Chapter 12: His Ally

6.1K 314 21
                                    

Dylan as Lance

Lance's POVHindi ko alam kung bakit sobrang saya ko nang marinig mula kay Gunter ang salitang 'salamat'

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lance's POV

Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko nang marinig mula kay Gunter ang salitang 'salamat'. Napakasimpleng salita pero sobrang saya ang dinudulot nito sa akin. Alam kong nahihiya pa siyang sabihin yun pero nagawa niya pa ring sabihin sa akin. Nagtangka pa siyang tumalikod sa akin pero pinigilan ko siya kaagad dahil gusto kong makita ang mukha niya kapag nahihiya. Pinigilan ko ang aking sarili na huwag tumawa dahil baka masaktan na naman niya ako pero nakakatuwa talagang pagmasdan ang hitsura niya sa tuwing siya ay nahihiya. Hindi rin nagtagal at pinikit niya ang kaniyang mata habang ako ay patuloy na pinagmamasdan siya. Alam kong hindi pa siya lubusang natutulog dahil halatang pilit lamang ang kaniyang pagpikit.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa mukha niya. Tila hindi pa rin ako dinadalaw ng antok at siya nama'y mahimbing na ang tulog. Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at kinuha ang aking phone. Maraming missed calls ang nareceived ko mula kay Eisen. Ilang text messages na nagtatanong kung nasan daw ba ako. Nagreply lang ako na nandito ako kina Gunter matutulog. Mabilis akong nag airplane mode para hindi na niya ako tawagan at kulitan pa na umuwi. Naglaro ako ng ilang offline games na meron ako sa phone dahil nagbabaka sakaling dalawin ako ng antok. Ang tagal naming natulog kanina kaya siguro hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok.

Nagsawa na ako sa mga offline games na meron ako sa phone pero hindi pa rin ako makatulog. Muli akong tumingin kay Gunter at gaya pa rin kanina ay mahimbing ang kaniyang tulog. Hinawakan ko ang kaniyang noo para alamin kung bumaba na ba ang kaniyang lagnat. Mukhang unti-unti nang bumabalik sa dati ang init ng kaniyang katawan. Itinaas ko ang kumot hanggang sa kaniyang balikat dahil bumababa na ito sa sobrang likot niyang matulog. Nanood na lang ako ng 'Another Life' sa Netflix. Mabuti na lang at nakadownload ang series na to offline kaya hindi ko kakailanganin na buksan ang aking data para mapanood ito at saka ayoko ring maisturbo kapag nangulit na naman ang aking pinsan.

Nang dumating sa kalagitnaan ang aking pinapanood ay bigla na lang akong nakarinig ng kakaibang tunog. Noong una ay hinayaan ko lamang ito dahil baka sa kasama ito sa pinapanood ko. Pero nang kumilos ako at biglang nahugot ang earphone jack mula sa aking phone ay matic na huminto ang aking pinapanood. Muli kong narinig ang tunog na kanina ko pa naririnig at pagtingin ko kay Gunter ay tuloy tuloy na ang kaniyang pag-ungol. Ang akala ko pa nga noong una ay binabangungot siya at gigisingin ko sana pero iba yung ungol na ginagawa niya. Bakas sa mukha niya na tila nasasarapan siya habang patuloy ang kaniyang pag-ungol. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang aking buong katawan nang marinig ang bawat pag-ungol niya. Sobrang nadala ako sa pangyayari kaya hindi ko namalayan na ang aking kamay ay nasa ibabaw na ng kaniyang dibdib at marahang hinahaplos ito. Nang mapagtanto ko na mali ang aking ginagawa ay kaagad kong binawi ang aking kamay at marahang tinapik ang kaniyang braso para gisingin siya.

"Bunso gising!" sabi ko sa kaniya. Habang tumatagal ay nakakasanayan ko na siyang tawaging bunso na para bang kapatid na ang turing ko sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mata ay tila binuhusan siya nang malamig na tubig nang makita niya ang aking mukha. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong tinulak.

"Gago ka bat mo ginawa yun?" sabi niya at napaupo siya sa kama. Nabigla ako nang sabihin niya yun dahil hindi ko akalaing gising na pala siya nang himasin ko ang dibdib niya. Eh kung gising na pala siya kanina pa at bakit niya kailangang gawin ang pag-ungol na yun? Hindi kaya gumaganti sa akin tong loko na to?

"Anong pinagsasabi mo?" pagmamaang-mangan ko.

"Bakit ka pumatong sa ibabaw ko tapos ikikiskis mo sakin yang ano mo!" hindi niya natuloy ang kaniyang sinabi pero nakatingin siya sa gitna ng aking mga hita at nakuha ko kaagad kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Tanga, ginising kita dahil nanaginip ka!" sabi ko at tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko sa kaniya kaya hinawakan niya ang kaniyang katawan hanggang sa umabot ang kaniyang kamay sa kaniyang leeg. Muli siyang tumingin sa akin at nagtataka pa rin. Natatawa ako sa reaksyon niya ngayon dahil para siyang gago na wala sa sarili. Nang makita niyang seryoso ako ay bigla na lang siyang nagpaalam para pumunta sa banyo.

Nang tuluyan siyang makaalis ay kaagad kong sinubsob ang mukha ko sa unan at saka tumawa nang malakas para walang makarinig. Hindi ako pwedeng tumawa nang malakas dahil baka magising si Ate Pritz at baka isipin ni Gunter ay pinagloloko ko lang siya. Nang matapos ako sa kakatawa ay hindi pa rin nakakabalik si Gunter. Bigla tuloy akong napaisip kung bakit ganun na lang ang naging panaginip niya. Hindi kaya may pagnanasa na sa akin si bunso? Ang sabi niya ay pumatong daw ako sa ibabaw niya habang kinikiskis ko ang harapan ko sa kaniya. Yun din ba ang dahilan kung bakit siya umuungol habang natutulog?

Ilang sandali pa ay nakabalik na rin si Gunter sa kwarto. Pansin ko na medyo basa ang kaniyang bangs. Binuksan ko ang ilaw para alalayan siya dahil medyo alanganin pa ang kaniyang paglalakad. Pagsindo ng ilaw ay kitang kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha.

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ko at bigla siyang lumapit sa akin para patayin ang ilaw.

"Wala, matulog ka na" mahinahon niyang tugon. Hindi niya magawang makatingin sa akin ng deretso at halos masubsob pa siya sa kama nang bigla siyang kumilos. Mabuti na lang at nagawa ko siyang saluhin dahil kung nagkataon ay tatama ang ulo niya sa bakal. Kinabig niya ang aking kamay at pumuwesto na siya sa ibabaw ng kama para matulog. Nagtakip siya ng kumot sa buong katawan at maging ang ulo niya ay kaniyang tinakpan.

Gusto ko pa sana siyang kausapin kung maayos ba talaga ang kaniyang pakiramdam pero hinayaan ko na lang siyang makapagpahinga. Bago ako humiga ay muli kong tingningnan ang oras sa aking phone at nagulat akong pasado ala-una na ng madaling araw. Pinatong ko ang aking cellphone sa ibabaw ng maliit na mesa na malapit sa kama at saka inayos ang aking sarili para matulog. Lalapit sana ako sa kaniya para yakapin siya habang natutulog pero bigla na lang huminto ang aking kamay sa pag-abot sa kaniyang katawan. Kapag niyakap ko siya ay marahil magising siya sa init. Pinagmasdan ko na lang ang kaniyang likuran hanggang sa ako ay dalawin ng antok.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon