Enchanted 2.6 🧝🏻‍♀️ Another Zagan Rises

161 9 0
                                        

"Saan ka nanggaling? Sino ang parents mo? Bakit mo kilala si Princess Asteria?" Tanong ni Headmistress sa lalaking nakaupo ngayon sa hospital bed na chinecheck ng mga doctor.

"Hindi ko alam." Sagot ng lalaki na tulala na ngayon. Bakit nga ba niya ako kilala? Pero hindi ko naman siya kilala ni hindi siya pamilyar sa akin.

"I can't even read your future! Hindi gumagana telepathy enchant ko sayo!" Hinawakan ni Master Nodame si Headmistress na bakas ang pagkairita ngayon para mapakalma ito.

"As I said, I don't know kung paano ako napadpad dito. My name is Alistair Magus Zagan. 18 years of age. Inalagaan ako ng isang enchanter na nagngangalang Esmiraldo sa gitna ng gubat! Hindi ko din alam bakit kilala ko si Asteria! Kung sino man siya ni hindi pamilyar ang pagmumukha niya." Halos pasigaw na din ang sagot ng lalaking nagngangalang Alistair.

"Sino si Esmiraldo? Bakit wala manlang akong notice na may lilipat ngayon? At anong klaseng entrance pa ang ginawa mo? Bumagsak ka mula sa langit at nagcause ng malalakas na kulog at ulan." Tanong muli ni Headmistress. Napahawak na sa ulo si Alistair. Ang mas nakakapagtaka pa eh parehas kami ng apelyido na iisang lahi lang raw ang mayroon.

"Rain has not fallen in the sacred sanctity of this Academy. It must be your doings?" Tanong ng isa sa mga masters na nandirito.

"Another Zagan on the loose in the realm of our campus? Absurd. Preposterous!" Si Master Hiroshima. Halata namang nagtataka din si Alistair base palang sa itsura niya but his mind tells the exact same story.

"He's telling the truth." Sabi ko kaya agad napatingin sa akin ang lahat ng nasa paligid. Nababasa ko kasi ang isip niya at oo nagtataka siya sa lahat ng nangyayari. Wala akong mabasa na masamang pakay o ano. Puro confusion at katanungan lamang. Nandito ang buong student council ng Enchanted Academy kasama ang ibang mga Masters.

"Another Zagan invades our campus. Interesting." Wika ni Master Snape na sinusuri na din si Alistair.

"All I know is nagdinner lang kami ni Mang Esmiraldo tapos natulog na ako and the next thing I know is napadpad na ako dito with nothing but my clothes and..." Inangat niya ang isang kwintas at nanlaki ang mga mata ko. "...and this pendant."

Agad akong napahawak sa pendant ko at inangat ko ito.

"Why do you have the same pendant as mine?" Tanong ko kaya napakunot din ang noo ni Alistair. Tinitigan niya ang pendant na hawak hawak ko ngayon.

"Binigay lang ito ni Mang Esmir. Sabi niya eh mahalagang pendant ito." Sabi niya kaya napakunot noo ko. Naalala ko ang mga sinabi ni Lola na kung sino man ang may ganitong pendant ay kakampi at mapagkakatiwalaan. Hindi kaya kilala din ni Lola ang sinasabi niyang Mang Esmiraldo?

"Then what's your enchant?" Tanong naman ni Flow kaya napabuntong hininga ang lalaki.

"Bewitch and summoner of thunder." Agad na napasinghap ang lahat bago sabay sabay na mapatingin sa akin. Parehas kami ng enchant? Then we must be blood bound. For sure!

"Mag-DNA test nalang tayo. Kapag nagmatch edi iisa lang ang ibigsabihin—" Tinapos ni Master Isigani ang sinasabi ni Master Nodame kaya nagulat kaming lahat.

"Na malaki ang posibilidad na magkakambal kayo, Princess Asteria." Sabi niya kaya lalong nagulat ang lahat. Lalo na ako! May kakambal ako? Bakit hindi manlang nabanggit ni Lola?

"Then we will have a meeting again. Disciplinary action because of this monstrosity that's invading our sanctum." Sabi ni Master Hiroshima at tumango ang ibang Master. Wow? Shockingly expected.

Nasaan na ba kasi si Lola? Kailangan ko na ng mga kasagutan!

"Fine. Whatever floats your boat." Sabi ni Alistair at humiga na sa hospital bed.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon