Enchanted 3 🧝🏻‍♀️ Enchanted Academy

357 13 0
                                        

"Asteria Mignonette! Nakikinig ka ba sa akin?" Pagtawag ni Lola ng atensyon ko dahil tulala na ako. Nakapark kami sa tapat ng isang castle este faculty building daw kung saan namin kikitain ang Headmistress ng Academy. Kinakagulat ko pa din ang lahat ng mga nasaksihan ko ngayong araw.

I...CANNOT...BELIEVE...IT!

"Opo, Lola ano yun?" Napapikit naman ako nang marealize kung ano mali sa sinabi ko at narinig kong napatawa ng bahagya si Kuya Uelle kaya kinurot ko siya ng patago.

"See! You're not listening. From now on, you are not Asteria Mignonette Agnaz but rather Asteria Mignonette Zagan. Zagan gagamitin mong apelyido. Tinago kita sa ibang pangalan dahil baka mahanap ka ng mga Diablo pero nahanap ka na nila. Manatili ka dito sa Academy. Huwag na huwag kang lalabas ng wala kang kasamang protector o kahit sino sa amin. Huwag ka magtitiwala sa mga tao ng basta basta. Ito apo." Binato sa akin ni Lola ang isang red suede box na sinalo ko agad. Binuksan ko ito at namangha sa ganda ng ruby stone na nakakabit sa kwintas.

Wait? Zagan ako? 17 years akong inaasar sa school na Agnas daw mukha ko kasi Agnaz pangalan ko tapos malalaman ko Zagan totoo kong pangalan? TMI!!! Or too much info!!!!

Sasabog utak ko.

"Ang mga makikita mong may ganyan ay nagsisimbolo na sila lamang ang pwede mo pagkatiwalaan. Tandaan mo iyan, Asteria. Magiingat ka ha. M-mahal na mahal kita, Apo." Bahagyang nanginig pa si Lola sa huling sentence na binitawan niya. Ngayon lang ata ako sinabihan ni Lola niyan.

Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Hindi kami expressive ni Lola sa pagmamahal namin pero kahit ganon, alam kong mahal na mahal namin ang isa't isa.

"Senyora!" Nawala ako sa pagiisip ng malalim ng may kumatok sa bintana ng van. Nanlaki mga mata ko nang makita kung sino iyon.

Si Principal Georgia lang naman, ang principal namin sa Holy Trinity College. Naka-red lipstick ito at all-white na suit na humuhubog sa kurba ng katawan niya.

Bumaba ang driver ni Kuya Uelle at binuksan ang pintuan ng van.

"Emmanuelle Ellai! Kasama mo pala sila Senyora!" Masayang bati ni Principal Georgia. Ano ginagawa niya dito?

"Yes, Headmistress." What? Si Principal Georgia na dyosang principal ng Holy Trinity College ay Headmistress dito??? Dami naman raket ni Principal. Masyadong masipag for income....pero....that means...

Enchanter siya?


"So...you must be Asteria. Senyora Simone's granddaughter. Pleasure meeting you." Bigla siyang tumawa kaya napakunot noo ko. Umalis na si Lola kasama ang driver ni Kuya Uelle. Niyakap ko lang siya ng ilang segundo bago ako tuluyang sumunod kay Kuya pati sa H-Headmistress. May isang protector, o ang tinatawag na guwardiya, na nagdala ng mga luggages ko. Hindi na rin pa nagsalita si Lola kaya hinayaan ko na siyang makaalis. Baka magdramahan pa kami. Boring non and dramatic masyado. Not my style.

"I'm just kidding. I know you, Asteria. I have been watching you always sa Holy Trinity. Good to finally meet you officially as an Enchanter." Bakas ang excitement sa tono niya pero walang ibang pumapasok sa isip ko kundi...pagtataka at kaguluhan.

"You must still be in shock. Anyway, Welcome to Enchanted Academy. Nafill-outan na ni Senyora ang forms mo so ito ang schedule mo, room keycard, ID and map ng Enchanted Academy." May inabot siyang isang folder na kulay gold. Lahat ba dito kulay gold. Tinitigan ko lamang ito ng ilang segundo bago ito agawin ni Kuya Uelle.

"Ako na muna bahala kay Riri, Headmistress Georgia. Mukhang nasa state of shock pa siya eh." Natatawang sambit ni Kuya Uelle.

"I see. So what's your Enchanted Power, Asteria?" Tanong ni Headmistress Georgia kaya napakunot noo ko.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon