Chapter 20: You In Me

6K 543 51
                                    

Darren as Gunter

Lance's POVMatapos may mangyari sa amin ni Gunter ay para bang nahihibang ako dahil siya na lang palagi ang nasa isipan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lance's POV

Matapos may mangyari sa amin ni Gunter ay para bang nahihibang ako dahil siya na lang palagi ang nasa isipan ko. Simula nang pumasok kami sa school ay hindi ko hinahayaang mawala siya sa paningin ko. Maging sa pagpunta niya sa banyo ay sinasamahan ko siya dahil natatakot akong baka sa isang iglap ay mawala siya sa akin. Sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na iparamdam sa kaniya ang aking nararamdaman. Alam kong minsan ay ayaw niyang gawin ang mga bagay na ginagawa ko sa kaniya pero lagi siyang nagpaparaya para sa akin. Ayoko siyang madaliin kung wala pa talaga siyang nararamdaman sa akin pero sa totoo lang ay sabik na sabik na akong mapasa akin siya bilang kasintahan ko. Nahihibang na yata ako dahil hindi ko mapigilang maging possessive sa kaniya kahit na hindi pa naman kami.

May mga pagkakataon na lumalagpas ako sa aking limitasyon at minsan muntikan ko na siyang galawin kahit labag sa kaniyang kalooban. Hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili kaya walang araw na hindi ko siya nahahalikan sa kaniyang labi na para bang kasama nato sa pangangailangan ko. Halos sa kanila na nga ako natutulog dahil gusto siya palaging kasama. Wala naman akong masyadong naririnig na pagtutol sa kaniya pero hindi ko mapigilan ang sarili na mag-isip na baka dumating ang araw at magsawa siya sa aming ginagawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kong ano ba ang meron kami. Ang mahalaga ngayon ay kasama ko siya pero hanggang kailan ang ganitong pagsasama namin?

Tuwing weekends ay umuuwi ako sa bahay dahil ayokong maghinala si daddy na wala ako lagi sa bahay. Kailangan kong magpagood shots sa kaniya dahil baka ikulong na niya ako sa bahay kapag nalaman niyang wala ako lagi. Mabuti na lang at nandiyan si Eisen na nagagawa akong pagtakpan kay daddy. Isang araw ng sabado nang magising ako sa tawag ng cellphone ko. Sinagot ko ito na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Namiss mo na kaagad ko?" sabi ko nang sagutin ko ang tawag.

"Yes, sobra kitang namiss my Lancelot" napabalikwas ako sa aking higaan nang makita kong si Euphy ang kausap ko ngayon. Ang akala ko ay si Gunter ang kausap ko dahil magdamag kaming magkausap sa cellphone kagabi.

"Euphy?" ang tangi kong nasabi.

"Ahh-huh.. hindi mo naman kaagad sinabi sa akin na may gusto ka pa rin pala. Too late may bago na ako" sagot niya at may sinabi pa siya pero hindi ko masyadong naintindihan dahil sa ingay.

"Nasan ka ba ngayon at bakit ang ingay sa paligid mo?" tanong ko habang humihikab.

"Nasa airport ako. Magpapasundo sana ako sayo pero ngayon mo lang nasagot ang tawag ko. Anyway, magkita tayo sa dating tagpuan" sabi niya at hindi ko na inintindi ang iba niyang sinabi.

"Ngayon na?" sabi ko nang mapagtanto ko ang kaniyang sinabi pero huli na ang aking tanong dahil binaba na niya kaagad ang aking tawag.

Muli akong nahiga sa aking kama dahil tinatamad akong kumilos. Nang ipipikit ko ang aking mata ay sunod-sunod akong nakareceive ng text message mula kay Euphy na bumangon na. Hindi ko pinansin ang kaniyang mga text pero nang makita kong magflash sa screen ko ang text message ni Gunter ay dali-dali koi tong binuksan para basahin.


Magsabi ka kung pupunta ka mamaya dahil aalis nandito si ate at baka kung ano-ano ang gawin mo -Gunter

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon