Enchanted 2.15 🧝🏻‍♀️ It's A Trap

97 6 0
                                    

Tinanggal nila ang mga sako na nagtatakip sa ulo ng mga lalaki kong kaibigan. Sa una ay makikitang nagtataka ang mga ito kung saan sila napadpad. Mga mukhang bagong gising pero nang makita nila kaming anim na mga babae ay agad nila kaming tinakpan.

"Ano pakay niyo?" Hasik ni Blaze.

"You invaded our haven so we penalize you." Sabi ng isang lalaki. Matangkad ito at naka-indian sit pa sa ibabaw ng lamesa.

"We went here in peace to shop and play in the arcade. We did not mean trouble. We're sorry nalang for the inconvenience so if you could let us go." Kalmadong sabi ni Flow. At times like this, bilib ako na kalmado pa si Flow. Bagay talaga siya maging prinsepe at leader.

Napansin kong nakatingin lang sa sahig si Alistair na parang nagfofocus. Binabasa siguro niya ang mga nasa isip ng nasa paligid. Maybe, I should try to read their minds as well pero hindi ako makafocus because the only thing I can think about is how we're going to get out of this hell hole.

"Hawthorne Academes?" Napatingin kami kay Lucifer na nakapamulsa lang habang nakangisi pa.

"Yes. Actually." Sagot ng isang babae na maiksi ang buhok at napakatangkad para sa isang babae.

"Cut the crap. What do you want? Nakakainip na." Si Blaze syempre. Dito natawa ang grupo.

"As I said, blood to be shed. You see, Enchanted Academy students are not and never will be welcome in the land of Groverfield. This is our land. This is for the Diabolo Kingdom only." Sabi naman ng isang babae. Kulot ang buhok nito at mahahalatang may lahi sa pananalita pa lamang at itsura.

"HAHAHAHA!" Tumawa ng malakas si Blaze kaya tumaas ang isang kilay ng nagsalitang babae. "Nagbibiro ka ba? 13 kami at 9 lang kayo. You guys are outnumbered."

"I think I know how we can break the force field." Napatingin ako kay Hermione na biglang bumulong sa isipan namin pero umiling siya kaya tumingin ako muli sa grupong nasa harapan.

"Apparently, we are on the upper hand here kasi if you do not possess a Diabolo blood line then your enchanted powers are useless. This shop was made for us ergo, if you fight with us combat, we can easily kill you thus blood be shed." Sabi naman ng isang lalaki na nakasalamin. Mukhang siya ang pinaka-matino pero hindi mo pa din masasabi dahil ang porma nito pa rin ay alam mong trouble.

Nagkatinginan kaming magkakaibigan bago sila sumenyas sa akin, kay Alistair saka Lucifer.

"Asteria...Alistair..." Napatingin ako kay Hermione na kinakausap ako through the mind. "A non-passing force field can be broken by clashing it to a struck of electric shock and another force field."

Nagkatinginan kami ni Alistair at parang naintindihan namin ang ibigsabihin niya. Alistair can summon thunder and lightning which could be an alternative whilst I use my shield enchant.

"Sige how about we play a little game?" Sabi ng lalaki na mukha leader nila. Nagkatinginan sila bago magsipagngitian ng malawak.

Tumayo ang lalaking naka-indian sit kanina sa lamesa.

"Three challenges. If you pass at least two, we let you go and if you fail then bye bye Enchanted World. Deal?" He asked.

"Deal." Sabay sabay kaming napatingin kay Alistair na deretsahang sumagot sa kanila na parang walang kinakatakot. I think he can read their minds which I can't because I can't focus.

Nagpalakpakan ang grupo at lumapit sa amin ang parang leader nila.

"I'm Draco Sullivan by the way. At least you know my name before you choke to death." Hindi ko alam kung bakit pero parang mas finafantasize niyang pinapatay ako more than my friends. Sa akin siya mariing nakatingin habang nakangisi. "First challenge! Try to get out of the shop."

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon