Enchanted 6 🧝🏻‍♀️ Training

257 13 0
                                    

"Oh my god! Hindi ba siya iyong Reaper?"

"I know right. Maybe she was just faking when she said hindi niya alam Enchant niya."

"I know. The audacity to lie diba? Shame."

"I wonder who she is and where she's from."

"Sobrang sketchy niyang Enchanter."

"WALA NA BA KAYONG IBANG MAGAWA KUNDI MAGCHISMISAN?!" Sigaw ni Illumina kaya natahimik ang lahat.

Isang linggo na ang nakakalipas at pinaguusapan pa din ng lahat kung paano ako naging Reaper puro ako ako. Bakit parang kasalanan ko pa? Charot!

Araw araw naman ako sinasamahan nila Illumina at Hermione sa class and cafeteria. Mabait sila sa akin at hindi ko nasesense ang kasamaan sa kanila. They always ask me kung natuklasan ko na ba Enchant ko but I always say no dahil hindi ko pa din talaga alam. Binasa ko na din ang binigay ni Kuya Uelle na libro.

Tungkol iyon sa Black Enchant ng mga Diablo o mga nasasaklaw ng Kingdom of Diabolo. Tungkol iyon sa mga Enchanted Power ng mga Diabolo. Isang trademark nila ang very notable which is ang puro blooded Diablos daw ay may red eyes and all of their Enchant are made to kill or manipulate others.

Isa lang ang kilala kong may ganitong trait. Napalingon ako sa lalaking nakasandal sa bleachers at nakapikit.

Lucifer Aza.

So he's from the Kingdom of Diabolo, I assume since pure blooded Diablos lang ang may red eyes and no one else. I wonder how he got here if that's the case. Buong weekend akong nanatili sa kwarto ko pero pinupuntahan naman ako ni Kuya Uelle o ni Illumina at Hermione. Pwede daw kasi magvisit ang nasa ibang faction sa house ng ibang faction kapag weekends. Wala din kaming training class noong weekends dahil wala daw ang Master. Saturday, Sunday and Monday kasi ang training days daw.

Pero ewan ko ba kung bakit sabik na ako magtraining class. Doon daw usually lumalabas ng Enchant kasi sabi nila Hermione pero today, may training class na kami o parang PE class sa Normie World. Wala kaming PE uniform dahil ang daily school uniform din ang gamit namin. Paano kami makakapagPE ng maayos kung ganon diba?

"Excited ka na ba for training class?" Tanong ni Illumina at tumango ako ng mabilis.

"Super. Gusto ko na din malaman Enchant ko eh." Sabi ko at nginitian lang nila ako dahil pumasok na ang Master. Maaga kaming pumasok dahil sabi ni Kuya Uelle strict si Master Snape. 15 minutes early ang start at kapag dumating ka ng sakto sa oras ay considered late pero dahil excited na ako, 30 minutes before nandito na ako sa training dome.

And I must say napakalaki niya parang siyang MOA Arena sa laki. Charot! Pero totoo!

"Goodmorning class! Newbie, introduce." Sanay na ako diyan dahil every class iyan ang bungad.

"I'm Asteria Mignonette Zagan, Master." Sabi ko at akmang uupo na ng biglang may force na nagbuhat sa akin papunta sa gitna ng arena.

What just happened? Bakit ako napunta dito bigla?

"Zagan? Sure ka ba sa apelyido mo?" Tanong ni Master Snape at tumango ako. Kikilabutan ka sa boses at itsura niya dahil it screams...authority and darkness.

"Yes po. Zagan po ako." Sabi ko at tumango naman siya.

"What's your Enchant then?" Tanong niya pero umiling ako.

"I don't know yet po." Sabi ko at ngumiti siya.

"Lucifer, Freiza, attack her." Mabilis na tumakbo si Lucifer at Freiza papunta sa akin na konagulat ko. Ano mangyayari? Ano dapat kong gawin.

"Always be alert of attackers! Depensa!" Naalala ko mga turo ni Kuya Uelle kaya nang aatake na silang dalawa ay mabilis akong umiwas at nagdepensa pero mas mabilis ang kilos nilang dalawa kaya nahawakan nila agad ang magkabila kong braso kahit sinubukan ko magdefense.

"Good defensive skills but too slow." Sabi ni Freiza na nakangisi pa kaya napaatras ako. No walls! Damn! Pano ako makakawala?

"Pain."

"Freeze."

Sabay na bigkas ni Freiza at Lucifer pero napakunot lang noo ko. Naalala ko ang sinabi ni Kuya Uelle at ang nabasa ko sa libro. Maaaring may Great Shield na taglay ang katawan ko kaya hindi gumagana sa akin ang manipulating enchants. Bibihira lang daw ang mayroon nito dahil iisang lahi lang ang may taglay ng resistance enchant which is hindi naman nakalagay sa libro kaya nakakapagtaka pa din.

"Tsk disperse." Bulong ko. Pwede bang lumayo sila at wala akong maisip na counter attack. Nagulat ako nang maramdaman na wala nang nakahawak sa mga braso ko at parang napaatras silang dalawa.

"Blaze, ring of fire!" Nagulat ako sa bilis ng pangyayari nang mapalibutan ako ng apoy.

Paano ba mawawala ang apoy? Paliit ng paliit ng space sa pagitan ko sa apoy kaya nanginginig na ako sa takot. Umaabot na ito sa laylayan ng coat ko kaya nanlaki na mga mata ko. Pinagpag ko ang apoy na dumikit sa coat ko para mataanggal ito. I forgot the fact that normal combat fighting won't work din kasi may enchanted power ang lahat dito!

"Make it stop! I said stop!" Sigaw ko nang wala na talagang space kundi puro apoy na nasa paligid ko at nagulat nalang ako nang humangin bigla ng malakas. Naglaho ng parang bula ang mga apoy at gulat na gulat ang lahat.

Napakunot noo ko nang makita na hindi na gumagalaw ang lahat sa paligid. Parang nakapause ang buong lugar.

Biglang sumabog ang mga ilaw sa training dome.

Nanghina ang mga tuhod ko kaya unti unti akong napaluhod. Ano nangyayari?

Nahihilo na ako. Nagdodoble na ang paningin ko at hindi na ako makahinga. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Napatingin ako kay Blaze na nasa harapan ko na ngayon. Hawak hawak niya ang magkabilang pisngi ko. And before I knew it.....

Everything turned into black.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon