Enchanted 2.5 🧝🏻‍♀️ What Happened?

128 9 0
                                    

Beep. Beep.

Biglang nagising ang diwa ko sa beeping sound na naririnig ko. Ang amoy. Ang amoy ng paligid ko ay parang isang foreign smell na hindi ko gusto. Onti-onti kong dinilat ang mga mata at nakita ko ang puting ceiling. Ginala ko ang mga mata ko at nakita ko ang white walls.

May dextrose ding nakasabit sa akin. Nasa hospital ako?! Mabilisan akong bumangon pero agad akong napahawak sa tagiliran ko na masakit na ngayon.

"Riri! Hinay hinay lang." Nakita ko si Alonso na hawak hawak ang kamay ko na mukhang bagong gising.

"Tubig." Sabi ko nang maramdaman ang tuyong tuyo kong labi. Agad na kumuha ng tubig si Alonso.

Napansin ko naman na parang may makapal na kung ano sa tagiliran ko. Wala rin naman ako sa Academy Hospital dahil iba ang itsura noon. At doon bigla kong naalala ang lahat ng nangyari. Ang mission namin.

"Ano nangyari? Si Stacey? Si Great Master?" Sunod sunod kong tanong pero hindi muna sumagot si Alonso at inabot sa akin ang baso ng tubig.

"Drink water muna." Sabi niya kaya kinuha ko na ang baso. Uminom lang ako at binigay na sa kanya muli ang baso.

"So ano nangyari?" Tanong ko muli pero umupo muna siya sa upuang nasa tabi ng kama bago sumagot.

"Nahuli na ang sniper at ang mga nagtangkang pumatay sayo pero may mga nakawala. Si Stacey naman nasa bahay nila nagrerecover pa sa shock niya. Si Daddy naman ay safe at..." Nagseryoso ang mukha niya at tinitigan ang mga mata ko.

"At dahil yun sayo, Riri. Thank you." Sabi niya pero nginitian ko lang siya at hinawakan ang kamay niya.

"You and Stacey are one of my most precious friends. Wala lang yun noh! Galing ko kaya pang-action star." Pagbibiro ko kaya bahagyang natawa si Alonso.

"Anyway, dito ka muna dinala kagabi dahil masyadong malayo ang Academy Hospital pero dahil gising ka na pwede ka na ilipat doon at mas safe doon. Lalo na't mga Diablo ang may kagagawan nito." Sabi niya at nanlaki ang mga mata ko.

"Mga Diablo?!" Bigla ko namang naalala ang mga nangyari kagabi pero ang nakakapagtaka eh sobrang blurred ng memory ko tungkol sa itsura noong Diablo. Parang wala akong maalala na itsura nila at all. Weird.

"Madedescribe mo ba itsura ng mga umatake?" Tanong ni Alonso pero umiling ako. Magaling ako tumanda ng mga mukha pero hindi ko talaga maimagine.

"That's the weird part, Alonso. Sure akong nakita ko ang mga mukha nila pero hindi ko maalala. It's like may part sa memory ko that was wiped out." I said kaya napakunot noo ni Alonso. Lumapit siya sa akin at pumalakpak.

"Memory manipulators. They must have possessed that type of enchanted power. Daddy said that most Diablos posses manipulation enchants specially those who are sent in the Persona Domain for attacks." Makes sense. Malaking ang posibilidad na iyon nga ang nagyari because in my mind, their faces are nothing but a blur. A black blur.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Headmistress na may kasamang dalawang protector.

"Buti gising ka na, Princess Asteria. Hindi na tayo pwede magtagal dito. Nagkalat ang mga Diablo." Sabi niya kaya tumango kami ni Alonso. Delikado nga kung nagkalat ang mga Diablo. Kaya pala may mga protectors.

"Asikasuhin na namin ang mga bills. Stay here." Sabi ni Headmistress bago lumabas muli ng kwarto.

"Riri, by the way, ang lola mo..." Napatingin ako agad kay Alonso at kumirot pa ang tagiliran ko.

"Ano mayroon kay Lola? Inatake din ba siya? Kinuha ba siya? Ano?" Sunod sunod kong tanong pero bahagyang natawa si Alonso kaya binatukan ko siya.

"Tinatawa tawa mo." Sita ko sa kanya pero nag-X siya ng mga braso niya as if shield iyon.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon