Enchanted 13 🧝🏻‍♀️ My Gifted Weapon

193 14 0
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa training building ay may ilang estudyante ding naglalakad patungo roon.

"Asteria!" Napalingon ako sa sumigaw at nginitian sila. Sila Illumina lang pala.

Bigla namang may kumalabit sa akin kaya napalingon ako. Si Headmistress Georgia pala.

"Asteria, your secret will be revealed today. No doubt. I hope you will accept it. Hindi ko din alam bakit ngayon sinabi ni Queen Celestina na magassign ng weapons kahit next week pa dapat but you will be revealed today dahil sa maassign sayong weapon. Goodluck!" Sabi niya at naglakad na palayo. Parang naguluhan ako sa bilis ng pagsalita niya at wala akong nagets.

"Ano sabi ni Headmistress?" Tanong ni Hermione pero umiling lang ako.

"Hindi ko din naintindihan." Sabi ko. Ang weird naman. Anong marereveal? May secret ba ako? Wala naman akong maalala. Basta ang alam ko ang ngayon daw kami aassignan ng weapons.


"So for today, magaassign na ako ng mga weapons na gagamitin niyo. Only me the master of all trainings can assign you a weapon. Hindi ito pwedeng baguhin ng kung sinuman because some weapons are given gifts from either your heirloom or calling ng Enchant niyo. Understood?" Tanong ni Master Snape. Nandito kami sa training dome at nandito lahat ng mga kabatch namin pati narin ang lahat ng masters kasama si Headmistress at Queen Celestina na kinagulat naman namin. Hindi lamang ang mga kaklase namin kundi buong batch. Big deal ba ang pagassign ng weapons?

"Yes, Master!" Sabay sabay naming sagot.

Nagsimula na siya magtawag simula A to Z. Hindi din ako pinapansin ni Lucifer at ni Blaze matapos malaman ang Enchant ko kahit ilang araw na ang nakakalipas. Binasa ko na din ang nasa folder. Wala namang nakalagay doon tungkol sa blood line na pinanggagalingan nito puro information lang paano gamitin at anu-ano ang kaya nitong gawin and I must say na sobrang powerful niya. Miski ako hindi ko maimagine. Ilang araw na ang nakakalipas pero kahapon palang bumalik si Kuya Uelle at Flow. Araw araw din kaming nagsasanay ni Lucifer at Blaze pero hindi pa din nila ako pinapansin sa training dome.

"Aza, Lucifer, Enchanter of the Senses." Tumayo na si Lucifer. "Haladie."

May inabot sa kanyang isang malaking pacurve na parang sword pero sa gitna ang hawakan at may blade sa magkabilang dulo. Ngayon ko lang ata nakita iyang weapon na yan.

Si Blade ay nakakuha ng double infinity pistol. Dalawang pistol na hindi daw nauubos ang bala. Si Dark naman ay shuriken o tinatawag na throwing knives meanwhile si Illumina ay katana. Si Hermione naman ay nakakuha ng bow and arrow. Si Flow naman ay nakakuha ng Anaklusmos na halatang kinatuwa niya.

"You see, the great Anaklusmos is an heirloom from the Kaia bloodline and only those who possess great water enchant can have this sword." Namangha naman ang lahat nang makita ang sword that fits perfectly into Flow's hands.

"Next. Katastrephein, Stormius." Pagapak ni Storm sa gitna ay kinagulat namin nang hindi pa tapos magsalita si Master Snape ay tinaas niya ang palad niya at biglang may hammer na lumipad papunta sa palad niya at kumulog ng malakas.

"WAAAAHH!!" Napatili ang iba sa gulat pero tumawa lang si Master.

"Still a show off, Storm. And that, everyone, is an example of a calling kung saan piling Enchanter lang ang pwedeng makapagsummon sa hammer of thunder. Go back to your seat, Storm." Sabi niya at may parang force na tumulak kay Storm papunta sa upuan niya. Paano ba niya yun nagagawa?

Isa isa na ulit tinawag at wala namang unusual na weapon pang naulit hangga't sa tinawag si Blaze.

Naglakad ang protector na isa at inabot ang flaming sword daw kung tawagin kay Blaze. Silver lang naman ito na sword...or not.

Pagkahawak niya ay onti onting naging pula ang blade nila.

"Another calling, everyone. The flaming sword is a lethal weapon and can kill you with one slice. Next!" Woah! Ibang iba ang weapons dito sa ginagamit ni Kuya Uelle na pangtraining sa akin. Guns and knives lang naman usually so I know how to shoot and throw knives pero hindi ko pa master ang swordsmanship. I just hope I get one of those weapons para hindi na ako mahirapan pang magadjust.

"Next, Zagan, Asteria." Sa dami kong iniisip ako na pala ang susunod. Pagtayo ko sa gitna ay napalingon ako sa protectors na kumukuha ng weapons pero hindi sila nandoon sa table kung nasaan ang karamihan ng weapons.

Binuksan nila ang isang malaking wooden box na mukhang kabaong. Umalog bigla ang box kaya napasinghap ang lahat. Biglang lumutang ang isang silver na mukhang pitchfork na may dalawang patusok sa dulo at mabilisang lumipad sa tapat ko kaya sinalo ko ito agad.

Napaatras pa ako sa lakas ng impact.

Pero nanlaki ang mata ko nang ang kulay silver nitong coating ay onti-onting naging pula.

"The Bident. That is also an heirloom of the Zagan clan but is also a calling. The last time that it was used was 50 years ago during the Great Enchanted War!" Nanatili akong nakatitig sa hawak kong bident. 50 years ago pa nagamit pero parang sobrang kinis pa niya at walang gasgas manlang kung ginamit siya sa war. Heirloom ng mga Zagan and calling siya? Wow. I can't keep up sa information.

"And proves to us one thing. That the theory about the lost princess is true and Asteria Mignonette Zagan is the one and only Great Princess, Granddaughter of the Late Great King Esme." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Master Snape. Ang lahat ay napasinghap din pero hindi ko inasahan ang susunod na nangyari.

Nagbow si Master Snape pero hindi lang usual bow kay Flow na yuyuko lang kundi lumuhod siya at nagbow na sinundan din ng lahat ng nasa loob ng Training Dome miski ang masters pati na rin ang...q-queen.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon