"Malalate na ako." Napatingin ako sa watch ko at 8:05 na. More like, late na talaga ako. Classes start on time pa naman. Sobrang nakakadrain kasi training namin kahapon, napasarap tuloy tulog ko. Ito naman si Kuya Uelle hindi manlang ako ginising.
Pinindot ko ang elevator sa Ingenium Hall at nasa 20th floor pa ito. Hay! Pati elevator nanadya. Hindi naman ako pwede mag-stairs kasi 12th floor pa ang classroom.
Ding.
Agad akong sumakay ng elevator nang pagbukas na pagbukas nito.
"Oh, Riri. Late ka na." Mabilis akong napalingon kay Kuya Uelle na pawis na pawis ngayon.
"Huwag mo na chikahin pa." Sabi ko at tinulak na siya palabas ng elevator. Pinindot ko na ang 12.
8:10 na!!!!
Pagbukas ng elevator ay tumakbo na ako papuntang classroom. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pintuan.
"You're late, Asteria." Bungad sa akin ni Master Alhashimi kaya napalunok ako agad.
"Sorry po, Mast—" Hindi ko na natapos sasabihin ko dahil nagulat ako nang magtayuan ang mga kaklase ko at sabay sabay lumuhod para mag-bow. Napataas naman ang isang kilay ko.
"Take your seat now." Sabi ni Master kaya tumango lang ako at naglakad na papunta sa upuan ko. Nagsipagupuan na din ang lahat pagkaupong pagkaupo ko. Seryoso? Kailangan talaga nilang gawin iyan? Actually lahat ng madaanan ko simula kahapon ay nagbobow na. Noong una iniisip ko na baka dahil kay Prince Flow na lagi naming kasama pero narealize ko na sa akin na din pala. Mas mababa nga lang ang pagbow nila sa akin.
Inexplain pa ni Hermione iyon....
"In hierarchy nakabase ang pag-bow. Sa family ni Queen Celeste, half bow lang like nakatayo pa din habang nagbobow. Samantalang kapag descendant ng Royal Family ni Late Great King Esme, dapat at least one knee is bent down upon bowing. Law iyan na inenforce ng Enchanted Council kaya bawal iyon suwayin." Sabi ni Hermione habang nagdidinner kami sa Dining Hall. Naiilang na kasi ako sa mga nagbobow kada madaanan lang namin.
"So are you saying that Asteria is now higher than Flow?" Tanong ni Illumina pero siniko siya ni Dark kaya mabagal siyang napalingon kay Flow na tahimik na kumakain ngayon.
"Sarap ng pasta ngayon noh?" Pagchchange topic ni Blade.
"I-I know right. Ibang flavor kasi." Sabi naman ni Illumina at yumuko nalang para kumain.
"She is higher than me. I know that." Napalingon kaming lahat kay Flow at tiningnan lang niya ako sabay ngiti. A genuine one. I hope.
"Here! Eat this your majesty." Sabi niya na bahagya pang natawa. Inabot niya ang isang strawberry yogurt.
"Thanks." Sabi ko at tinanggap iyon.
Napalingon ako kay Flow na nakikinig sa lecture ni Master Alhashimi habang nagtytype sa tablet. Naiilang din ako kay Flow dahil sa nalaman ko. Kagabi din ay nagbasa ako ng books tungkol sa Dark Arts, Diablos and everything related to the Kingdom of Diabolo. Sumasakit ulo ko. I'm trying to trace down my genes kaso walang fullname. It's all written in titles or aliases.
"I will be pairing you all for your practical examination. You will be given tasks individually relating to your chosen partner...." Pageexplain ni Master Alhashimi na magiging exam namin. Oo nga pala sa Friday daw kasi ang examination day.
At inannounce na din niya ang magiging pairs.
"I guess it's you and me again. Go light on me ha. Gusto ko pa mabuhay." Pagbibiro ni Lucifer bago siya umupo sa tabi ko. Oo si Lucifer ang naassign na partner ko. Marunong din pala magbiro itong si Lucifer. Lagi kasing napakalamig ng aura nitong lalaking to eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/200988237-288-k132845.jpg)
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasiaAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...