Chapter 17: His kiss is driving me crazy

6.4K 346 29
                                    

Dylan as Lance

Gunter's POVMatalik na magkaibigan kami ni Andrew simula pagkabata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Gunter's POV

Matalik na magkaibigan kami ni Andrew simula pagkabata. Walang lihim na maitatago sa aming dalawa. Halos lahat ata ng nangyayari sa aming buhay ay alam ng bawat isa. Alam niya ang naging buhay ko nang mawalan kami ng magulang ni Ate Pritz. At ako rin naman ay saksi sa paghihiwalay ng kaniyang mga magulang. Lahat ng pagsubok at kalokohan ay aming napagsamahan sa mga nagdaang panahon. Ang buong akala ko nga ay wala ng makakapaghiwalay sa aming dalawa. Solid na solid ang samahan namin lalong lalo na nang masama si Kei sa samahan namin kung saan mas lalong gumulo at sumaya ang grupo.

Habang kami ay nagbibinata ay may kaniya-kaniya kaming nagugustuhang bagay. Mas nagiging halata ang pagkakaiba namin sa isa't isa. Kahit ganun pa man ay malawak pa rin ang pang-unawa namin at respeto sa gusto ng bawat isa. Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay yung nagset pa si Kei ng rule para sa aming tatlo na bawal ligawan ng isa sa amin ang kapag nagkagusto na ang isa. Madalas kasi sa mga nagugustuhan ni Kei ay may gusto kay Andrew kaya naman ginawa niya nag rule na yun para hindi ligawan ni Andrew ang mga babaeng crush niya.

Pagdating sa usaping pag-ibig ay open kami sa isa't isa. Maging sa mga experience pagdating sa pakikipagsex sa aming mga kasintahan ay napag-uusapan namin. Naging buo ang samahan namin nang matagal dahil sobrang open namin sa isa't isa. Hinding hindi namin hinahayaang maglihim ang bawat isa dahil alam naming kalaunan ay mabubunyag din naman ito. Pero nagkamali pala ako sa bagay na masyado kaming tapat sa isa't isa dahil matagal na palang naglilihim ang dalawa sa akin. Noong una ay hirap akong paniwalaan ang mga sinasabi ni Andrew pero sa aming magkakaibigan ay siya ang pinakaseryoso at hindi mahilig magbiro ng matagal. Kapag nagsisimula siya ng prank ay kaagad siyang nabibisto dahil nauunahan siya ng pagtawa. Ngayon ay walang bahid ng kalokohan ang mga sinabi niya dahil naging iba ang kinikilos niya. Dahil sa mga nangyari ay hindi ako nakatulog sa kakaisip.

Hindi ko rin inaakala na magagawa namin ni Lance ang isang bagay na hindi dapat ginagawa ng dalawang lalaki. Dati ay nagagawa niya pa akong pagtripan gaya ng paghalik halik niya sa akin pero ngayong nahawakan na niya ang aking ari ay ibang usapan na ito. Ang malala pa ay nagawa kong magpalabas sa tulong ng kamay niya habang hayok na hayok kaming sa paghahalikan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at nagawa ko ang bagay na yun. Sa sobrang pagod ko ay napadapa ako sa kama at panandaliang iniwas ang paningin kay Lance.

"Hoy ano tutulugan mo na lang ba ako?" narinig kong sabi niya pero parang masyadong nanlalambot ang katawan ko para sawayin pa siya.

"Ano yun ikaw lang ang nasarapan tapos ako hindi mo tutulungan?" bigla na lang siya dumagan sa ibabaw ko at naramdaman ko ang kaniyang hinaharap na tumutusok sa pwetan ko. Tangina! Gusto ko siyang itulak pababa sa kama pero bakit parang nanghihina ang buong katawan ko. Natatakot ako sa binabalak niya at ayokong gawin niya yun sa akin.

"Pwede ko bang pasukin to?" nanlamig ang batok ko nang marinig ko yun at bago pa man ako makapagsalita ay nagawa niyang ibaba ang boxer shorts na suot-suot ko. Nataranta ako kaya naman napatayo ako at naitulak ko siya palayo sa akin.

"Tigilan mo ako Lance!" malumanay kong sabi. Nanlalambot talaga ako, para bang nahigop lahat ng lakas ko.

"Eto naman hindi mabiro, sige na matulog ka na" sabi nya sabay halik sa noo ko. Nabigla ako sa ginawa niya dahil hindi ko inaasahan na magpaparaya siya ng ganun ganun lang.

"Ooh bat ka sakin nakatingin ng ganyan? Itutuloy pa ba natin?" dugtong niya habang nakangisi.

"Ewan ko sayo!" tugon ko sabay talukbong ng kumot sa aking katawan. Habang nasa loob ng kumot ay inangat ko ang aking boxer.

Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin at ang akala ko pa ay magbibiro siyang muli pero nanatili lamang siya sa ganong posisyon. Wala na akong narinig na ano mang salita mula sa kaniya at mukhang natulog na siya. Hindi ako sanay matulog ng nakatalukbong dahil parang malulunod ako sa loob ng kumot. Idagdag mo pa ang pagkakayakap sa akin nang mahigpit ni Lance. Nang hindi ako makatiis ay tinanggal ko rin ang kumot na nakatakip sa aking mukha. Para akong sumisid sa ilalim ng tubig at umangat para makakuha ng hangin. Nanatili ako sa ganong posisyon ng ilang minuto bago ako lumingon kay Lance. Pagkaharap ko sa kaniya ay dilat na dilat pa ang mata ni loko. Nagawa niya pang ngumiti nang magtagpo ang aming mga mata.

"Bat gising ka pa?" tanong ko. Wala akong matinong masabi matapos ng nangyari kanina.

"Inaantay ko na magbago ang isip mo" masaya niyang sagot. Ang weird niya ngayon para siyang siraulo sa kakabungisngis niya. Hindi ko nagawang makasagot sa kaniya at nanatili lamang akong nakatingin sa kaniyang mukha. Kitang kita ko ang pagbabago sa kaniyang reaksyon mula sa pangiti-ngiti hanggang sa maging seryoso ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nakatitig sa isa't isa na para bang kinakabisado namin ang bawat parte ng mukha ng isa't isa. Hanggang sa bitawan ko ang isang tanong na matagal ko nang gustong itanong sa kaniya.

"Sa tingin mo bakit natin ginagawa to?" tanong ko sa kaniya. Matagal siya bago nakasagot at tila hindi narinig ang aking sinabi. Huminga siya nang malalim bago siya magsalita.

"Noong una ay gusto lang kita talaga pagtripan. Hindi ko alam kung bakit aliw na aliw ako sayo sa tuwing nakikita kitang napipikon. Hanggang sa mapansin ko na lalong lumalalim ang samahan natin at nagiging normal na sa akin ang mga ginagawa ko sayo" sagot niya na walang halong pagbibiro dahil bakas sa mukha niya na seryoso siya sa kaniyang mga sinasabi.

"Pero hindi normal sa magkaibigan itong ginagawa natin" sagot ko.

"Syempre higit na dun ang pagsasama natin" nagulat ako nang sabihin niya yun.

"Anong ibig mong sabihin?" mabilis kong tanong.

"Matagal kong pinag-isipan to eh. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung ano kaba talaga sa akin. Hindi pa ako nakakatagpo ng tao na nagparanas sa akin ng ganitong pakiramdam. Yun bang kontento na ako na ikaw lang ang kasama ko. Madalas akong natutulog sa inyo hindi dahil gusto kong tumakas sa bahay. Hindi dahil sa nagugustuhan ko ang luto ng ate mo. Yun ay dahil nandun ka sa bahay na yun kaya ako nanatili dun" tumigil siya sa pagsasalita at bigla na lang hinaplos ang mukha ko.

"Ang nakakainis pa ay sa tuwing mag-isa ako ay ikaw tong laging naalala ko. Noong una akala ko ay nagagawa ko ang lahat ng to dahil parang kapatid lang ang turing ko sayo pero higit pa pala dun. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi ako bakla at hinding hindi ako magkakagusto sa kapwa ko. Pero ewan ko ba pagdating sayo ay iba ang nararamdaman ko. Kaya kita inaya sa bahay na to para alamin ko sa sarili ko kung tama nga ba tong nararamdaman ko para sayo. At mukhang tama nga ang naging desisyon ko dahil mas napatunayan kong hinding hindi kita kayang ibigay sa iba. Sobrang napamahal kana sa akin at hindi ko kayang makita ka sa iba" para bang binuhusan ako ng malamig ng tubig sa buong katawan nang marinig ko ang pag-amin ni Lance. Yung kay Andrew pa nga lang ay nahihirapan na akong paniwalaan tapos idagdag mo pa tong si Lance. Pinagmasdan ko nang husto ang kaniyang mukha kung nagbibiro ba siya pero seryoso talaga siya sa kaniyang mga sinabi.

"Ano wala ka man lang sasabihin?" sabi niya nang mapansin niyang natulala ako.

"Anong gusto mong sabihin ko?" tanong ko naman sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang sasabihin sa kaniya. Pero ewan ko ba kung bakit natutuwa akong marinig ang pag-amin niya sa akin. Ibang iba ang nararamdaman kong to kumpara sa pag-amin ni Andrew sa akin.

"Edi sabihin mong, Lance mahal din kita. Matagal na akong may gusto sayo at sobra kong pinagnanasaan ang kagwapuhan mo. Walang makakapantay sa kagwapuhan mo at hinding hindi matutumbasan ni Andrew ang pagmamahal ko sayo" bigla kong tinapik ang kamay sa aking mukha at bahagyang napaatras.

"Gago!" ang tangi kong nasabi at siya naman ay tumawa. Hindi ko tuloy malaman kung kelan siya seryoso at hindi.

"Pero hindi ko alam kung nagliligawan din ba ang mga taong ganito ang relasyon" tumingin siya sa akin na para bang nag-aantay ng sagot ko.

"Aba malay ko, wala pa akong karanasan sa ganyan" mabilis kong tugon at iniwas ang tingin ko sa kaniya.

"So sinasabi mong posibleng maging tayo?" tanong niya at lumapit siya sa akin.

"Wala akong sinasabing ganun" pag depensa ko at lumayo ng kaunti sa kaniya.

"Pero sa totoo lang wala pa akong karanasan sa pangliligaw" napailing ako nang marinig kong sabihin niya yun.

"Walang maniniwala sayo!" sagot ko sa kaniya at ako nama'y inakbayan niya para hindi ako makalayo sa kaniya.

"Totoo nga, sila kasi tong nagpapakita ng motibo sa akin tapos pag gusto ko rin sila ay nagiging kami na na walang panliligaw na nangyayari" pagkasabi niya ay hindi ko mapigilang mapabuntong hininga dahil wala talagang makakapantay sa kayabangan niya.

"Pero hayaan mo. Ipapakita ko sayo kung pano manligaw ang isang Lance Fuentes" kumindat siya sa akin habang ang aming mukha ay sobrang lapit sa isa't isa.

"Itulog mo na lang yan" ang tangi kong nasabi. Bigla na lang akong nakaramdam ng hiya nang kumindat siya sa akin. Kaya naman nahiga ako habang nakahawak ang isa kong kamay sa aking dibdib. Ewan ko ba kung bakit sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nang nakahiga na ako at nakatalikod sa kaniya ay buong akala ko ay matutulog na siya pero muli siyang yumakap sa akin at nagsalita.

"Ano kayang magiging tawagan natin kapag naging tayo na?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot at pinikit ko na lang ang aking mga mata. Nagkunwari akong tulog para hindi na niya ako kulitin pero ang hindi ko kayang itago ay ang mga ngiti sa aking labi.


Kinabukasan ay nagising ako na sobrang gaan ng pakiramdam ko. Naging komportable ang aking pagtulog dahil sa lamig ng panahon at ang malakas ang air condition sa kwarto. Sa kapal ng kumot ay ramdam ko pa rin ang lamig sa paligid. Mabuti na lang at medyo mainit ang niyayakap kong unan. Kiniskis ko ang aking mukha sa unan para damhin ang init nito at marahang hinaplos ito. Habang nakapikit ako ay sobrang sarap ng pakiramdam ko. Nagulat na lang ako nang may maramdaman akong kamay sa likod ng ulo ko at napadilat ako.

"Mukhang napasarap ang tulog mo ahh" ang sabi kaagad sa akin ni Lance. Ilang beses kong pinikit at dinilat ang aking mata para malaman kong nanaginip lang ba ako pero totoo ang nakikita ko.

"At nagawa mo pang himas himasin tong katawan ko" dugtong pa niya habang nakangiti na tila nang-aasar. Pagsilip ko sa aking kamay na nasa loob ng kumot ay nakapatong ito sa ibabaw ng pusod ni Lance. Napabalikwas ako sa kama at napahawak sa katawan ko.

"Anong ginawa mo sa akin?" tanong ko sa kaniya habang kinakapa ko ang sarili kong katawan.

"Excuse me? Ikaw kaya tong nagkiskis ng mukha sa dibdib ko at humihimas sa abs ko tapos ako tong pagbibintangan mo?" tugon niya. Pucha hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya napatakbo ako sa banyo at mabilis na sinarado ito.

Nagtungo kaagad ako sa lababo para tingnan ang aking sarili sa harap ng salamin. Bakas sa aking mukha ang pamumula nito kaya kaagad akong naghilamos para magbaka sakaling mawala ito. Ngunit sa bawat paghilamos ko ay tila hindi nawawala ang pamumula nito. Nagawa ko pang sampalin ang aking sarili para lang gisingin ang aking sarili baka binabangugot lang ako. Ano bang nangyayari sa akin at hindi ko magawang ikalma ang sarili ko? Si Lance lang naman yun at mukhang pinagtitripan lang ako. Kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko na wala lang ito ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko yung kahihiyang ginawa ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nanatili sa loob ng banyo at narinig ko na lang pagkatok ni Lance sa pinto ng banyo.

"Hoy matagal ka pa ba dyan? Ako naman gagamit ohh.. hindi pa ako nakakaraos kagabi kaya bilisan mo!" sigaw niya na para bang kaming dalawa lang ang tao sa bahay na to. Papano na lang kapag narinig ni Andrew yun malamang iisipin niya na may nangyari sa amin ni Lance. Ang ibig kong sabihin ay baka iba ang kaniyang isipin kapag narinig niya ang sinabi ni Lance kasi hindi talaga ganun ang nangyari kagabi. Haay bat ba ako nagpapaliwanag sa sarili ko?

"Solve ba?" bungad ni Lance nang makalabas ako ng banyo. Sa inis ko ay hinampas ko siya ng tuwalyang ginamit ko na mabilis namang niyang nasalag ng kaniyang kamay. Nanakbo siya papasok sa loob ng banyo habang tumatawa. Hindi nagtagal nang marinig ko ang kaniyang boses mula sa banyo.

"Uggh...ganyan nga Gunter, galingan mo pa!" sabi niya. Napakagago talaga niya. Wala akong nagawa kundi lumabas ng kwarto baka marinig ni Andrew ang pang-aasar sa akin ni Lance at isipin niya na may ginagawa kaming kakaiba. Hahayaan ko siyang magmukhang tanga sa loob ng banyo.


Paglabas ko ng kwarto ay naamoy ko kaagad mula sa kinatatayuan ko ang mabangong niluluto. Mukhang masarap ang niluluto ni Andrew na nagpakalam lalo ng sikmura ko. Mabilis akong nagtungo sa kusina para alamin kong ano ang niluluto niya. Hindi niya napansin ang pagdating ko at hindi ko napigilan ang aking sarili na matuwa nang makita ko ang paborito kong ulam sa almusal ang niluluto niya.

"Wow ang sarap niyan ahh" sabi ko sabay akbay sa kaniya. Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa kong pag-akbay. Halata sa kaniyang mukha ang pagkabigla dahil sa aking ginawa. Saka ko lang napagtanto na may ilangan parin pala kami sa isa't isa. Binawi ko ang aking kamay na nakaabay sa balikat niya habang nakangiti.

"Sa tuwing nagtatalo kasi tayo dati nasusuyo kita kapag binibigyan kita ng ulam na to" sabi niya habang binabaliktad ang piniprito niyang dinaing na bangus.

"Sana masuyo pa rin kita kahit na malaki na tayo" dugtong niya. Naghalo ang lungkot at saya sa aking damdamin. Malungkot dahil para bang hindi na namin maibabalik yung dating samahan na meron kami dati dahil sa biglang pag-amin niya. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya dahil sa ginawa niya. Medyo nakakailang lang sa akin dahil sabay kaming lumaki at parang kapatid na rin talaga ang turing namin sa isa't isa. Masaya dahil kahit ilang beses kaming magtalo ni Andrew ay nariyan pa rin siya at gumagawa ng paraan para maayos ang aming pagkakaibigan.

"Drama mo!" sabi ko sabay suntok na mahina sa kaniyang braso. Tumawa siya nang mahina habang nagluluto.

Tinulungan ko siya sa paghahain ng pagkain. Bawat minuto ng pag-uusap namin ay tila nanunumbalik ang mga masasayang alaala na meron kami. Unti-unting nawawala yung ilangan na meron kami at nagagawa naming mag-asaran. Siguro yun ay dahil walang nagtangka sa aming dalawa na mag-open tungkol dun. Hindi ko rin alam kung papano sasabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko dahil baka pag hindi ako nag-ingat ay maaaring magkaroon ng lamat ang aming samahan.

Walang pinagbago kay Lance dahil nang makarating siya sa mesa ay nakahain na ang lahat at wala na siyang gagawin kundi ang kumain. Kahit kelan senyorito pa rin ang loko. Kanina lang ay ang ingay namin ni Andrew dahil nagagawa naming magkulitan pero nang dumating si Lance ay natahimik ang hapag kainan. Ang nakakainis pa ay sa tuwing magtatagpo ang tingin namin ni Lance ay bigla na lang siyang kikindat at ngingiti na parang gago. Hindi nakalagpas ang mga bagay na yun kay Andrew kaya halata sa kaniyang mukha ang pagtataka sa kinikilos ni Lance. Nang matapos ang aming almusal ay bigla na lang nagsalita si Andrew.

"Gon, uuwi na ako mamaya" biglang sabi niya.

"Finally!" tugon ni Lance habang nakataas pa ang dalawang kamao sa ere. Tiningnan ko siya nang masama at siya naman ay tumingin sa akin na para bang sinasabi niya na wala naman siyang maling ginagawa.

"Tumawag sa akin si mama kanina at kailangan ko na daw bumalik dahil may aayusin pa kaming papers bago ang flight namin" dugtong niya at binalewala ang narinig niya mula kay Lance. Nalungkot naman ako nang marinig ko ang mabilis niyang pag-alis.

"Good luck dun pre, mag-ingat ka sa mga babae dun" sabi ko habang pinipilit ang pagtawa. Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko. Sa sandaling ito ay dapat nagpapaalam ako ng maayos sa kaniya dahil wala ring kasiguraduhan kung kelan mabubuo ang samahan naming tatlo. Imbes na mainis ay ngumiti siya bilang sagot sa sinabi ko na lalong nagpalungkot sa akin.


Ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Kumukuha pa kasi ako ng lakas ng loob para kausapin ng maayos si Andrew. Ewan ko ba kung bakit dinadaga ako eh matalik naman kaming magkaibigan nito. Isa pa ay ayoko ring makasalamuha saglit si Lance dahil kung ano-anong kalokohan ang naiisip niya kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Hindi ngayon ang tamang panahon para makipagtuos ako kay Lance dahil mas mahalaga ang makapag-usap kami ng masinsinan ni Andrew. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay kaagad kong hinanap ang kinaroroonan ni Andrew at nakita ko siyang nakaupo sa duyan labas ng bahay. Dahan-dahan akong lumapit dahil ayokong maistorbo ko siya dahil mukhang may kausap siya sa cellphone.

"Kahit naman magpaalam ako ay hindi niyo rin naman ako papayagan di ba? Uuwi na ako mamaya!" inis niyang sabi at kaagad niyang tinigil ang tawag. Pagkalagay niya ng cellphone sa kaniyang bulsa ay saka niya lang ako napansin. Umuurong sya sa duyan at inaya akong maupo sa tabi niya.

"Pinapauwi ka na?" tanong ko nang makaupo ako sa kaniyang tabi.

"Sa totoo niyan ay hindi talaga ako nagpaalam kay mama nang pumunta ako sa inyo" sagot niya habang nakayuko ang ulo at kinikiskis ang mga paa sa damo. Huminga ako ng malalim bago ako magsalita.

"Wala ka pa ring pinagbago, sa tuwing tumatakas ka sa inyo ay laging ako ang kasama mo. Buti na lang at hindi ako nadadamay sa pagpalo ni Mama MInda sayo" natatawa kong sabi habang inaalala ang aming mga nakaraan at siya nama'y ngumiti sa akin.

"Lagi kang nandiyan sa tuwing kailangan kita. Lahat ng problema ko noon ay alam mo at sinasabi ko sayo. Ikaw pa nga tong nagturo sa akin sa panliligaw. Tapos ngayon.." tumingin ako sa kaniya para makita ang reaksyon niya bago magsalita. Nanatiling kalmado ang mukha niya habang nag-aantay ng aking sasabihin.

"Hindi naman ako galit na naglihim ka sa akin. Siguro nagulat lang ako dahil labis ang pag-iidolo ko sayo simula bata pa lang tayo. Kaya naman halos lagi akong nakabuntot sayo at ikaw ang madalas kong hinihingan ng payo. Pero kahit ganyan ang pagtingin mo sa akin ay mananatili ka pa ring matalik na kaibigan ko. Hindi ko man maibigay ang gusto mong mangyari ay hinding hindi pa rin magbabago ang turing ko sayo" nakaluwag sa aking damdamin nang sabihin ko ang mga salitang yun. Masaya din ako nang makita ko ang labis na pagngiti niya.

"Hindi pa nga nagsisimula panliligaw ko ay nabasted na kaagad ako?" nagulat ako nang sabihin niya yun pero bigla siyang natawa kaya naman alam kong pinagloloko lang niya ako.

"Salamat. Sa totoo lang ay hindi naman ako umaasa na mamahalin mo rin ako. Ang gusto ko lang ay malaman mo ang totoong nararamdaman ko bago man lang ako umalis. Gusto rin kasi kitang makasama bago man lang ako umalis dito" tumango ako bilang pagsang-ayon sa mga sinabi niya.

"Tama na nga ang drama at kailangan mo nang umuwi baka mapalo ka pa ni Mama Minda" pang-aasar ko at bigla na lang niya akong inakbayan nang mahigpit at nilapit ang ulo ko sa kaniyang dibdib at saka niya ako kinutusan ng mahina.

"Grabe ang pananatsing mo ahh!" dugtong ko pa kaya naman hinawakan niya ang tagiliran ko kung saan malakas ang kiliti ko. Napakadaya dahil mas malakas siya sa akin kaya hindi ko magawang makalaban sa kaniya. Halos maubusan na ako ng hangin sa kakatawa ng marinig kong sumigaw si Lance.

"Maghaharutan na lang ba kayo dyan?" inis niyang sabi. Mukhang handang handa na siyang umali dahil sa bihis niya. Hindi rin naman nagtagal ay pumasok siya sa loob at kami naman ni Andrew ay muling nagtawanan na parang mga bata. Habang naglalakad kami papasok ng bahay ay may binulong sa akin si Andrew.

"Alam mo mag-iingat ka dyan sa Lance na yan. Mukhang may balak na masama sayo" sabi niya habang ako ay napapailing na lang. Wala siyang kaalam-alam na nagawa na ni Lance kagabi ang sinasabi niyang balak gawin.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon