"Now it all makes sense! Kaya hindi ka pwedeng maging Factotum ni Blaze kasi you are above us all. You are the lost princess. Noong una haka haka lang ito at puro theories ngunit totoo siya. Your eyes, your hair and your enchant. All matches up to the Late Great King Esme." Sabi ni Hermione.
"And you are the daughter of the King of the Diabolo Kingdom." Dugtong pa ni Blade. Nandito kaming lahat sa Enchanted Garden. Ngayon ko lang nalaman na may ganitong palang lugar dito. Sobrang gandang garden niya. Nasa ibabaw siya ng maliit ng burol kung saan tanaw mo ang buong Enchanted Academy.
Hindi ko alam kung magsisink in pa din lahat ng mga nalaman kong ngayong araw. Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ng mga masters sa mga Zagan because Zagan ang apelyido nila King Aesma pero hindi pa din ako makapaniwala na anak ako ni King Aesma kasi bakit naman diba? Pero may chance din naman kasi hindi ko pa nakikilala ever ang mga magulang ko. Pictures o ano eh wala ding kopya si Lola. Hindi din pwede pagusapan ang kahit ano tungkol sa angkan nila King Aesma kaya lahat ng estudyante dito'y wala masyadong alam tungkol sa pangalan nila pero iba ang pangalan na sinabi ni lola sa akin eh.
Kaya din siguro sinabi noong isang master dati sa board room na walang asawa at anak si Lola dahil hindi ko siya talaga Lola.
Pero kung ako nga ang anak nila bakit naman aatakihin ng mga Diablo ang mansion namin at bakit hindi ako kilala ni Hades? Sa parteng iyon, doesn't make sense!
Ang labo!!!
"Hello? Asteria? Tulala ka na diyan!" Sabi ni Illumina habang iniisnap ang fingers niya sa harapan ko dahilan para mawala ako sa malalim na pagiisip ko.
"Ano masasabi mo, Flow? Patayin mo na kaya yung anak ng kalaban niyo?" Sabi naman ni Dark kaya binatukan siya ni Illumina.
"Pinagsasabi mo diyan ha?" Pagsusungit sa kanya ni Illumina. Napalingon naman ako kay Flow na malalim ang iniisip ngayon.
"Hey." Siniko ko siya kaya napatingin siya sa akin.
"Don't worry. Hindi enemy tingin ko sayo. You may or may not believe this but I trust you." Sabi ni Flow kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Ang babait talaga nila. I'm glad sila ang mga naging kaibigan ko.
"Training now." Sabi ni Master Alhashimi sa utak ko. Oo, through the days natuto na ako makipagusap gamit lamang ang utak.
Tumayo na si Blaze at Lucifer kaya tumayo na din ako. Tiningnan lang kami ng mga kaibigan namin na parang nagtataka.
"Training daw." Pagkklaro ko kaya tumango lang sila at kumaway para magpaalam. Naunang maglakad si Blaze at Flow kaya hinabol ko sila at pumagitna sa kanila. Hinawakan ko ang braso nila at nginitian sila.
"I'm sorry." Bulong ko.
"For what?" Tanong ni Lucifer. Oo nga saan nga ba?
"For being a Zagan." Sabi ko kaya napayuko ako pero ginulo naman ni Lucifer buhok ko.
"It's not your fault. Mahirap lang talaga tanggapin siguro noong una na parte ka ng kaharian na iyon but we're just the same kaya it's okay with me." Sabi ni Lucifer na walang expression pa din ang mukha pero his eyes...alam kong sincere siya dahil nakikita ko iyon sa mga mata niya.
"Tara na nga." Sabi ni Blaze at hinatak na ako kung kaya't napabitaw ako kay Lucifer at nauna na kaming maglakad. Umiling lang si Lucifer at napangisi.
"Galit ka ba?" Tanong ko bigla kay Blaze kaya napatigil siya sa paglalakad. Hinarap niya ako sa kanya at tiningnan niya ako sa mga mata ko.
Napaatras naman ako sa sobrang lapit namin. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang mga pisngi ko. Napapikit siya ng ilang beses bago tumingin ulit sa harapan.
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasiaAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...