Buong gabi kaming nag-patuloy sa pagpipintura at pagaayos ng sahig ng soon to be center. Mabuti din at may packed lunch na dala ang council kaya hindi na kami nahirapan sa pagluto ng processed food.
Napagana din nila CM at Hermione ang kuryente kaya ng kinagabihan ay may matino na kaming ilaw at electric fan. Wala na ding protectors sa loob at labas ng center but we were all too exhausted to fight or bicker at each other kaya ayos lang din na wala ang mga ito. Gusto nalang naming tapusin ang health center para hindi na kami maparusahan pa.
Alistair, Blade, Haruto and Velox took hours bago sila maheal ng tuluyan ni Beatrix at Hermione. I wanted to try my mysterious strengthening ability pero pinigilan lang ako ng mga kaibigan ko, saying na my enchanted power has weakened at may nadrain na voltage kaya hangga't sa maaari ay huwag ko muna ito gamitin.
Nahihirapan na ako muli magbasa ng mga nasa isip ng nasa paligid ko unlike the past days. Siguro isa din sa mga epekto ng nangyari sa akin kanina. It was an enchant exhaustion as my friends call it.
"Princess, let's go." Napatingin ako kay Draco na may bitbit na maliit na plastic bag. Nauna na ang apat na naturukan ng syringe papunta sa mga bahay na naka-assign sa kanila. Hinintay naman namin ni Draco na matapos ang lahat bago kami umalis. Blaze insisted na sasabayan niya kami kahit halatang antok na si Beatrix.
I checked my watch and it was already 1:00am. Hindi ko na namalayan ang oras. Hating gabi na pala. Inisa isa ko ang mga kwarto to check kung may naiwan na bukas. All clear!
"Let's go." Sabi ko kay Blaze, Draco at Beatrix na nakatingin nalang sa akin, inaantay na umalis na din ako sa center. Habang naglalakad ay inakbayan ako ni Blaze.
"Miss mo na Academy?" Tanong nito kaya nagpout lang ako sa kaniya bago sampalin ang kamay niya.
"Oo pero wag kang tsansing, Blaze Ravana." Pangaasar ko kaya natawa lang ito.
"Hoy! Kailan ako naging ganon aba?" Pagdedepensa niya pero binelatan ko lang siya at kumaripas ng takbo kaya hinabol naman agad niya ako.
"Hoy hindi tayo pwede magkalayo layo!" Sigaw ni Beatrix na hinabol din kami pero hindi ako tumigil hanggang sa kapusin ako ng hininga kaya napatigil na ako na hingal na hingal. Ganoon din si Blaze at Beatrix pero parang wala lang ang ginawa naming pagtakbo kay Draco.
"I don't know why we're still following that rule kahit wala nang mga bantay." Wika ni Blaze pero I just shrugged my shoulders. Siguro naging natural nalang ay pagsigurado na kasama namin palagi ang partner namin and also, part of me tells me na we should still follow the given rules.
"Dito na tayo, Blaze." Humarap sa akin si Beatrix bago magbow. "Good bye princess! Draco!"
Tiningnan lang ako ni Blaze and I clearly know those eyes. Worry.
"Okay ako, Blaze. Sige na pahinga na kayo. Bye!" Kumaway lang ako ng saglit bago maglakad palayo. Baka kapag nagtagal pa ako ay magmatigas ng ulo si Blaze.
"You and fire boy, huh?" Napatingin ako kay Draco na biglang nagsalita.
"What?" I asked in confusion to what he meant.
"Ikaw at si Blaze. May something kayo noh?" He asked pero napangiwi ako kaagad.
"Blaze is just always concerned with friends. We're friends...." Napatigil naman ako ng ilang segundo. Hindi ko alam kung bakit pero parang may inner voice sa akin na sumisigaw na more than friends tingin sa akin ni Blaze pero honestly, wala akong plans for love and relationships. It's all a big distraction. Tiningnan ko si Draco at tumango habang nakangiti. "Friends."
"So you wouldn't mind if I do this?" Nagtaka ako sa sinabi niya kaya napatigil ako at napakunot ang noo ko. What does he mean?
Pero nagulat ako nang bigla niya akong hatakin malapitan at titigan ang mga mata ko. What the hell?! Agad ko siyang tinulak palayo at inapakan ko ang paa niya.
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasyAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...