Enchanter 2.8 🧝🏻‍♀️ Academe Results

132 9 0
                                        

It was an unusual rainy day in the campus of Enchanted Academy. It rarely rains in here since I got into this world but now, it's all sad and gloomy. Made me miss my Lola more.

"I love the rain. What a nice day it is, indeed!" Napatingin lang kami kay Kuya Storm with our weirded out faces. Naglalakad kami ngayon papunta sa training dome for our training with Master Hiroshima nang mapansin ko na may mga nagtatakbuhang mga estudyante papunta sa Faculty Building.

"What's happening?" Tanong ni Blade.

"Results are out." I said out of the blue. Napangiti lang ako ng tipid sa kanila.

"I read someone's mind." I said in defense kaya napalitan ang malulungkot na mukha nila Illumina into a smile.

"Let's see the results na!" Tili ni Hermione at naglakad na ng mabilis kahit wala na siya sa pathway na may bubong.

"She's always excited if it's academic talk." Sabi ni Blade at umirap lang sa kanya si Illumina.

"Nothing new, duh." Tumingin sa akin si Illumina while wiggling her eyebrows.

"Let's see your first Academe Results?" Ngumiti lang ako bago kami tumakbo ng mabilis, leaving Kuya Storm and Blade in the pathway. Aarte kasi ayaw mabasa.

Nagkukumpulan ang mga estudyante na nakatingin sa lcd flat screens sa tapat ng faculty building kaya wala kaming makita nang biglang itaas ni Illumina kamay niya.

"Princess Asteria coming through!" Sigaw niya kaya napangiwi naman ako. Illumina. Great.

Lahat ng mga nagkukumpulang estudyante ay mabilisang gumawa ng daan para sa amin at sabay sabay na nagsipagluhod para magbigay pugay sa akin. Napatingin ako kay Illumina ng masama kaya nagkibit balikat lang siya at naglakad na papunta sa harapan.

"Using your power, eh?" Napatingin ako kay Flow na nasa harapan na. Inirapan ko lang siya at tinuro si Illumina.

"Her fault. Don't blame me." Natawa lang si Flow na parang he predicted it na. Makikita na sa Academics puro Erudites ang nangunguna. Sila ang namayani sa top 15 pero amidst all the Erudites in the top, nasa top 10 si Hermione na halatang kinatuwa niya.

"Yes!" She shouted of glee while clapping her hands.

"Looks like you'll retain your position as House Representative." Comment naman ni Storm pero hindi siya pinansin ni Hermione na parang walang nagsalita at all. Humarap pa siya sa amin na ngiting ngiti na halatang tuwang tuwa.

"Congrats, Hermione!" Bati namin at tumawa lang siya.

In terms of Academics naman ay syempre nasa 27th spot lang ako. Samantalang si Flow, Blaze at Lucifer ay nasa top 25. Matalino din pala si Blaze? Hindi ko inexpect. 35th naman si Illumina na kinagulat ko. Si Dark naman ay nasa 36th. So pati sa grades ay hindi sila nalalayo. 25th si Freiza. Si Alonso naman ay nasa 50th. Matalino si Alonso kaso siguro dala na rin ng pagiging late ng pagpasok niya sa academy.

Pero part of me ay hindi natuwa sa Academic Results siguro dahil na din nasanay akong laging nasa top 1 sa ranking sa dati kong school. In fact, I graduated as Valedictorian.

"Not bad for a newbie, Asteria. Congrats!" Bati ni Illumina kaya ngumiti lang ako.

"Where's Blade's name?" Tanong ni Dark.

"In the middle lang yan." Sabi pa ni Blade na parang sure na sure siya kaya iniscan namin ang listahan at nakitang nasa pinakababa ang pangalan nito.

"199th place!" Sigaw ni Hermione at natawa naman kaming lahat dahil isinigaw pa talaga niya. Si Blade naman napakamot ng ulo na halatang nahiya.

"Partida ha yung 200 place ay kay Alistair kasi hindi naman siya nakapasok ng first trimester of the year." Pangaasar naman ni Dark kaya nagtawanan kami lalo. Speaking of Alistair, ginala ko ang mga mata ko sa crowd pero hindi ko ito makita. Nasaan kaya siya?

Si Alonso naman ay nagpaiwan sa House of Reapers para samahan muna si Freiza dahil inaatake ito ng panic attack niya.

"Mauna na ko." Hindi ko na sila hinintay pang sumagot ay nauna nang umalis. The rain stopped which is good. Ginala ko ang mga mata ko sa open fields and I can't seem to find that red haired guy.

Some part of me is getting weary and worried. Parang may kung anong instict inside of me telling me to find him.

Naglakad ako papunta sa training dome at doon ako may nakitang lalaki. Suot ang polo at slacks ng uniform pero nakapaa lamang siya. Nagrerelease siya ng mukhang kidlat na pula na pinapatama niya sa pader.

"Ugh." Inda niya and I could see the pain in his eyes. It was as if habang ginagamit niya ang thunder enchant niya ay nasasaktan siya.

"Stop stop." I said at naglakad papalapit sa kanya.

Binaba niya ang mga kamay niya at napayuko siya. Nakita ko na parang nanghihina na ang mga tuhod niya kaya tumakbo ako palapit sa kanya at hinawakan ang dibdib niya. I can sense his weak heart. Agad kong tinanggal ang kamay ko dahil sa dami ng sumasabog na thoughts ngayon ng utak niya.

"Are you okay?" Bigla siyang natumba kaya nanlaki ang mga mata ko.

Nagulat ako nang magtakbuhan ang mga kaklase ko papunta sa gawi namin. Lahat sila ay nagtataka at nagulat sa nangyari. Lumuhod agad si Hermione at chineck ang pulse niya. Napatingin siya sa akin at nanlalaki ang mga mata niya.

"What happened to him?" She whispered but something in me tells me that it is not good.

"I-I don't know." I said. Hinawakan ko ang pendant ko.

"What in the heaven's name is happening here?!" Nagulat ako nang dumating na si Master Hiroshima pero mas gulat ang mukha niya nang makita ang walang malay na si Alistair sa sahig.

"What in the hell did you do, Asteria?!" He shouted at me kaya napaangat ang mga balikat ko sa gulat.

"His pulse is too weak." Bulong ni Hermione sa isip ko kaya nanlaki ang mga mata ko.

I have read this in one of Master Alhashimi's books that he gave me before his passing. I must try.

"May gagawin ako. Get everyone to make space for us. Now!" I shouted at agad naglayuan ang lahat. Lumuhod ako sa harapan ni Alistair at hinawakan ng isa kong kamay ang dibdib niya samantalang ang isa kong kamay ay nakahawak sa pendant ko.

"et exaltatum est qui tibi fortitudinem." Huminga ako ng malalim pero wala pa ding nangyayari. Focus, Asteria. I was reminded of what Master Alhashimi taught me. Proper....Focus!

Pinikit ko ang mga mata ko at parang nalasing ako ng kung anong kuryenteng dumaloy sa kamay ko.

"et exaltatum est qui tibi fortitudinem. et exaltatum est qui tibi fortitudinem." Napatingala ako at parang nawawalan na ako ng hininga. Humangin ng malakas sa paligid at nararamdaman ko ang kakaibang enerhiya sa paligid.

"et exaltatum est qui tibi fortitudinem. IN NOMINE DEI!" I shouted.

"Well done, my dear child." Napadilat ako nang may marinig akong boses ng babae na bumulong sa isipan ko pero walang taong malapit sa akin.

"EHEM! EHEM!" Napatingin ako sa lalaking biglang nasamid na nasa harapan ko. Napasinghap ang lahat sa paligid nang makitang bumangon si Alistair.

"My my my...." Napatingin kaming lahat sa biglaang nagsalita na matanda but it wasn't Master Hiroshima.

"Y-your Excellencies." Nagbow bigla si Master Hiroshima na sinundan namin lahat. Tinulungan ko pang tumayo si Alistair.

There was a group of people inside the training dome at kung hindi ako nagkakamali ay sila ang...Enchanted Council!

"Your Highnesses." Bati nila at nagbow which I'm pretty sure ay dahil iyon sa amin ni Flow.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon