Maaga kaming lahat nag-assemble sa health center para ayusin ang final touches ng health center kahit hindi talaga namin natapos ang buong plano, sinusubukan pa din naming ayusin to na malapit sa talagang plano. Kinaumagahan ay may pumunta na secretary ng council sa bawat houses to announce na darating ang council ng 2:00pm para sa ribbon cutting ng health center.
"Your next punishment will be based on how well you finished the health center. Mas maganda at mas madaming nagawa equals a lighter punishment pero kung halos wala pa sa kalahati ng plan ang nagawa niyo ay expect the worst. That is all, goodbye." At pagkasabi na pagkasabi niya ng good bye ay nawala na agad siya into thin air. Para pa siyang robot kung magsalita na walang ka-emosyon emosyon. Her eyes doesn't blink and she doesn't move anything in her body while speaking.
Agad kaming napaligo at ayos ng mabilis ni Draco at mukhang ganon din ang ginawa ng iba naming mga kaibigan dahil pagdating namin, halos kakarating lang din ng iba. Lahat ay mukhang nagpanic.
"Ugh! I cannot believe that we're being punished like this." Sabi ni Rosalia but I just didn't mind her and continued on fixing the reception area of the center. Wala na akong time pakealaman pa o patulan ang rants nila.
I just want this to be over.
"I just want this to be over." Napatingin ako kay Blaze na bumulong. Parehas pa kami ng naisip. Napatingin naman ako kay Alistair at Flow na nakatingin sa akin habang nakangisi at nagbubulungan. Weirdo rin tong dalawa kapag pinagsama eh. Umirap nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Binlock ko din ang mind ko para hindi na nababasa ng nino man.
Pagpatak ng 1:00pm ay halos mataranta na kami sa pagaayos ng finishing touches. Hindi na din kami nakapag-lunch dahil gusto naming matapos ang naka-plano kahit mukhang imposible but we were more than half way there.
Pagpatak ng 1:45pm ay isa isa nang nagdatingan ang mga mamamayan ng town na pinapanood lang kami na nagaayos mula sa labas.
"Mukhang nasabihan sila." Sabi ni Velox kaya napabuntong hininga nalang ako. The Enchanted Council is really full of surprises. Hindi ko inexpect na madami palang taong darating ngayon.
Maya maya pa ay nagdatingan na ang ibang protectors na naka-all black suit pa ngayon.
"Magsisimula na. Please step out of the premises na." We all groaned nang magsalita ang isang protector sa amin. Pumunta ako sa mga rooms at isa isa itong chineck. Draco was always beside me the whole day pero ngayon ko lang siya napansin. Tiningnan ko siya na pinagmamasdan ang kwartong inaayos nila Mont at Alistair. The place looked nice.
Napatingin sa akin si Draco at inirapan ko nalang siya. Hindi ko malaman bakit ganon niya ako tingnan. Yung halos hindi siya makatingin sa mukha ko unlike kung paano talaga siya tumingin sa akin before.
"Tss." Naglakad na kami papunta sa iba pang rooms at nakita na ayos na ang lahat. Hindi man kumpleto ang mga gamit pero I know we finished and did a lot.
"Lumabas na daw kayo papunta na ang council." Sabi ng isang protector. Nakita ko pa nag-aayos pa ang iba na tila ba'y hindi pinansin ang protector. Para kaming mga estudyante sa classroom na tinatapos ang pinagawa ng teacher at nagpapanic na.
"Let's go. We did enough and well naman." Sabi ni Draco at agad napatigil ang mga kaibigan niya sa pagkilos. Mahahalata na siya talaga ang sinusunod ng mga ito.
Isa isa na silang lumabas habang kami ni Draco ay tinitingnan kung kumpleto na ba. Si Mont at Alistair pala naiwan sa isang kwarto. Baka hindi nila narinig.
"Please proceed to the stage." Sabi ng isang protector habang tinuturo ang mini stage sa labas. May stage pa palang hinanda ang council. Napairap nalang ako. Isa isa silang umakyat sa sinabing stage pero napatingin ako kay Draco na binibilang na kaming lahat na nakapila sa labas ng health center. Hinawakan ko ang braso niya.
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasíaAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...