"I can't believe that we're spending our weekends here inside the library." Pagrereklamo ni Blaze. Sumalampak nalang sa sandalan ng upuan niya ay pinikit ang mga mata niya.
"We need to finish searching through the yearbooks na para mamaya makapagresearch na tayo on where we can locate them." Sabi nalang ni Flow at hinatak si Blaze palapit sa lamesa para magbasa na muli.
"Ichiko Yamaguchi. Enchanter of Ghastly Wind, Batch 1960." Sinulat ni Flow ang pangalan na sinabi ni Katreena pero agad siyang napatigil sa pagsusulat. Nanlaki ang mga mata namin at agad kaming nagtinginan sa isa't isa.
"Why didn't we think of it sooner?" Sabi ni Alistair pero parang naliligaw pa din sa usapan si Blaze at Katreena.
"I'm lost." Sabi ni Katreena pero hindi siya pinansin ni Alistair at humarap kay Flow.
"Pwede ba tayong pumunta ng Hawthorne Academy? Legally?" Tanong nito kay Flow at napaisip ng ilang segundo si Flow.
"Teka teka, bakit tayo pupunta sa hell forsaken place na iyon?" Sabi ni Blaze na halatang confused pa din pero nagtinginan lang kaming tatlo at ngumisi.
"I'm so lost in this conversation." Sabi ni Katreena. Tumayo bigla si Flow at pumalakpak.
"Pwede naman siguro." Sabi niya bago maglakad palabas ng Library kaya sumunod nalang kami.
"So you want me to allow you to go to Hawthorne Academy for your research? Ngayon pa na nasa watch list kayo ng council?" Tumango lang kami ng mabagal. Nandito kami ngayon sa office ni Headmistress Georgia. Nakaupo lang ito sa likod ng desk niya habang kami ay nakatayo sa tapat niya.
"Sige." Agad kaming napapalakpak at napa-yes pero short lived lang ang excitement namin. "But bring 6 protectors and Gino."
"Six?!"
"Si Kuya Gino po?!"
"What?!"
Sabay sabay naming pagreklamo but more on me, Alistair, Blaze and Katreena. Flow just stood there quiet with a smile on his face.
"Sure, Headmistress." Tumayo si Gino na kanina pa nag-aayos ng mga papeles sa isang drawer ni Headmistress. Pinagpag pa nito ang tuhod niya bago lumapit sa amin.
"You must wear our uniform. Use your long cape. Kapag may ginawa kayong kalokohan hindi na ako magdadalawang isip na paparusahan kayo. The Van will wait for you outside the House of Reapers. Magbihis na kayo." Sabi niya kaya tumango kami kaagad bago maglakad ng mabilis papunta sa House Faction namin para magbihis.
Medyo mahaba din ang biyahe papunta sa Hawthorne Academy. Napapalibutan din ito ng mga nagtataasang puno at mga talahiban. Hawthorne Academy was located at the far end of Groverfield.
"Pass?" Hinarang kami nang mga guards at inilawan kami ng mga flashlight. Naalala ko na ganitong ganito din ang security sa Enchanted Academy.
"Celestians." Sabi ng isa at agad nila kaming tinutukan ng baril.
"What the..." Napasinghap kami nang bigla kaming pinalibutan ng mga security guards.
"Tawagan niyo si Headmaster Fausto. We were invited." Sabi ni Gino kaya agad nag-radyo ang mga ito.
"Celestians from Enchanted Academy are in the premises. Permission to let them in?" Tanong ng isang guard. Maya maya ay may tumunog na static muli sa radyo at may sumagot na.
"Let them in." Sabi ng nasa kabilang linya kaya agad naglayuan ang mga guards at umangat ang steel barrier.
"Hawthorne Academy's big." Sabi ni Katreena habang nakatingin lang sa paligid ng H.A. Miski ako kay namangha sa laki ng lugar. Enchanted Academy preserved its old-ish style pero sa Hawthorne Academy ay makikita na modernized na ito. Tall skyscrapers, glass-walled buildings. Everything was high-tech.
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasiaAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...