Dylan as Lance
Lance’s POV
Walang salitang tutumbas sa ligayang nadarama ko ngayon. Hindi ko lubos akalain na magagawa nila akong supresahin sa aking kaarawan. Ang buong akala ko ay makakapagdiwang kami ng tahimik ni Gunter na kami lang ang magkasama ngunit heto ako ngayon naglalakad sa hagdan na para bang isang debutante. Ang init sa pakiramdam ng costume na binigay sa akin ni dad. Sobrang nawiwirduhan pa nga ako nang ibigay niya sa akin ang costume matapos niya akong batiin ng ‘Happy Birthday’. Nagdalawang isip pa ako kung isusuot ko pa baa ng costume ngunit minsan lang humingi ng pabor sa akin si dad kaya naman ginawa ko ang nais niyang mangyari. Takot ko lang na bawiin niya bigla ang birthday gift niya sa akin na bagong Matte black Lamborghini kaya naman na pabihis ako sa costume na to.
Sobra akong namangha sa ayos ng bahay dahil wala naman ang mga dekorasyon na to kaninang pagdating ko. Bago rin kasi ako makapasok sa loob ng bahay ay pinagsuot ako ng blindfold ni dad. Ang akala ko ay para lang yun sa surpresa niyang binigay na kotse sa akin. Yun pala ay para rin mapagtakpan ang hinanda nilang pakulo sa araw na to. Habang nililibot ko ang aking mata sa paligid ay mabilis kong napansin ang aking mga tropa at iilang kaklaseng dumalo. Kagaya ko ay nakasuot din sila ng mga costume na para bang dadalo kami sa isang cosplay convention. Ang pinagkaiba lang ay para kami yung sapaw lang sa event at hindi naman talaga magkocompete.
Hindi ko mapigilang mapangiti nang masilayahan ko ang nakakatuwa nilang ayos. Kasabay ng aking paglalakad ay ang tugtog na tila ba narinig ko na noong ako ay bata pa pero hindi ko maalala kung ano. Hinanap ko sa paligid ang salarin ng kalokohang ito at alam kong hindi si Gunter ay may pakana nito dahil malabong maisipan niyang magsuot ng ganito. Bago ko pa makita ang aking pinsan na siyang may pakana sa kakaibang ayos namin ay tila napako ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang isang babae na ubod ng ganda. Ang babaeng nasilayan ko ay walang iba kundi ang taong pinakamamahal ko. Hindi ko mapigilang mapamura sa loob-loob ko nang makita ko siya sa kaniyang kasuotan. Walang sinabi ang kagandahang taglay niya kumpara sa mga babaeng nasa paligid niya. Para bang nakakita ako ng isang diwata na may mahabang buhok na siyang may hawak ng birthday cake ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sobrang tuwang nadarama dahil kahit na labag sa loob niya ay ginawa niyang magbihis babae para lang sa kaarawan ko.
Mula sa mabagal na paglalakad ay bigla na lang bumilis ang aking pagkilos hanggang sa magtagpo kami sa gitna. Kaagad kong nilagay ang aking mga kamay sa ilalim ng kaniyang mga kamay upang alalayan siya sa pagbuhat ng cake. Para bang may mahika ang kaniyang pagtitig sa akin na tila nagpapawala ng aking pagkontrol sa sarili. Muntikan ko na siyang siilin ng halik sa harap ng mga taong nakapalibot sa amin ngunit mabuti na lang at nagsimula silang kumanta na pumukaw sa aking atensyon.
Masasabi ko na isa to sa pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Puro tawanan at lokohan ang nagiging usapan. Karamihan sa kanila ay masaya maliban na lang sa mga babaeng masama ang tingin kay Gunter. Wala silang kaalam-alam na ang akala nilang babaeng kasama ko ay ang kaklaseng kanina pa nila hinahanap. Kaya naman hindi ko inalis ang kamay ko sa kaniyang baywang upang hindi siya malayo sa akin. Baka sa isang iglap lang maiwan ko siyang mag-isa ay baka dumugin na siya ng mga kababaihan. Sinisita pa nila ako na panay daw ang bulong ko kay Georgina pero ang totoong ginagawa ko ay inaamoy ko lang siya dahil sobrang nakakahumaling ang amoy niya ngayon. Nang magkaroon ng pagkakataon na malayo sa aming mga kaklase ay kaagad kong niyakap nang mahigpit si Gunter.
BINABASA MO ANG
The Curse of Fuentes Kiss (BL)
Romance"Siraulo lang ang maniniwala sa sumpa na yun. Malabong magkagusto ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na babae pa rin ang gusto ko. Pero bakit siya na lang lagi ang nasa isipan ko?" -Gunter Kaya bang baguhin ng isang halik ang lahat? Status: Co...