"Dito first class mo. Hold on to that schedule and map para di ka mawala. 12nn pa vacant ko. Bye, Riri!" Pagpapaalam ni Kuya Uelle pero hinatak ko siya muli.
"Wait lang, Kuya! Iiwan mo ko?" Halos mangiyak-ngiyak kong bigkas pero natawa lang siya at ginulo buhok ko.
"Sa Academy Hospital pa class ko. General Surgery kinukuha ko by the way so I may not be with you all the time pero kaya mo na yan! Bawal naman pumatay mga estudyante kapag hindi training day eh" Natatawa niyang sambit pero nanlaki lang mga mata ko kaya hinampas ko siya.
"Kuya! Hindi nakakatawa!" Pero tumawa lang siya. Galing mangasar diba?
Bigla namang nagring ang bell kaya nagtakbuhan ang mga estudyante na parang nasa karera papasok ng mga classroom.
"Magsstart na. Go, riri! Kaya mo yan." Nagtaas pa ng kamao si Kuya Uelle na parang nagsasabi ng "fighting" pero hindi ko feel ang fighting spirit na binibigay niya.
"Whatever bye." Sabi ko at tumalikod na para pumasok ng classroom. Tanging iyong black folder lang ang bitbit ko dahil may tablet naman daw kada room at hindi na need ng notebooks. Napaka-high tech na school eh.
"Siya ba yung transferee?"
"Oh my god! Nagpapasok pa sila kahit isang buwan na nagstart classes?"
"Who's she?"
"Totoo bang kasama niya si Ellai kanina? I hate her already."
Yumuko lang ako nang marinig ang bulungan nilang napakalakas at naghanap ng bakanteng upuan. Nakakita naman ako sa third row kaya dumeretso na ako doon.
"Hello! I'm Illumina, Enchanter of the Light. You must be the new girl?" Bati ng isang babaeng blonde and buhok at todo ngiti pa.
"I-I'm Asteria." Nakipagkamayan lang siya at sumingit ang isang itim na itim ang buhok na kulot.
"I'm Hermione, Enchanter of Healing." Bati naman nito kaya ngumiti lang din ako. They look friendly pero sabi nga ni Lola don't trust anyone.
"What's your Enchant, newbie?" Mapait na sambit ng isang babae na puting puti ang buhok na hindi lalagpas sa balikat ang haba nito at deretsong deretso. Ang mga mata niya ay blue na blue at bakas ang katarayan sa tindig at pagsalita niya.
Enchant? I don't know what it is at kung mayroon ba talaga ako nito.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang matandang lalaki na may tungkod pang hawak kaya agad na nagsipagupuan ang lahat.
"Transferee, stand up and introduce yourself." Nanlaki mata ko sa lalim ng boses niya kaya agad akong napatayo sa takot. Kakatakot talaga boses niya!! Parang mangangain.
"Good morning, everyone! I'm Asteria Mignonette Z-Zagan. 18 years old f-from Manila." Aish! Talagang nagstutter pa ako.
"Enchanted Power?" Napapikit ako sa tanong ng propesor kaya agad akong umiling.
"I-I don't know pa po." Sagot ko kaya agad nagtawanan ang mga kaklase ko.
"She doesn't know?"
"What a joke?"
"Bakit pa siya nandito?"
"Lame-o!"
Napayuko ako nang marinig ang bulungan nila dahil sa kahihiyan.
"Quiet. Interesting. Zagan ka talaga?" Pagtataka niya kaya tumango ako.
"Yes po." Sagot ko. Zagan daw ako sabi ni Lola at dapat ko daw gamitin ang pangalan na iyon which is mas lalo lang tuloy akong nagtaka tungkol sa parents ko pero bakit parang hindi naman makapaniwala itong propesor namin?
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasyAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...
