Enchanted 1 🧝🏻‍♀️ Introduction

698 19 0
                                        

1 month ago...

"Apo, ready ka na ba lumipat sa bago mong school bukas?" Nabilaukan naman ako agad sa sinabi ni Lola sa akin.

"Bukas?! But summer's not yet over, Lola. What's the rush? Hindi ba't Agusto ang calendar ng school nila, I mean, iyon naman usually na ang universities here, right?" Bakit kasi bigla biglang lilipat eh July palang naman. Usually naman from the Universities I know eh August.

And...I still can't believe na inayos daw nila Lola ang papers ko for college. Magaaral daw ako sa school kung saan sila nanggaling lahat. No time to protest. Okay lang din naman sakin kasi wala naman akong gustong Unibersidad dito. It's all...boring.

"Asteria Mignonette Agnaz, I told you to prepare your things. June start ng classes nila so you're actually late for class." Nanlaki naman mga mata ko kay Lola. Bukas? Eh birthday ko pa bukas. Well,  wala din naman akong debut kasi never naman nagprepare si Lola ng bongga for my birthday which is okay lang din naman sa akin.

"What did you say, Riri? Is that for real?" Tanong ni Stacey over the phone.

"Yep! Every word. Bukas na daw ako lilipat doon sa boarding school whatever na hindi manlang sabihin ni Lola kung ano name." Inikot ikot ko lamang ang buhok ko habang ang isang kamay ko'y nakakapit sa cellphone kong nasa tainga ko.

"Well, that's seriously a shocking news! But anyway, you're still going to be in the Philippines, right?"

"Uhuh." Sabi kasi ni Lola may lilipatan daw akong boarding school which is in the Philippines lang din daw pero doon na ako magsstay.

"I hope you have those hot new college classmates. It's a co-ed after all. Kainggit ka nga eh coz I'm stuck in another all-girls school." Natawa lang ako sa sinabi ni Stacey. Pre-School to High School kasi nagaral kami sa Holy Trinity College na all-girls school at doon pa din magcocollege si Stacey. Talk about loyalty awardee.

"At least, may medal ka na naman...hindi nga lang sa academics but on Loyalty." Pangaasar ko at narinig ko siyang nagbuntong hininga.

"Anyway, just call me when you need me. Papahanda ko agad helicopter if you're in trouble." Natawa lang ako sa sinabi niya bago kami tuluyan nang nagpaalam sa isa't isa. Napatingin ako sa Louis Vuitton kong luggages. Ugh! I can't believe na I'm seriously moving out this fast.

Bigla naman akong nakarinig ng mga nagbabasagan at nagbabagsakan sa baba kaya agad akong bumangon para tingnan kung ano nangyayari.

Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng grupo ng mga lalaki na naka-black hood at makapal na dark tinted wayfarers.

"Nasaan si Asteria!" Hasik ng isa sa kanila sa katulong namin. Agad akong tumakbo para magtago sa isang pillar sa second floor. Tanaw ko dito ang lahat ng nangyayari sa living room. Kitang kita na nanginginig na ang katulong namin sa takot. Sino ba sila? Bakit nila ako hinahanap? What's happening?

Nanlaki mga mata ko nang magsipagakyatan sila kaya sumiksik ako lalo sa pillar at nagsquat para di nila makita.

"Umalis na kayo mga Diablo!" Nagulat ako nang lumabas si Lola sa kwarto niya. May hawak itong parang malaking bola na may gold na ilaw. Nasilaw ang mga naka-black cape na lalaki.

"Senyora, magtago ho kayo." Sigaw ng katulong pero hindi nagpatinag si Lola. Ano gagawin ko? Sino ba sila? Kidnappers? Magnanakaw? R-rapist? Oh my gosh! Huwag naman sana!

"Ano kailangan niyo?" Malakas loob kong bigkas at nagpakita na sakanila. Ngumisi naman sila nang makita ko.

"Oh..nandito ka na pala binibini." Tumakbo sila papunta sa akin at dinampot ang magkabila kong kamay kaya napatili na ako ng malakas.

"Pakawalan niyo ang bata!" Napatingin lang ako kay Lola na mapupungay na ang mga mata. Nakita kong hinagis niya ang hawak niyang bola at bigla nalang akong bumagsak sa sahig.

"Apo! Asteria!" Tuloy tuloy na sigaw ni Lola pero parang nabibingi na ako at bumibigat na mga mata ko.

Natanaw ko si Kuya Uelle na nakasilip sa akin. Bakas ang pagaalala sa mukha niya.

"Riri!" Sigaw ni Kuya Uelle. Ang huling tinig na narinig ko bago ako tuluyang....

mawalan ng malay.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon