So nanatili kami ni Lucifer dito sa training dome dahil may training daw kami kasama ang magiging Master namin for the semester.
Pumasok bigla si Blaze kasama si Master Alhashimi.
"He will be training with us. A week of rest is enough." Sabi ni Master Alhashimi. Wait? Si Master Alhashimi ang training Master namin?
Umupo siya sa bleacher at pinatong doon ang tungkod niya.
"Come." Agad kaming lumapit sakanya at nag-indian sit sa harapan niya. Napakunot noo ko nang makita ang tungkod niya. Isang serpent ang nakaukit sa hawakan nito. Kulay gold ang ulo ng serpent at ang mga mata niya ay ruby ang bato na kamukha nang...napahawak ako sa pendant ko.
Napatingin ako kay Master Alhashimi at kinindatan niya ako.
Sabi ni Lola lahat ng may kahawig nitong pendant ko ang silang natatanging pwede kong pagkatiwalaan. So isa si Master sa mga yun?
"Akin na palad mo, Asteria." Nilahad niya ang kamay niya kaya pinatong ko ang palad ko doon. Pumikit siya ng ilang segundo bago dumilat.
"Hindi nga ako nagkakamali. Your enchant is related to mind manipulation. I'm not still sure if my hypothesis is correct but we will test it now. As you can see Ravana and Aza, those who possess manipulating enchants ay hinding hindi mababasa ang utak nila...unless kamaganak mo. Alam mo na ba, Asteria na all Enchanters can talk to each other using the mind only and not the mouth?" Tanong niya kaya umiling ako. Kaya nila yun? Bakit hindi ko alam?
"You may not know of it now kasi blocked ang mind mo. Hindi nababasa ng iba unless kamaganak mo sila. Pero you can talk to others using the mind." Woah! Pwede yun?! So kapag exams pwede pala magcheat dahil nakakapagusap using the mind only. Cool! I guess this Enchanted World isn't boring after all.
"Now, Asteria, hold Blaze's hand and manipulate him to smile." Sabi ni Master Alhashimi. Napakunot naman noo ko.
"How po?" Tanong ko.
"Just focus and isipin mo that making Blaze smile is the only thing you want to do now. Go! Stand up!" Sabi niya at biglang may force na nagtulak samin ni Blaze patayo. Paano ba nangyayari yun? Hindi kaya telekinetic sila ni Master Snape? Anyway, training!
Hinawakan ko ang kamay ni Blaze at parang nakiliti pa kamay ko. Ano ba yun! OA na talaga ako lately!
"Smile." Bulong ko. Pero hindi napapangiti si Blaze. Huminga ako ng malalim. Think that making him smile is the only thing I want to do....
Focus...
Focus...
"Smile!" Sigaw ko at napabitaw ako nang biglang tumawa si Master Alhashimi at L-Lucifer?
"Not us but Blaze! Pero-HAHAHA-good job! Nalaman ko na Enchant mo and you made Lucifer laugh—ASTERIA!" Bigla namang nanghina katawan ko. Pinikit pikit ko ang mga mata ko pero naglalabo na paningin ko sa paligid.
Napakapit ako kay Blaze. Sumasakit na ulo ko at unti-unting bumibigat na ang katawan ko.
"Asteria?"
"Asteria! Wake up!"
Iyan lang ang huli kong narinig before I went into a deep deep sleep.....
"Riri!" May tumatawa na batang lalaki sa tabi ko ngayon.
"Catch me if you can!" Sigaw ko at tumakbo ako sa garden.
"Young master, time for merienda." Salubong ng isang katulong at naglapag ng tray sa lamesa sa garden.
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasíaAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...
