"Repeat after me...Est igitur fides fac totum in operibus." Wika ni Headmistress Georgia. Nakatayo ang mga Factotum at Foreman sa stage. May maliit na apoy sa gitna at may anim na daggers sa harapan.
"Est igitur fides fac totum in operibus." Sabay sabay naming bigkas. Medyo nanginginig pa ako.
"In front of you is the fire of trial. Once the flames turn into blue, the fire accepts you as the factotum of your foremen but once it turns into red, you belong to a higher rank thus cannot act as the factotum of your foremen." Bigkas ni Headmistress Georgia kaya tumango lang kaming lahat.
"Now the blood that you will shed shall be the contract signing of this bond. We will start off with Emmanuelle Ellai Xavier." Naglakad si Kuya Uelle papunta sa gitna. Nanonood pa din ang mga estudyante at pati mga masters ay nandirito na.
Napangiwi ako nang hiwain ni Kuya Uelle ang palad niya. Tinaas niya ang palad niya right above the fire at nag tumulo ang dugo niya ay naging blue ang kulay nito ng ilang segundo.
"Emmanuelle Ellai Xavier will now be the Factotum of Prince Flow Zahar Kaia. Next, Asteria Mignonette Zagan." Nanginginig pa akong pumunta sa gitna. Napalingon ako kay Kuya Uelle at ngumisi siya sabay kindat sa akin. What was that?
Kinuha ko ang dagger at medyo nanginginig pa ako. Parang nanghihina tuhod ko. If there's one thing I'm scared of, iyan ang knives, blades or anything sharp na. Takot ako sa ganyan since bata pa ako.
"You must abide by the laws kahit alam ko na magiging resulta nito so just do it, Riri." Bulong ni Kuya Uelle sa isip ko. Napakunot naman ako ng noo nang mangyari iyon. What just happened? Parang kinausap niya ako gamit utak lang. Umiling ako para mawala mga katanungan ko. Huminga ako ng malalim at humarap sa apoy.
"Anytime now, newbie." Pagtataray ni Freiza na nakacross arms pa. Sino pa ba? Pumikit ako ng mariin at hiniwa ang palad ko. To my surprise, wala akong pain na naramdaman kaya napadilat ako. Dumudugo na ang hiwa kaya inangat ko ang palad ko at pinatak ang dugo sa apoy.
"OH MY GOD!" Napaatras kaming lahat ng biglang lumaki ang apoy at maging kulay pula ito.
"Oh my! Asteria Mignonette Zagan is f-forfeited as a Factotum which means that....she is a higher rank than Blaze Ravana. You may now go down the stage." Nanlaki mga mata ko sa sinabi ni Headmistress. What? Higher rank? Malabo naman iyan.
Nagulat nalang ako nang may humatak na sa akin palayo ng open fields. Mainit ang mga palad na humahawak sa akin ngayon. Hinayaan ko nalang siyang hatakin ako.
What? Higher rank ako kay Blaze? Baka naman nagkamali lang ang fire of trial?
"Who. Are. You?" Napaangat ako sa nagsalita. Binatawan niya ako bigla at naglakad siya paatras. Nanlaki mga mata ko nang marealize kung sino siya.
"Blaze?" Tanong ko at umirap siya bago guluhin ang buhok niya.
"You just ruined kung anuman ang mission namin ni Flow. You ruined it all." Sabi niya bago ako tuluyang iwan doon. Napalingon lingon ako sa paligid at napansin na may statue dito ng babaeng naka-gown at may hawak siyang bola at sphere kung saan may umaagos na tubig sa bola.
Sa di kalayuan ay may madilim na kagubatan. Napalingon tuloy ako sa sentro ng Enchanted Academy. May araw pa naman. Bakit madilim na sa parte ng gubat na iyon?
"Asteria...." Nagulat ako nang may marinig akong boses na nangagaling doon. At kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Lola.
"Lola?" Naglakad ako papunta sa gubat.
"Apo...." Binilisan ko ang paglalakad papunta doon sa gubat.
"Lola? Nasaan ka?" Boses talaga iyon ni Lola sure na sure ako! Naglakad lang ako patungo sa kung saan ko naririnig ang boses.
BINABASA MO ANG
Bewitched
Viễn tưởngAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...