"Akala ko ba mapagkakatiwalaan ang babaeng yun? Hindi mo pa kami pinadala ng weapons." Sabi ni Katreena. Nilalagyan kami ni Kuya Gino ng mga healing potions.
"Yung bala sa binti mo, Asteria." Sabi ni Blaze habang onti onting tinatanggal ang bandage.
"No kailangan natin mahanap ang Abythos clan. Mamaya nalang pagdating natin sa Academy ko ito papaitanggal." Sabi ko habang tinuturo sa driver ang daan. Pati ang mga protectors ay tumutulong sa pagpapagamot sa amin.
"Sure ka bang sa Groverfield iyang kaibigan mo? Grabe na pagpapabalik balik natin. We might not find the family in time." Sabi ni Flow. Napahawak naman ako sa binti ko nang maramdaman ko ang kirot.
"And I do not want to go to Orcula Forest. That's like going to your death bed." Sabi naman ni Katreena.
"We have to find a hospital first." Sabi ni Blaze habang nilalagyan ng healing potion ang binti ko.
"We have to remove the bullet, Asteria." Sabi ni Kuya Gino habang tinitingnan ang binti ko pero umiling lang ako. We don't have time.
I need to sort out a lot of things first. This is what my lola wants. This is what we all need.
"I knew it!" Napatingin kami kay Katreena na biglang hinampas ang lamesa ng van.
"What is it now?" Tanong ni Blaze na binabalutan na ang binti ko nang bandage pero hindi siya pinansin ni Katreena. Binuksan nito ang holographic screen ng lamesa ng van.
Umangat ang parang 4D screen doon at nag-search si Katreena.
"There you go! Kaya pala familiar at nabobother ako sa apelyido ng nanay ni Stacey na Brixington dahil ito ay isang Enchanter Hunter." Napatingin naman sa amin si Flow na nakaupo sa harapan ng van na tinuturo ang daan sa driver.
"The Brix Hunters. Bakit hindi ko iyon naisipan?" Sabi ni Flow na napaisip na din.
"Agh! Kuya Gino." Nakita ko si Kuya Gino na si Alistair naman ang ginagamot. Makikita na madami ding pasa at mga kalmot si Alistair. Mukhang mahapdi din ang putok pa nito sa labi at kilay.
Pero napatingin lang ako sa screen ng monitor ang my eyes were glued there.
"The Brixington family is known to be Enchanter Hunters so basta enchanter ka, papatayin ka nila. They're known as savages. Though, I wonder how did a Brixington end up with a half blood. Well, quarter blood, if that's a thing." Sabi ni Katreena habang tinitingnan din ang picture na nasa monitor. I thought I knew everything about Stacey and her family. We were always together for years pero sa isang araw lang, ang dami ko biglang natuklasan pa tungkol sa kaniya.
"Your friend must have lured us in. She's a traito—" Agad kong hinampas ang bident ko sa sahig ng van.
"Shut your mouth! She will never be a traitor." I hissed at Katreena kaya napaupo siya bigla.
"If she's a traitor, why would she let us inside their weapon storage. She's clueless. That's what I read in her mind." Alistair said pero napairap lang si Katreena.
"The Brixington killed dozens of Enchanters in the jungles and Amazon. They are cruel, I tell you. Huhulihin nila ang mga Enchanters, isa-isang babaliin ang mga kamay, braso, paa at binti. They're savages!" Makikita ang galit sa mga mata ni Katreena. You could see a burst of anger and also...sadness.
"Get a grip, Katreena. The girl didn't know." Sabi naman ni Flow kaya napabuntong hininga nalang si Katreena. I just feel sad na walang kaalam-alam si Stacey sa nangyayari. That there's so much the world is hiding at mismong siya ay connected.
"Is this the place?" Flow asked me nang tumigil ang kotse sa tapat ng isang convenient store.
"Yup." Kinuha ko ang shades ko at sinuot ito. Nauna akong bumaba doon at sumunod na ang mga kaibigan ko. This time, the protectors insisted na kailangan nilang sumama.
Napansin ko namang magdidilim na ang langit. Mag-6 na pala ng gabi. Hindi ko namalayan. Kailangan namin makabalik ng Academy before curfew ayon kay Headmistress. Nireport na din daw ng protectors ang nangyari sa mansion nila Stacey. I just hope na wala silang gawin kela Stacey.
Lumapit ako sa cashier ng convenient store na busyng busy maglaro sa cellphone.
"Cyrus!" Napatingin to sa akin nang nakakunot pa at parang naabala pa siya pero agad nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
"Riri!" Bati nito at agad lumabas ng counter para yakapin ako pero napatingin siya bigla sa nasa likuran ko. Napangiti ako nang makitang nanlaki ang mga mata nito at napanganga pa.
"Ano mayroon? Wala po akong ginagawang illegal dito." Sabi niya kaya binatukan ko siya.
"Gago! May kailangan ako ipahanap." Sabi ko at napangisi siya.
"Piece of cake. Let's go to my lair." Tumakbo siya sa pintuan at nilagay ang closed sign at nilock pa ito. "But seriously, who's the other students and what's with the armored guards? Nasa medieval period ba tayo at may knights kang kasama?"
Napailing nalang ako at naglakad na papunta sa isang refrigerator ng mga alak doon. Hinampas ko ang ilaw ng refrigerator.
Tumakbo si Cyrus sa tabi ko at pumalakpak pa.
"Welcome to my lair!" Sabi pa nito kaya napailing nalang ako. Onti-onting nagslide ang refrigerator palayo at gumawa ito ng isang bukana. May matatanaw doon na madilim na hallway.
Nauna si Cyrus papasok kaya sumunod na kami.
"Is this safe? Like are you sure?" Katreena whispered. Nakita ko namang lahat sila ay naglabas ng weapon. Napailing nalang ako.
Pero nang salubungin kami ng liwanag sa hidden office ni Cyrus ay kitang kita ko pa ang pagkamangha nila. Punong puno ng mga lcd projectors, monitors, keyboards at kung anu-ano pang technology doon. Umupo si Cyrus sa swivel chair niya.
"Make yourself at home." Sumenyas siya na umupo kami sa sofa at sa mga stools pero ginala lang ng mga kaibigan ko ang mga mata nila na pinagmamasdan lahat ng computer sa loob.
"Or not. So sino hahanapin?" He asked at nilapag ko agad ang cellphone ko.
"Anyone named Bythosa or Abythos. Baka may e-mail, Facegram or anything. Tapos may pinicturan kami na mga addresses iba iba siya pero baka may makita tayong lead kung taga saan talaga ang nagpapadala nito." Sabi ko at agad nagtype si Cyrus sa computer niya. Nakita ko na may kung anu-anong mga codes, numbers at letters ang lumabas sa screen na hindi ko maintindihan.
Yung sa tabi ng mini-ref ko may mga chords diyan ng cellphone saksak niyo nalang kung nakanino ang pictures. Pinuntahan agad namin iyon at sinaksak ang cellphone namin ni Flow, Katreena and Blaze. Si Alistair pala kasi ay walang cellphone at never nagkaroon.
"We're in the server na. This may take some time dahil madami palang addresses. Have some refreshments first or just chill." Sabi nito nang nakatutok lang sa screen. Nakita ko naman si Katreena na hindi binababa ang bow niya habang pinagmamasdan si Cyrus.
"He won't harm you." Sabi ko pero nanatiling ganoon si Katreena.
"I'm not a bad guy. Just a hacker pero if looks could kill then maybe I'm harmful." Sinilip pa ni Cyrus si Katreena at kinindatan. Napangiwi naman si Katreena bago tumalikod nalang. Cyrus has always been conceited and narcissistic.
Ang tatay niya kasi ay isa sa mga tauhan ni Lola na researchers kaya kilala ko na si Cyrus bata palang kami at lagi niya akong tinutulungan sa mga research ko. And right now, he's one of the few people that I could trust. Nakita ko na cinonnect niya ang mga cctv kaya lumapit si Flow, Blaze at Kuya Gino para tingnan ang mga cctv footages.
"Bingo!" Naglapita kaming lahat sa screen and there we saw compilation of cctv footages na may pumapasok na mga taong naka-black hoodie sa isang abandoned warehouse.
"I checked the time and itsura ng mga black envelope sa footages and it's exactly the same so I'm sure na sila ang nagpapadala." Sabi ni Cyrus kaya nagtinginan kaming lahat at napangiti.
"Wait, isn't that...." May tinuro si Katreena sa monitor na isang pamilyar na babaeng nasa labas ng warehouse. Tumingin pa ito sa paligid kaya malinaw na nakuha ng cctv ang mukha nito.
"Mother?!" Napatingin kami kay Flow na bakas din ang gulat sa mga mukha.
None other than Queen Celeste Kaia entered the warehouse kung saan lumalabas pasok ang mga Abythos.
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasyAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...
