Chapter 33: One last kiss

3.7K 220 53
                                    

Dylan as Lance

Lance's POVTila nanadya ang tadhana dahil kung kailan lubos na ang pagmamahal namin ni Gunter sa isa't isa ay siya namang nailantad sa amin ang katotohanang magkapatid kami sa ama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lance's POV

Tila nanadya ang tadhana dahil kung kailan lubos na ang pagmamahal namin ni Gunter sa isa't isa ay siya namang nailantad sa amin ang katotohanang magkapatid kami sa ama. Katotohanan nga ba o isang kasinungalingan? Yan ang gumugulo sa aking isipan dahil hindi ko pa rin matanggap ang nangyayari sa amin ngayon. Kapalit ng masayang alaala sa aking kaarawan ay ito ba ang kapalit? Halos hindi na ako makakain at makatulog kakaisip para sa kinabukasan namin ni Gon. Sa panahong kailangan ko siya ay siya namang paglayo niya sa akin. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya kaya siya lumalayo sa akin. Masakit lang sa akin na ganito magtatapos ang aming relasyon.

Maraming gumugulo sa aking isipan na lalong nagpapalaki ng hinala ko na may iba sa mga nilalahad nilang kwento sa amin ni Gon. Bawat istorya ay may kaniya-kaniyang ebidensya na para bang pilit kaming pinapaniwala sa isang kaganapan na mahirap mapatunayan lalong lalo na't matagal na itong nangyari. May mga nabanggit sa akin si Daddy na mga bagay na hindi ko naman iisiping itanong ngunit nagawa niya agad ikwento at mabigyan ng kapaliwanagan na para bang pinaghandaan niya ang araw na ito. Ngunit kung nagsisinungaling si Daddy ay bakit naman siya sasang-ayunan ni Ate Pritz? Masaya si Ate Pritz para sa aming relasyon kaya malabong mangyaring makipagsabwatan siya kay Daddy upang tutulan ang aming relasyon.

Ilang beses akong nagpunta sa bahay nila Gon ngunit ni isang beses ay hindi niya ako hinarap. Maging ang mga tawag at text ko ay hindi niya rin sinasagot. Sa mga sumunod na araw ay hindi ko na siya magawang tawagan yun ay marahil nakablock na ako sa kaniyang contacts. Sa galit ko ay nagawa kong ibato ang aking cellphone na mabilis nasira dahil sa taas ng pinagbagsakan nito. Nagkulong ako sa aking kwarto at walang kinausap na maging sino. Kahit na ang pinsan ko ay nagtataka sa biglang pagbago ng aking ugali ngunit hindi ko sa kaniya masabi ang katotohanan dahil kabilin-bilinan ni Dad na kaming apat lang daw ang pwedeng makaalam nito dahil nagiging sensitibo si Gon pagdating sa usaping ito. May posibilidad na mandiri siya sa amin ngunit alam kong maiintindihan niya rin ang aming kalagayan dahil naging kami ni Gon bago pa namin malaman na magkapatid kami sa ama. Hihintayin ko muna ang desisyon ni Gon kung papayag ba siyang malaman ito ni Kuya dahil ayoko ring kamuhian niya ako kapag nalaman niyang nagmula sa akin ang impormasyon.

Walang araw na hindi ko sibukang makausap si Gon sa pamamagitan ni Ate Pritz ngunit sa bawat pagpupumilit ko ay lagi namang nakikiusap sa akin si Ate Pritz na hayaang makapag-isip muna si Gon. Halos mabaliw ako sa kakaisip sa magiging kahihinatnan naming dalawa. Kahit na nalaman ko pang magkadugo kami ay hindi pa rin nito magawang alisin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sa katunayan ay wala akong maramdamang lukso ng dugo bilang kapatid dahil higit pa sa magkakapatid ang pagmamahal ko sa kaniya. Araw-araw kong dinadalangin na sana ay tuparin niya ang pangakong sinumpa namin sa isa't isa na ano mang mangyari ay kami pa rin ang magsasama.

Matapos ang ilang linggong baksyon ay magsisimula na naman ang pasukan. Labis ang pananabik ko sa araw na to hindi dahil sa muli akong makakapasok sa school, yun ay ang pagkakataong makausap muli si Gunter. Nang sandaling magtagpo ang aming mga mata ay tila sasabog ang aking dibdib sa pinaghalong tuwa at pangungulila sa kaniya. Kung pwede lang sanang mahalikan ko siya sa harap ng maraming tao ay gagawin ko sana ngunit alam kong hindi niya iyon magugustuhan lalong lalo na't magulo ang aming kalagayan. Segundo lang ang tinagal ng pagtitig namin sa isa't isa ngunit sapat na sa akin yun para masilayan ang malaking pagbabago sa kaniyang hitsura at pangangatawan. Tila nawala na ang dating sigla sa kaniyang mukha. Kapansin-pansin sa kaniyang mga mata ang pamamaga na marahil ay sa labis na pag-iyak. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mapansin ang bigla niyang pagpayat. Lalapit na sana ako upang kausapin siya ngunit mabilis siyang nag-iwas ng tingin at naglakad palayo. Hindi ko na siya hinabol dahil alam kong nahihirapan pa rin siyang mag-adjust sa mga nangyari. Kailangan ko munang pigilan ang aking sarili dahil ayokong kamuhian niya ako ng husto kapag ako'y nagpumilit.

Nang makapasok ako sa loob ng aming classroom ay kaagad akong nakarinig ng iba't ibang pagbati mula sa aming mga kaklase ngunit wala ako sa sarili upang sagutin ang kanilang mga pagbati. Kinausap ko ang isa sa aking mga kaklase na nakaupo sa likurang bahagi ng aming classroom na makipagpalitan sa akin ng upuan dahil ayokong mailang si Gon sa akin. Noong una'y nag-aalangan pa siya ngunit nang titigan ko siya ng masama ay mabilis naman siyang nagpaubaya. Wala akong intenson na takutin siya. Sadyang hindi lang talaga maganda ang naramramdaman ko ngayon. Kahit na halata sa lahat na hindi kami magkasundo ni Gon ay mayroon pa ring mga kaklase namin na nangungulit upang alamin kung ano nga ba ang nangyayari sa aming dalawa.

"Feeling ko pre nahuli to ni Gon na nambabae" pabulong na sabi ng aming kaklase na sadyang naririnig ko naman.

"Oh baka naman hindi ka nakaisa kaya badtrip ka ngayon pre" tugon ng isa naming kaklase na nagpatawa sa iilang nakarinig. Nagawa niya pang akbayan ako na para bang sobrang close namin sa isa't isa na mas lalong nagpapikon sa akin. Nakangiti ako ng lumingon sa kaniya na buong akala niya ay nakikipagbiruan din ako sa kaniya ngunit nagulat siya nang lumapat ang kamao sa kaniyang mukha.

Sa maswesrteng pagkakataon ay nasaksihan ito ng aming guro na kakapasok lang ng aming classroom. Karamihan ay nabahala dahil sa dami ng dugo na umagos mula sa ilong ng aming kaklase na nakatikim ng malakas kong suntok. Wala akong pakialam sa naging reaksyon nila para sa akin. Wala akong pakialam kung kamuhian nila ako dahil hindi na ito bago sa akin. Ang masakit lang ay ang makita mo na walang pakialam sayo ang taong pinakamamahal mo. Hindi man lang niya nagawang lingunin ako nang ipadala ako ng aming guro sa principal's office. Siguro nga ay wala na talaga siyang naramramdaman para sa akin.

Gulong gulo ang isipan ko at lalo akong nawalan ng pag-asang lumaban pa dahil sa patuloy na paglayo sa akin ni Gunter. Ilang beses akong nasigawan ni dad sa telepono nang malaman niya ang ginawa ko. Idagdag mo pa ang makulit naming principal na pilit akong pinagsasalita sa pagkakataong ninais kong manahimik. Sa sandaling makaalis ako sa principal's office ay para bang may nag-uudyok sa akin na tapusin ko na ang aking buhay sa kadahilanang wala na itong saysay. Isa lamang akong sakit sa ulo pagdating sa ama ko. Hindi ako mabuting kaibigan para sa mga kaklase ko. Ang malala pa ay hinding hindi na manunumbalik ang pagmamahal sa akin ng taong mahal ko dahil mabilis ng bago ang tingin niya sa akin nang malaman niyang magkadugo kami.

Sa huling pagkakataon ay tumawag ako sa kaniya upang ipaalam na nais ko siyang makita bago ko man lang tapusin ang aking buhay. Hindi ko inaasahang magiging mabilis ang kaniyang pagpunta dahil ilang minuto lang ang lumipas mula ng ako'y tumawag. Handang handa na akong harapin ang aking kapalaran ngunit sa sandaling akin siyang harapin ay tuluyan akong naawa sa kaniyang kalagayan. Labis akong nataranta nang makita ko siyang nakaluhod habang ang kaniyang ulo ay nagdurugo. Nakonsensya ako sa pagtangkang pagkitil ko sa aking buhay. Kung sakali mang pumanaw ako ay tila hindi ako matatahimik kung makikita ko siyang ganito ang kalagayan.

Sa sandaling maglapat ang aming labi ay tila umagos ang mga alaala ng aming mga pinagsamahan. Pinapaalala nito kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Labis-labis ang pananabik namin sa isa't isa na para bang kay tagal naming hindi nagkita. Ngayon ko napagtanto kung gaano kahalaga ang buhay dahil sa sandaling bawiin sa akin ito ay tiyak na hindi ko na muling mararanasan ang bagay na ito. Hinding hindi ko na masisilayan ang matatamis niyang ngiti na siyang nagpalambot sa aking damdamin. Hinding hindi ko na mararamdaman ang kaniyang mga yakap na pumawi sa aking kalungkutan. Lalong lalo na ang kaniyang halik na nagpadama sa akin kung ano nga ba talaga ang pakiramdam ng totoong pagmamahal.

Naging lihim ang muli naming pagbabalikan sa dahil sa mga hinala't katanungan na nais naming malutas sa sarili naming pamamaraan. Sa pamamagitan ng isang messaging app ang nagiging daan namin upang makapag-usap dahil pakiramdam ko ay mayroon ng tracker ang aking cellphone. Hindi ko ring magawang magpalit ng panibagong cellphone dahil alam kong maghihinala sa akin si dad kapag ginawa ko iyon. Lihim naming isinagawa ang muling pagkuha ng DNA test ni Gunter upang malaman kung nagsasabi nga ba ng totoo sina Dad at si Ate Pritz.

Sa pagkakataong makuha namin ang resulta ay kapwa kaming nangangamba dahil hindi pa rin nawawala sa amin ang umasang hindi kami magkadugo. Kung mapatunayan man naming hindi kami magkamag-anak ay ano kayang dahilan upang magsinungaling sa amin si Dad at Ate Pritz?

"Mali ito, tiyak na minamanipula ni dad ang resulta. Subukan natin sa ibang hospital na malayo sa lugar na to" mabilis kong sambit nang mabasa namin ang resulta na tumutugma pa rin na magkadugo si Dad at si Gunter. Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay ngunit nanatili lamang siyang nakatayo habang nakayuko ang ulo.

"Anong problema?" tanong ko at sinubukang hawakan ang kaniyang mukha ngunit mabilis niya itong inangat.

"Tayo! Tayo ang problema Lance" sagot niya at bigla na lang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mabilis ko siyang niyakap papalapit sa akin. Hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya kahit na nasasaktan na ako sa marahas na pagpupumiglas niya.

"Bakit mo pa kasi ako pinagtripan? Bakit mo pa kasi ako pinagbibiro? Bakit mo pa kailangang ipakita sa akin ang mga mabubuting katangian mo na iilang tao lang ang nakakaalam? At bakit?" sigaw niya habang patuloy ang pag-iyak na siyang unti-unting dumudurog sa aking damdamin.

"Sa dinamirami ng mga taong maari kong mahalin ay bakit sayo pa ako nahulog?" Ikaw na..." hindi niya naituloy ang nais niyang sabihin at nagawa niya akong itulak papalayo sa kaniya.

"Na ano? Ako na kapatid mo?" tugon ko na lalong nagpasikip ng aking damdamin. Ang hirap para sa akin na banggitin ang salitang kapatid lalong lalo na sa taong pinakamamahal ko.

"Wala tayong kasalanan Gon dahil kapwa tayong biktima ng katotohanan!" dugtong ko habang siya ay umiiling. Hindi na niya ako magawang tingnan sa mukha habang patuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak. Sinubukan kong lumapit sa kaniya upang yakapin siya at patahanin sa kaniyang pag-iyak ngunit nagsimula siyang lumakad palayo sa akin. Bago pa man siya makaalis ay nagawa kong hawakan ang kaniyang kaliwang kamay upang mapigilan sa paglayo niya sa akin.

"Gusto kong malaman mo na... Kahit na magkapatid tayo ay hinding hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo" matapos kong sambitin ang mga salitang iyon ay siya namang pagpatak ng aking mga luha. Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya sapagkat pinili niyang kumalas mula sa pagkakahawak ko sa kaniya at nanakbo palayo sa akin. Tila nanlambot ang aking tuhod at hindi ko ito magawang ihakbang. Nais kong habulin si Gon dahil natatakot akong baka ito na ang huling sandali na magkikita kaming muli ngunit ano mang gawin ko ay ayaw makisama sa akin ng aking katawan.

Kasabay ng aking pag-iyak ay ang mabilis na pagbuhos ng malakas na ulan. Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng aking kotse habang nagmamadaling tawagan si Gon. Nag-aalala ako na baka may mangyaring masama sa kaniya dahil wala siyang masasakyan ngayong malakas ang ulan. Ilang beses kong sinubukang tawagan ang kaniyang number ngunit hindi niya ito sinasagot. Sa sobrang inis ko ay nagawa kong ibato sa backseat ang aking cellphone habang paulit-ulit na pinagsusuntok ang manibela na lumilikha ng ingay dahil sa pagtama ng kamao ko sa horn.

"Tangina bat ba nangyayari to?" hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa labis na sakit na aking nadarama. Parang bang pinaglalaruan ako ng tadhana. Alam kong hindi ako naging mabuting tao sa mga taong nakapalibot sa akin. Unti-unti kong binago ang aking sarili dahil kay Gon. Pero hindi naman ata patas na kabayaran ng aking mga kasalanan ang mga nangyayari ngayon.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon