Chapter 1: His new target

17.9K 607 38
                                    

Darren as Gunter


Gunter's POV

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa aming kisame. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses ko nang nilibot ang aming bahay simula kaninang umaga. Para akong sira na paikot-ikot at uupo kapag napagod. Ang hirap lisanin ng lugar na to lalo na't nakasanayan mo na. Masyado ata akong naging pilyo kaya pinaparusahan ako ngayon. Una nakipagbreak sa akin ang girlfriend ko tapos ngayon kailangan na naming lumipat ng ate ko sa Laguna. Haay, andami kong mamimiss sa lugar na to, lalung lalo na ang mga tropa ko. Nakakapagod mag-isip, kung nabubuhay lang sana sila mama at papa ay hindi ko mararanasan ang hirap na kinalalagyan naming ngayon. Pinili ko na lang na ipikit ang aking mga mata at maipahinga ang aking isipan. Makalipas ang ilang minuto ay may tumapik sa balikat ko.

"Gunter, ipasok mo na tong mga to sa kotse dahil maya-maya ay aalis na tayo!" utos ni ate. Inaantok pa talaga ako dahil kulang ako sa tulog kagabi kaya hindi ko napigilang magsimangot sa kanya nang gisingin nya ako.

"Hoy Gunter, wag mo akong sinisimangutan ng ganyan kumilos kana!" pagbabanta ni ate at agad akong tumayo sa sofa.

"Opo, eto na po. Anong oras ba tayo aalis?" tanong ko habang naghihikab.

"Pagkarating ni kuya Mico ay aalis na agad tayo" ang tinutukoy ni ate ay ang kanyang boyfriend na si kuya Mico. Siya ang maghahatid sa amin kasama ang mga gamit naming sa laguna gamit ang kanyang kotse.

"Pero ate, hindi pa nakakarating sila Kei at Andrew dito. Aalis na agad tayo?" sabi ko, ang tinutukoy ko naman ay ang mga best friend ko simula pagkabata. Mamimiss ko yung mga lokong yun, sa tinagal-tagal naming magkakasama ay ngayon pa lang kami mahihiwalay sa isa't isa. Magkaklase kami simula kinder hanggang high school. Pero ngayong senior high ay kailangan ko nang lumipat ng school.

"Akala ko ba nagpaalam ka na sa kanila kagabi?" tanong niya habang nagtatali ng buhok sa tapat ng salamin.

"Iba yung kagabi sa ngayon" maiksi kong sagot.

"Daig nyo pa kami ng Kuya Mico nyo ah" natatawa niyang sabi.

"Sira, syempre mga best friends ko yun kaya natural lang namamimiss namin ang isa't isa" sagot ko habang inaayos ang mga bag.

"Alam ko... pero sana naiintindihan mo ang kalagayan natin ngayon."


Natahimik na lang ako. Nakalimutan ko nga palang ang laki na ng sakripisyo ni ate para makapagtapos ako ng pag-aaral. Last year lang nang magpropose ng kasal si kuya mico sa kanya pero tinanggihan niya ito dahil ayaw niya munang mag-asawa hanggang hindi niya natutupad ang pangako niya kila papa at mama na tutulungan akong makapagtapos ng pag-aaral.

Malaking sakripisyo yun para kay ate dahil nanganganib ang relasyon nila ni kuya mico. Akala ko nga ay maghihiwalay na sila dahil mas pinili ni ate ang responsibilidad niya para sa akin kaysa sa sarili niyang kaligayahan. Doon ako naging hanga kay kuya Mico dahil kahit tumanggi sa kanya si ate ay hindi pa rin iniwan ito mas piniling intindihin ang kalagayan namin. Kung mahirap para sa akin ang mahiwalay sa mga tropa ko ay pano pa kaya kay ate na mahihiwalay sa kanyang boyfriend?

Isa-isa kong pinasok sa kotse ni kuya Mico ang mga malalaking bag na naglalaman ng aming mga gamit. Nagpahinga lang sa kanilang bahay si kuya Mico sa kanilang bahay na hindi kalayuan sa tinitirhan namin ngayon. Kakagaling lang nun sa trabaho nang idaan niya ang kotse sa bahay para mailagay na naming ang mga gamit habang nagpapahinga siya. Nang maipasok ko na ang lahat ng bag ay sinara ko ang pinto ng kotse at sakto namang dumating si kuya mico sa gate.

"Uy Gon, ready na ba lahat? Yung ate mo nasan?" Gon ang tawag sa akin ni kuya mico dahil kamukha ko daw si Gon ng Hunter X Hunter noong bata pa ako. Mukha daw kasi akong kengkoy na makulit. Ewan ko ba sa kanya, simula ng tawagin niya akong Gon ay nakasanayan na ring tawagin ako ng mga tao sa palayaw na Gon.

"Andun sa loob nag-aayos pa" sagot ko, naupo ako sa may hagdan malapit sa pintuan. Bago siya lumampas ay tinapik niya muna ako sa ulo at pumasok siya sa bahay.

Wala na nga atang balak magpakita sa akin ang mga lokong yun. Anong oras na, hindi pa rin sila pumupunta dito sa bahay. Ang sabi nila sa akin kagabi ay tutulong silang maghakot ng gamit pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakarating. Hindi nagtagal ay lumabas na ng bahay sila ate at kuya Mico. Nang maipad-lock na ang bahay ay inaya na nila akong sumakay ng sasakyan. Nang makasakay kami sa loob ng kotse ni Kuya ay masama ang loob ko kila Kei at Andrew dahil hindi man lang nila ako pinuntahan bago kami umalis nila ate. Bago pa man mailabas ni kuya mico ang sasakyan ay biglang humarang sa daan ang dalawang loko kong kaibigan.

"Bat ngayon lang sila dumating?" tanong ni ate. Umiling na lang ako at lumabas ng sasakyan.

"Kanina ko pa kayo inaantay san ba kayo pumunta?" naiinis kong sabi.

"Pasensya na may pinuntahan lang kami ni Kei at medyo natagalan" nakangisi niyang sabi at lalo akong naasar.

"Mas importante pa yun kaysa sap ag-alis ko?" inis kong tanong. At bigla namang umakbay sa akin si Kei.

"Loko, masyado kang tampuhin. Oh heto regalo namin sayo" sabay abot niya sa akin ng kulay dilaw na bag. Laking gulat ko ng makita ko ang laman nito.

"Se-seryoso ba to?" hinalungkat ko nang maigi ang laman ng bag at hindi nga ako nagkakamali Nintendo Switch ang laman nito.

"Galing yan sa pinagsama naming ipon ni Kei dahil alam naming wala kang mahihiraman na Nintendo Switch doon at para hindi mo kami ma miss ng sobra" natatawang sabi ni Andrew. Hindi ako makapagsalita sa sobrang tuwa kundi labis na pagngiti lang ang tanging naisasagot ko sa kanila.

"Mag-iingat ka dun ahh... at sana makahanap ka ng bagong girlfriend agad para makalimutan mo na si Shane" dugtong ni Kei at agad ko siyang binatukan.

"Gago, pinaalala mo pa talaga. Pero maraming salamat dito, akala ko nga nakalimutan nyo na ako eh" sagot ko at umakbay na rin sa akin si Andrew.

"Galing pa kaming Data Blitz kanina para mabili lang yan kaya kami natagalan. Pero seryoso mag-iingat ka dun ah. Baka malaman laman namin magiging ninong na kami sa magiging panganay mo" natatawang sabi ni Andrew.

"Siraulo, magaling yata ako!" natatawa kong sagot at sabay-sabay kaming nagtatawanan. Aminado ako na may nangyari na sa amin ni Shane pero sigurado akong hindi ko siya mabubuntis dahil may gamit akong proteksyon sa tuwing magsesex kami. Nakakainis bigla ko tuloy na alala yun kung kelan na aalis na ako.

Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay pumasok na rin ako sa loob ng kotse ni kuya Mico. Bigla na naman akong nalungkot habang nakatingin sa bintana ng kotse. Bakas din sa mga mukha nila Kei at Andrew ang kalungkutan dahil sa tinagal-tagal naming magkakasama ay ngayo'y mahihiwalay na ako sa kanila. Wala rin naman akong choice kundi magtiis hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo hanggang sa magkakuha ako ng trabaho manila. Sa ngayon ay kailangan ko munang magsumikap hanggang sa makapagtapos ako.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon