Ako si Asteria Mignonette Agnaz, high school graduate sa Holy Trinity College. Tahimik lang buhay ko. Hindi ako parte ng typical mean girls na group sa school or jock team ng mga sporty students dahil in fact, isa ako sa mga biktima ng pambubully ng mga grupong ito.
Sino ba naman kasi hindi din magtataka? Miski ako ay nagtataka na. Nakatira ako sa isang malaking mansyon kasama ang lola ko lamang. May iilan din kaming mga katulong doon na mula pagkabata ko ay sila na ang mga namamalagi doon. Never ko nakilala ang mga magulang ko dahil naaksidente daw sila noong sanggol pa ako. Ni pictures sa mansion ay wala. Si Lola din ay hindi mahilig kumuha ng mga litrato kaya hinahayaan ko nalang siya.
Minsan, inaasar nila akong malas o mangkukulam dahil sa pula kong buhok. Minsan nama'y tinatawag nila akong anak ng drug lord kaya madami kaming pera kahit hindi naman kilala ang apelyido namin sa industriya ng negosyo. Tanging si Stacey lang ang kaibigan ko sa school. Wala rin naman akong pake sa kanila kaya okay lang sa akin. Sanay na din naman ako. Wala din namang nagaabalang lumapit sa akin dahil daw lahat ng hahawak sa akin sumasakit ulo kung kaya't mas lalo nila akong inaasar na malas and what so ever.....
Biglang kumirot ang sentido ng ulo ko at parang naglalaho na ang HTC sa paningin ko. Onti onti kong dinilat ang pilikmata kong mabibigat.
"Riri! Are you okay?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Kuya Uelle na nasa tabi ko. Si Kuya Uelle ang personal trainer ko. Every weekends at holidays ay pumupunta siya ng mansion para magensayo kami. Sa combat fighting, archery, firing guns at kung anu ano pa.
Napakunot naman noo ko nang mapansin na nasa kotse kami ngayon kung saan nagddriver ang driver ni Kuya Uelle.
"Saan tayo papunta?" Pagtataka ko. Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse at napansin na
"Pupunta na tayo sa magiging eskwelahan mo, apo. Hindi ko inasahan na sasalubungin tayo ng mga Diablo bago ka mag-18. Talagang kakaiba ang daloy ng utak ni Aesma at Hades." Napangiwi naman ako sa sinasabi ni Lola. Parang ayaw tuluyang magprocess sa utak ko ng mga sinasabi ni Lola. Sobrang dami kong pinagtataka kaya lalo lang sumasakit sentido ko.
"Drink water. Listen to what I'm going to say, Riri." Tumango ako bilang sagot kay Kuya Uelle na katabi ko ngayon. Nasa harapan kasi ng kotse si Lola at nasa second row kami. Binuksan niya ang bote ng tubig at ininom ko ito agad.
"Magaaral ka na sa Enchanted Academy simula ngayon, Riri—"
"Enchanted Academy?" Pagsingit ko sa sinasabi niya. Parang nabasa ko kasi iyon..hindi lang ako sigurado kung sa listahan ng mga Unibersidad o sa isang Book for Mythology.
"Enchanted Academy ang paaralan para sa mga nilalang na may kapangyarihan. Ito ay isang Academy malayo sa lugar ng mga Normies o nilalang na walang kapangyarihan. Doon ka nababagay, Riri. Doon tayo nababagay." Maliwanag ang bigkas niya sa bawat salita pero hindi ko alam kung ayaw lang talaga magprocess sa utak ko o natatanga na ako. Baka nanaginip ako!
"Aray!" Teka masakit kirot ko so totoo nga. "W-wait! Bakit ako lilipat doon kung para sa magical creatures iyon unless...no way?" Nanlalaki ang mga mata ko nang humarap ulit ako kay Kuya Uelle. Nakangisi ito sa akin at parang sinasabi ng mga tingin niya na totoo ang nasa isip ko.
Wait? Gusto ko mahimatay parang sa mga drama kaso hindi ako mahimatay himatay. Parang gusto ni Lord ipagsiksikan sa utak ko ang sinasabi nila.
"Asteria, pagpatak ng takdang panahon, lalabas ang tunay mong kapangyarihan. Sa oras na ito'y mangyari ay mahihirapan na akong protektahan ka. Tanging ang force field ng Academy lang ang makakapagprotekta sayo. Para ito sa kaligtasan mo apo." Sabi naman ni Lola.
"No. I must be dreami—OUCH!" Daing ko ng kurutin ako ni Kuya Uelle kaya mabilisan ko siyang tiningnan ng masama.
"You're not dreaming. May Enchanted Powers ka at imposibleng wala ka nito dahil malakas ang dugong pinanggalingan mo." Lalo lang sumakit ulo ko sa mga sinasabi nila. Wala akong masagot? Bakit parang napaka-makata ng mga salita nila at masyado itong malalim para maintindihan ko...o ayaw ko lang tanggapin?
"No way?" Bulong ko at parang natatawa na ako.
"Okay! Huwag niyo na ko pagtripan." Sabi ko na natatawa pa.
"But we're not. Look." Hinawakan ni Kuya Uelle ang magkabilang ulo ko para iharap sa bintana ng kotse at doon na tuluyang nanlaki ang mga mata ko. I swear, my mouth just dropped sa pagkamangha.
Nasa tapat namin ang isang silver gate na nababalot ng berdeng berdeng mga vines at mga makukulay na bulaklak. Sa taas nito ay may nakalagay na....
"Enchanted Academy." Bulong ko. May mga gold pa na bulaklak sa bawat letra nito na ineemphasize ang bawat stroke ng mga titik. Gold flowers? Are those fake? And wow they're literally sparkling. No way?
"Yes way." Maarte bigkas ni Kuya Uelle na parang nababasa ang nasa isip ko.
"Woah!" Nanlaki mga mata ko nang makita ang loob ng eskwalahan. School ba to o isang castle? Ang mga buildings dito ay nagtataasan na mga establishment na mukhang castle ang istilo.
Pagpasok mo sa loob ng malalaking gate ay may malawak na parang open field kung saan may fountain sa gitna. Mas kinagulat ko nang makita na may dalawang estudyanteng nakatayo sa fountain na pinaglalaruan ang tubig nito. AS IN PINAPALUTANG NILA ANG TUBIG NG FOUNTAIN SA ERE AT GUMAGAWA NG KUNG ANU ANONG SHAPES GAMIT ANG TUBIG. Sa tabi naman noong lalaking naglalaro ng tubig at may lalaking parang naglalaro ng fireballs sa ere.
Napatingin sila sa van namin at nagkibit balikat lamang. Hindi naman nila makikita itsura ko ngayon na manghang mangha dahil heavy tint ang kotse nila Kuya Uelle.
May ilan pang mga estudyante na parang nagbubugbugan pero ang mga mukha nila ay nakangiti at parang walang kagalos galos ang mga mukha nila.
Is this fxxking real?????????????
"Welcome to the Enchanted World, Riri." Bati sa akin ni Kuya Uelle but I just looked at him with disbelief.
So lahat ng mga nababasa ko na fantasy books, mythology at kung ano ano pa eh totoo pala??? Am I dreaming? I cannot believe it.
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasíaAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...