Enchanted 8 🧝🏻‍♀️ Factotum Law

223 9 0
                                    

"So you're telling us na may napaniginipan kang nagbitaw ng Unforgettable Message sayo and you think it links to your past?" Tanong ni Hermione. Nandito kami ngayon sa open fields nakatambay kung saan kasama namin ang grupo nila Blaze na tinatawag palang Bad Bird. Corny noh? Pauso daw ni Blade.

"Yup! What do you think?" Tanong ko. Hindi ko alam pero nagtitiwala ako sakanila. I don't think they're harmful for me.

"It could be. Since it's about seeing and ang scar mo ay nasa eye part." Sabi ni Illumina at tumango naman kami ni Hermione.

"By the way, ano nangyari sa training class last time?" Tanong ko.

"Oh! We were about to tell you pero Hermione ikaw na magexplain you do better at those kinds of parts." Sabi ni Illumina na parang nahihiya. Napatingin naman ako kay Hermione.

"Well when you shouted to make it stop basta something between those lines, everyone of us literally stopped and balita ko everyone within 300 meter radius did stop so we think it's part of your Enchant although we can't think of what pa and how." Tumango naman ako sa explanation niya. Makes sense. Baka nga parte iyon ng Enchant ko pero grabe naman kung 300 meters eh natigil lahat.

Nakuha naman ng atensyon ko ang mga tao na nasa open fields dahil lahat sila nagsipagtigil sa mga ginagawa nila at nagbow.

"What's happening?" Pagtataka ko pero hinatak lang ako ni Illumina na nakabow na din kaya ginaya ko nalang silang lahat.

"Don't you miss me?" Biglang may sumulpot sa harapan namin ng mga kaibigan ko na lalaking blonde and buhok at aqua blue ang mga mata. Wait? Hindi ba siya iyong lalaki na kasama ni Blaze dati sa fountain noong unang araw ko dito. Yun naglalaro ng tubig.

"Yes that's me, Asteria." Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya. Did he just read my mind?

"Yes, I read your mind." Natatawa niyang sambit bago siya dumugin ng mga hampas, batok at tulak ng tatlo naming kasama — Blaze, Dark at Blade. Si Lucifer nanatili lang nakacross arms habang nakatingin kay Flow. Forever the emotionless.

"Prinsepeng mayabang." Sabi ni Lucifer at natawa lang iyong blondie.

"I'm Flow Zahar Kaia aka Prince Flow. Pleasure meeting you, Asteria Mignonette Zagan." Sabi niya kaya inextend ko lang ang kamay ko para tanggapin ang nakalahad niyang kamay. Kaia? So royalty siya?

"Asteria Zagan." Tipid kong sambit. Kaya pala nagsipagbow ang lahat dahil siya ang prinsepe. Napansin ko naman na mariin siyang nakatingin sa mata ko at nagseryoso ang mukha nito. Hindi ko malaman if that was a good thing or a bad thing.

"Where have you been, Flow?" Tanong naman ni Illumina pero ngumiti lang si Flow sa kanya.

"You'll know in 3...2...1." As if on cue biglang may nagannounce. Lumingon lingon pa ako para hanapin ang speakers pero wala akong makita.

"All Enchanters, proceed to the open fields." Paulit ulit iyang binroadcast sa speakers na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

"Ano na naman yan, Flow?" Tanong ni Blade pero ngumisi lang si Flow.

"Let's go, student council. May announcement tayo." Napakunot naman noo ng mga kaibigan ko at tila ba'y lahat sila nagtataka kay Flow.

Sumunod nalang kami naglakad na papunta sa gitna ng open field kung nasaan may nakahandang stage at mic na permanente na atang nandoon.

"Dito tayo." Hinatak ako ni Illumina papunta sa kung saan wala masyadong tao.

Napakunot noo ko nang mapansin na may mga estudyanteng umakyat ng stage.

Nandoon si Flow, Blaze, Freiza, Lucifer, Hermione, Katreena at iba pang estudyanteng hindi ko kilala. Nakangiti lang si Flow habang hinihintay na magsettle down ang mga estudyante.

"Ano mayroon?" Tanong ko sa mga kasama ko which is si Illumina, Dark at Blade.

"May student council kasi ang Enchanted Academy. Ang mga pinaka-malalakas ang mga napipili dito but obviously president si Flow dahil siya ang prinsepe. Given fact. Number 2 si Blaze which is Vice President pero assistant VP niya si Kuya Storm na napilitan lang talaga sumama dahil ayaw niya sa ganyan." Pageexplain ni Illumina pero wala namang katabi si Blaze tanging si Lucifer.

"Asan yung Storm?" Tanong ko at nagkibit balikat lang si Illumina.

"Baka may mission. I don't know. 4th rank si Lucifer which is ang Secretary. 5th si Freiza na Treasurer. 6th si Rhea which is Auditor. Tapos ang mga representative per faction. Si Hermione sa Stimulus, Katreena sa Elemental, Gino sa Erudites at si....wait, nasaan si Kuya Ellai?" And as if on cue, tumatakbo si Kuya Uelle na may suot pang parang doctor's coat. So siya ang representative ng Reapers. Bakas din ang pagtataka sa mukha niya bago maglanding ang paningin niya sa akin.

"Ano to?" He mouthed pero nagkibit balikat lang ako.

"I don't know." I mouthed as well at parang hinabol pa niya ang hininga niya. Layo ba naman kasi ng Academy Hospital sa open fields stage.

After ilang minutes umupo na kaming lahat ng makita na sobrang dami nang estudyante. Siguro ay kumpleto na.

"Good afternoon, Enchanters! As you all may have noticed, I was gone for more than a week. I went to the Enchanted Council for an agenda..." Nagbulungan na bigla ang mga estudyante pero lumawak lang lalo ang ngiti ni Flow.

"I will now bring back the Factotum Law." Napasinghap ang lahat sa narinig nila.

"No way?" Napalingon ako kay Illumina. Factotum Law? Bakit parang gulat na gulat ang lahat?

"For the information of new Enchanters since 3 years ago pa ang Factotum Law, the Factotum Law is a Law that allows the Executive members of the student council and Enchanted Council to choose one Enchanter to serve as their assistant for a month and thee who betrays his Foreman or boss, will be sanctioned to suspension or imprisonment by the Enchanted Law." Litong lito pa din ako. So ibigsabihin magkakaroon sila ng assistant? Bakit parang gulat na gulat ang lahat.

"In layman's term...kukuha sila ng servant o alipin. Hay! Ano na naman kayang trip ni Flow." Napalingon ako kay Illumina.

"Seryoso? Servant? For a month?" Tanong ko at tumango siya.

"Huwag ka magaalala sobrang dami naman natin eh 6 lang naman ang executive council so I doubt mapipili ka." Sabi niya na parang wala lang sa kanya. Sabagay, sobrang dami nga namang students mapipili ba ako?

"My Factotum will be...Emmanuelle Ellai Xavier." Mabilisan akong napatingin kay Kuya Uelle ng matawag ang pangalan niya. Nakangisi na si Flow ngayon. What? So magiging parang alipin ni Flow si Kuya Uelle. Nakita ko na nagulat din si Kuya Uelle.

"Next, my Factotum will be...Asteria Mignonette Zagan." Bigkas ni Blaze na nakatingin pa sa akin. Napalingon ang lahat sa akin.

"No way? I spoke to soon." Gulat na gulat din si Illumina pero narinig kong natawa si Blade sa gilid namin.

"Blaze is the worst Foreman. Lahat ng mga nagiging Factotum niya nasususpend or nakukulong within days." Sabi ni Blade at tinapik pa likod ko. Bigla naman akong nanginig. Bakit naman niya ako piniling Factotum? Ugh!

"Factotum Blade Caspian." Mabilisang sabi ni Lucifer na walang kaemosyon emosyon. Napalingon ako kay Blade pero nagkibit balikat lang siya.

"And Lucifer is the best Foreman kasi wala siyang inuutos. BWA HA HA HA!" Nagevil laugh pa si Blade kaya binatukan siya ni Illumina.

"You're not helping her." Sabi sa kanya ni Illumina.

What? Ako? Magiging Factotum aka slave aka servant aka alipin ni Blaze Ravana? Anong plot twist pa ba gusto niyo mangyari sa buhay ko legit!

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon