Enchanted 2.26 🧝🏻‍♀️ The Dopplegänger

97 6 0
                                    

"Nakausap ko na si Headmistress Georgia. Pinayagan niya kayo na ipagpatuloy ang research niyo. Sabi niya we should sleep in a hotel for tonight in Manila dahil gabi na raw." Sabi ni Gino na kakarating lang sa lamesa namin. Nandito kami sa isang restaurant not far from Manila. Papunta na kaming Manila para hanapin ang mga Abythos.

Pero hindi ko pa din maisip bakit kamukhang kamukha ni Stacey iyong Anastasia Abythos. Parang si Stacey talaga iyon pero impossible eh. 1920 pa ang taon na iyon. Baka nagkataon lang na sobrang magkamukha sila. Tama tama! Napailing nalang ako. Bakit ko ba to inooverthink?

"Asteria." Napatingin ako kay Katreena na bigla akong tinawag.

"Yes?" I asked.

"Well, tulala ka diyan at pinaglalaruan mo pagkain mo. Mukha na tuloy giniling yang steak mo." Sabi ni Katreena kaya napatingin ako at tama nga siya. Gutay gutay na pala pagkain ko.

"As I was saying, paano tayo makakapag-tanong tanong sa Holy Trinity College? That's a Normie school." Sabi ni Flow kaya napabuntong hininga ako ng malalim. Ang dami kong kailangan hanapin at pagisipan ngayon. Bakit nagsabay sabay ang lahat?

"Asteria? You okay?" Napatingin ako kay Blaze na nakatingin lang sa akin. Napansin ko bigla na pinagpalit niya ang steak namin. His was untouched and good as new. Mine was like something that came out of a massacre film.

"Okay lang ako. Hindi mo na dapat pinagpalit." Ibabalik ko na sana ang steak pero pinigilan niya ak at tiningnan ng seryoso kaya napairap nalang ako at naghiwa na para kumain ulit.

"As I was saying, how?" Flow continued.

"Si Headmistress Georgia ang principal namin doon." Sabi ko at nagulat naman sila. Nabilaukan pa si Katreena.

"Seryoso ba?!" They all asked in unison kaya tumungo lang ako kahit si Kuya Gino ay mukhang nagulat.

"Yup! Ako rin nagulat nang siya ang headmistress ng E.A." Sabi ko at napatango naman sila.

"Pero familiar talaga itong mukha na to eh." Napatingin ako kay Blaze na tinititigan lang ang litrato. Ginupit namin ang parte ng yearbook na mayroon si Haruto kung saan nakalagay ang pangalan ng isang descendant ni Abythos.

"Saan mo naman nakita ang 120 years old na babae? Blaze you're crazy baka may kamukha lang." Sabi naman ni Katreena pero biglang binagsak ni Alistair ang kamay niya sa lamesa kaya nagulat kaming lahat.

"Asteria, bakit hindi mo sabihin sa kanila ang nasa isip mo? Do you really think na purely coincidental lang na kamukha ng Stacey na iniisip mo yung Anastasia? I think they're related, Asteria. How can the resemblance be so uncanny kung coincidence lang? I think they're blood related." Nagulat ako sa tono ng pananalita ko Alistair. Ngayon ko lang siya nakita na hindi kalmado. He was frustrated.

"What is he saying?" Katreena asked. Napapikit ako ng mariin bago mag-explain sa kanila.

"Imposible din eh. You should have seen Stacey's face noong sinave ko siya during my first ever mission. Gulat na gulat siya. I doubt na she's an enchanter. I highly doubt it." Sabi ko kaya napabuntong hininga si Alistair samantalang takang taka pa din ang tatlo naming kasama.

"Wait wait. Paki-explain, guys." Sabi ni Flow habang pabalik balik na tumitingin sa akin at kay Alistair kaya huminga muna ako ng malalim bago ibaba ang spoon and fork ko sa plato. Kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ko kanina pa.

Nadala na ako sa punishment ng Enchanted Council kaya this time nagdala talaga ako ng pera at cellphone. Same goes with my friends.

Hinanap ko ang picture ni Stacey at nilapag ang cellphone ko sa lamesa. Nagulat sila nang makita kung gaano ka-magkamukha iyong Anastasia Abythos at si Stacey, my bestfriend. Itinabi ni Blaze ang litrato na kanina pa niya hawak sa cellphone ko.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon