa sinabi ko at patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa.

"Hoy san ka pupunta? Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, kapag di mo sinagot ang tanong ko isusumbong talaga kita kay Ate Pritz" sabi ko habang siya ay nakatayo sa harapan ng pinto ng kaniyang kwarto.

"Edi magsubong ka, totoo naman talaga yung sinasabi ko eh itanong mo pa sa pinsan mo!" pasigaw niyang sabi at saka lumabas sa kwarto.

Ano na naman kaya ang kinalaman ni Eisen dito at bakit wala siyang sinasabi sa akin? Kaagad akong tumawag sa kaniyang number habang pinupunasan ng panyo ang aking pawis sa katawan. Patuloy ako sa pagpunas habang naiinip sa tagal ng pagsagot niya sa tawag ko.

"Ano ba yun Lance?" tanong niya kaagad nang masagot niya ang tawag ko.

"Wow really? Ikaw pa tong galit kahit na ikaw tong matagal sumagot?" inis kong sabi habang sinusuot ang aking polo.

"Hello? May klase kaya ako at ikaw pano ka nakakatawag di ba may klase ka rin ngayon?" nakakairitang tanong niya. Ako nga ang dapat magtatanong sa kaniya pero ako ang tinatanong niya ngayon.

"Sabihin mo nga ang totoo, pumupunta ba si Eisen sa ospital noong may sakit ako?" may kinausap pa siya na mukhang kasama niya bago sagutin ang aking tanong.

"Oo, nandun siya kapag tulog ka at ayaw pasabi kapag nagpupunta ka" mabilis niyang sagot habang may nakakainis na boses ng lalaki sa tabi niya.

"Eh bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" naiinis kong tanong at panay pa rin ang pakikipag-usap niya sa lalaking nasa tabi niya. Hindi ko masyadong maintindihan ang pinag-uusapan nila pero mukhang nagtatalo sila.

"Hay naku kayo ang mag-usap ng boyfriend mo Lance" mariin niyang sabi na hindi ko inaasahan manggagaling mismo sa kaniya.

"Hoy hindi niya ako boy" bago pa man ako makapagpaliwanag ay binabaan na niya ako. Siraulo yun ah bigla na lang akong binabaan. Humanda siya sa akin mamaya sa bahay.

Lumabas ako sa kwarto ni Gunter at hinanap siya. Nakita ko siyang may hinahanap sa ref at nakayapak pa. Loko talaga to, masyadong matigas ang ulo. Alam naman niyang malamig ang panahon tapos may lagnat pa siya, papano niya nagagawang maglakad-lakad sa lamig ng sahig. Muli akong pumasok ng kwarto para kunin ang pinakamakapal na kumot at kinuha rin ang tsinelas niyang panloob ng bahay. Lumapit ako sa kaniya para ipasuot ang tsinelas. Noong una ay nagmamatigas pa siya pero kalaunan ay bumigay din. Para siyang bata na sinusuotan ko ng tsinelas na parang hindi alam kung saan ang kanan at kaliwa. Yung kumot na dala-dala ko na ipinatong sa ibabaw ng mesa ay binalot ko sa kaniya at niyakap siya para hindi makawala.

"Anong ginagawa mo?" sabi niya habang nanatiling nakatayo at yakap-yakap ko. Tinaas ko ang bangs ko at nilapit ko ang aking noo sa kaniyang noo para pakiramdaman kung mainit pa rin siya. Mabuti naman at mukhang bumaba na ang lagnat niya. Saka ko lang napagtanto na sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang mainit na paghinga niya mula sa kaniyang ilong sa aking mukha. Tila isa akong istatwa na napatigil habang nakatingin ako sa kaniyang labi. Kahit na namumutla ang kaniyang labi ay tila inaakit ako nitong ilapat ang aking labi sa kaniyang mga labi. Nang muntik na maglapit ang aming labi ay saka ko napagtanto na mali itong ginagawa ko.

"Ang baho ng hininga mo!" sabi ko at bigla na lang niya akong binatukan.

"Gago nagtoothbrush ako" sabi niya at muling binuksan ang ref para kunin ang isang instant noodles na mukhang made in korea. Nakabalot ito sa itim na packaging at mukhang sobrang anghang nito.

"Yan talaga ang kakainin mo? Mukhang sobrang anghang niyan saka hindi naman masustansya yan papano ka gagaling niyan?" sabi ko habang pilit na inaagaw ang noodles mula sa kaniyang kamay.

"Wala kang pake, lumayo ka na lang sa akin para hindi mo maamoy ang hininga ko!" inis niyang sabi at lumapit siya sa lababo habang nakahawak pa rin sa kumot na binalot ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siyang kumilos. Sa totoo lang ay hindi naman talaga mabaho ang kaniyang hininga, ginawa ko lamang dahilan yun para mapigilan ang sarili sa paghalik sa kaniya. Nawiwirduhan na ako sa sarili ko at di ko alam kung bakit ko naiisip ang mga bagay na to. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa kaniya pero bigla na lang akong natauhan nang makita siyang may bitbit na malaking bowl. Hindi niya mabuhat ito dahil sobrang init at saka pati pagbubuhat ng mangkok ay mukhang hirap siyang gawin.

"Maupo kana dun sa couch ako na ang magdadala" sabi ko at hindi naman siya nagmatigas pa at pumunta na siya sa couch habang nakatakip sa kaniyang bibig. Nalintikan na, nagtampo na si gago. Pagkalapag ko ng noodles ay kaagad niya itong kinain habang nanood ng anime sa tv. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Nilusot ko ang aking paa hanggang sa makaupo sa likuran niya. Ang pwesto namin ay nakaupo siya habang nasa pagitan siya ng mga hita ko. Niyakap ko siya habang nakatalikod sa akin. Nanatili pa ring nakabalot ang kumot sa kaniyang katawan habang kumakain siya ng noodles. Ilang beses niya akong sinisiko para umalis pero nanatili pa rin akong nakayakap sa kaniya.

"Wag ka nang makulit. Kapag siniko mo ako nang siniko ay matatapon pa yang kinakain mo" pagbabanta ko at tumigil naman siya sa pagsiko sa akin.

"Hayaan mo munang maglabing si kuya sayo para pag-initan ka at mabilis kang gumaling" sabi ko habang nakapatong ang aking baba sa kaniyang balikat.

"Ku-kuya? Kahit na mas matanda ako sayo?" sabat niya habang patuloy pa rin siya sa pagkain at nakatingin sa tv.

"Ahh basta ako ang kuya mo simula ngayon at aalagaan kita bilang kapatid ko" dugtong ko at marahang ginulo ang kaniyang buhok. Ilang sandali pa ay natapos na siyang kumain at nilapag sa maliit na mesa ang bowl na hawak niya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang nilagay ang kaniyang mga kamay sa magkabilang gilid ng aking braso habang unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Habang papalapit ay ako naman ay nilalayo ang kaniyang mukha sa akin hanggang sa mapasandal na ako sa couch at wala ng maurungan. Nacorner na nga niya akong tuluyan.

"Sa totoo lang hindi kita pwedeng maging kuya" sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Walang bakas sa hitsura niya ang pagbibiro kaya napalunok laway talaga ako bago nakasagot.

"Ba-bakit?" tanong ko habang siya ay patuloy na pinaglalapit ang aming mga mukha hanggang sa magkadikit ang aming ilong.

"Dahil may gusto ako sayo!" sabi niya at bigla na lang siyang pumikit na para bang nag-aantay siyang halikan ko siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya pero yung kamay ko ay bigla na lang hinawakan ang kaniyang pisngi at ibigay sa kaniya ang gusto niyang mangyari.





Itutuloy.........





A/N: Hey I'm back!!!!!
I'm sorry kahapon pa sana na update to kaso naiwan ko sa bahay ang laptop ko at nakalimutan kong ilagay sa draft ang chapter na to. Moving forward every friday ang update ng story na to. Magfofocus ako ng update dito.

Maraming salamat sa lahat ng support and messages nyo.

Wag kakalimutang mag-VOTE!

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon