Naglalakad ako ngayon papunta sa House of Reapers nang tumigil sa harapan ko ang golf cart ng Academy.
"Saan ka papunta, Princess Asteria?" Tanong ng driver pero nginitian ko lang siya.
"Maglalakad nalang po ako. I like the fresh air." Sabi ko at bahagya siyang natawa.
"Parehas kayo ni Sir Ellai. Iyan din sinabi niya sa akin noong isang gabi. Sige ho. I may now leave, your highness!" Sabi ng driver at nagbow pa siya bago tuluyang umalis.
Hindi ko alam kung paano ko mapapatawad si Kuya Storm at Kuya Uelle kung isa nga sakanila ang may sala pero bakit naman nila papatayin si Master Alhashimi? Ngunit si Gino...pwede dahil misteryoso daw na tao si Gino kaya madami ding naghihinala sa kanya lalo na't bigla nalang daw nawala ang pinageexperimentuhan niyang mga Lethal Plants.
Ang nakakapagtaka pa doon silang tatlo pa na magkakabarkada ang mga naging suspects.
"Riri! Lalim ng iniisip ah!" Bigla akong inakbayan ni Alonso na may iniinom ngayon na yakult.
"Hoy saan mo yan nakuha?" Tanong ko at nginitian niya ako nang nakakaloko. Wala naman kasing yakult na binebenta dito kaya paano niya iyun makukuha.
"Connections you don't have." Pagyayabang niya kaya binatukan ko siya. Mukhang may inuutusan pa ito porket Great Master slash Senador ang tatay. May bigla akong naalala kaya mabilisan ko siyang nilingon...
"By the way, paano ka napadpad sa Haunted Forest noong araw ng invasion ng mga Diablos?" Biglaang tanong ko at parang napaisip din siya ng malalim. Napaupo kami sa harap ng House of Reapers. May benches kasi doon na pwede tambayan.
"Actually, naalala ko lang kasi na nakita ko si Storm na parang aligaga noong gabi kaya sinundan ko siya. Pumasok siya sa Forest na hindi ko naman alam na Haunted Forest pala. Tapos ayun, natusok ako ng isang halaman at hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari." Napatango naman ako sa pagexplain niya. Bakit kaya pumasok si Kuya Storm ng Forest? At bakit siya aligaga? As things get weirder and weirder, mas nakakapagtaka at nakakapanghinala. Although, I refuse to accept that they are suspects.
"Ano nangyari kay Kuya Storm?" Tanong ko kaya napakunot na noo niya.
"Actually pagpasok ng Haunted Forest bigla nalang siyang nawala sa paningin ko so hindi ko din alam talaga." Ang sketchy at nakakapagtaka naman. Bakit tumakbo papunta sa forest si Kuya Storm? Siya kaya talaga ang nagpatama ng kidlat sa akin noong gabing iyon?
Pero hindi eh. Hindi maaari.
"By the way, I think you need rest na. Laki na ng eyebags mo oh." Pangaasar ni Alonso habang tinuturo pa ang mata ko kaya hinampas ko ang kamay niya.
"Heh! Maganda pa din naman." Sabi ko at nagpacute pa sa kanya kaya natawa naman siya pero napatigil kami ng may sumulpot na kabute sa gilid namin.
"Ehem." Napatingin kami sa kung saan nanggaling ang tunog at nagulat ako nang makita si Blaze at Lucifer.
"Gabi na. Hindi na pwede maggala ng ganitong oras." Wow kay Blaze pa talaga nanggaling na laging nagcucut. Laging tulog sa klase at laging nambubully ng mga estudyante. The rule breaker is reminding us about rules.
"Yes po, Vice President. Bakit ganyan itsura mo Riri?" Tanong ni Kuya Alonso kaya agad kong inayos mukha ko. Sobrang sama na pala ng tingin ko kay Blaze.
"Tara na nga. May hipokrito na dito." Sabi ko at hinatak na si Alonso papasok ng House Faction.
"Sino daw hipokrito?" Rinig kong tanong ni Blaze.
"Ikaw." Sagot lang ni Lucifer at naramdaman ko nang sumunod na sila papasok ng House Faction. Oo, ikaw Blaze. Tss.
Sabay sabay na din kaming pumasok ng elevator.
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasiaAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...