Enchanted 2.1 🧝🏻‍♀️ Suspects

184 8 0
                                        

PRESENT TIMES

"In firing guns, we have basic rules for safety.  Una, kapag hindi mo gagamitin ang firearm mo, siguraduhin na unloaded ito at nakalock. Pangalawa, para sa kaligtasan ng lahat siguraduhin mo na nakalagay sa isang ligtas na lugar ang firearms mo to avoid unauthorized access. Pangatlo, huwag na huwag mong iiwan ito nang hindi ito unloaded and locked. Now, this is the basic stance when you fire guns."

Tumayo si Master Hiroshima sa tapat ng target at pinakita ang tamang stance at paghawak ng baril. Napahikab naman ako at parang bumibigat na mga mata ko sa antok. Paano ba naman? Inubos ko oras ko kagabi sa pagiimbestiga pero malinis ang crime scene. I just can't believe that most of the suspects are close friends of mine. Dalawa pa sakanila ay naging training master si Master Alhashimi. Hindi lang ako makapaniwala na sila ang mga suspects.

"Asteria." Napadilat ako nang may sumiko sa tagiliran ko. Mabilisan akong napalingon kay Illumina at parang sumesenyas siya na tumingin ako sa harapan.

"Mukhang antok ka na, Asteria. Why don't you show us the proper stance and firing?" Nagulat ako sa sinabi ni Master Hiroshima. Ako na naman pinagiinitan nitong si Master Hiroshima. Noong isang araw pa siya ganiyan sa akin. Pasalamat siya matagumpay niya akong napahiya sa class kahapon dahil sa tanong niya tungkol sa elements ng isang baril. Hindi ko kasi iyong memoryado pa pero ngayon hindi na ako papayag mapahiya pa.

You chose the wrong day, Master Hiroshima.

Tumayo ako at kinuha ang baril na nakapatong sa lamesa. Dadamputin ko na sana ang earmuffs nang magsalita siya.

"No earmuffs. Hindi ka naman gagamit niyan kapag labanan na talaga eh." Sabi niya kaya napairap nalang ako.

Tumayo na ako sa harap ng targets.

"Try shooting at least one target." Sabi niya kaya napangisi ako. One? Lima ang target na nandoon. Kada target ay isang shape ng tao.

Tinaas ko na ang baril at tinapat sa gitnang target.

Bang. Bang. Bang.

Sunod sunod kong binaril ang tatlong nasa gitna. Napangiti ako nang sakto sa center ng ulo ang natamaan ko. Napasinghap naman ang iba kong mga kaklase kaya napangisi ako lalo.

"Next. Straight to the...." I trailed off before pulling the trigger once again.

Bang. Bang.

Tinamaan ang dalawang nasa magkabilang dulo na target.

"Heart." Nilapag ko ang baril sa lamesa nang makita ko na deretsong tumama ang bala sa dibdib ng magkabilang dulong target.

Tiningnan ko si Master Hiroshima at nakitang nanliit ang mga mata niya at tila ba'y sinusuri ang mukha ko.

"Ano pa po ang ipapagawa niyo?" Tanong ko at umiling nalang siya bilang sagot kaya bumalik na ako sa pwesto ko at tinapik pa ni Illumina likod ko.

Hindi ko makakalimutan na isa si Master Hiroshima sa mga matatandang Masters na gusto akong paalisin na dito sa Academy. Oo, noong nagkaroon ng disciplinary action meeting.

"Okay. You may now try to shoot the targets." Nagtawag na siya ng mga estudyante na pwede nang pumunta sa harapan para mag-gun firing.

Kuya Uelle, taught me well about shooting guns. Iyan ang paborito ko sa lahat ng mga naturo niya sa weaponry training noon.


"Ang galing mo, Asteria." Sabi ni Illumina na tuwang tuwa pa. Nandito kami sa Dining Hall, nagdidinner.

"Ikaw kasi hindi mo manlang mashoot deretso sa center ng target." Pangaasar sa kanya ni Blade kaya binato niya ito ng bote na nasalo naman agad ni Blade.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon